You are on page 1of 6

Pagsulat sa Piling Larang

Asignatura Baitang 11
W1 Markahan
- Akademik
4 Petsa May 2-5, 2023
I. PAMAGAT NG ARALIN Pagsulat ng Adyenda
II. MGA PINAKAMAHALAGANG • Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang
KASANAYANG PAMPAGKATUTO makabuo ng sintesis sa napag-usapan
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Kahulugan at Kahalagahan ng Adyenda
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 30 minuto )

Ngayon ay nasa unang linggo tayo ng ikaapat na Markahan markahan. Bilang pagpapatuloy, may bagong
paksa tayong tatalakayin. Narinig niyo na ba ang salitang “adyenda?” Kung oo, saan ninyo ito narinig at
saan ito ginagamit? Atin nang alamin ang mga impormasyon tungkol sa ating paksa.

Panuto: Pagmasdan ang mga larawan nasa ibaba. Ang mga larawan ay nagpapakita ng
magkaibang sitwasyon sa pagpupulong. Suriin kung anong mga sitwasyon ang makikita
rito at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

GAWAIN I- ( Long bond Paper)

1. Ano ang nakikita sa dalawang larawan ng pagpupulong?


2. Anong mga bagay ang dapat na inihahanda bago ang pulong?
3. Ano-ano ang mga bagay na dapat gawin upang matandaan ang pinag-usapan o napagkasunduan sa
isang pagpupulong?
4. May ideya ka ba sa paggawa ng agenda

Makikita sa larawan ang isang pulong kung saan ginagamit ang adyenda. Ayon sa Wikipedia, ang adyenda
(agenda) ay nagmula sa pandiwang Latin na ago, agere, egi, actum na ang ibig sabihin ay pagtulak nang
pasulong.

Ang adyenda o talaan ng mga bagay na dapat maisaalang-alang o maisakatuparan. Ito ay mga plano o
layunin na maaaring gumabay sa isang tao para makamit ang ninanais na kahahantungan. Madalas na
ginagamit ang salitang adyenda sa mga pagpupulong, halimbawa ay ng mga organisasyon o samahan.
Tumutukoy ito sa mga isyung dapat pag-usapan at pagtuunan ng pansin.

May ideya na ba kayo tungkol sa adyenda? Dagdagan pa ninyo ang inyong kaalaman sa pagbasa ng
kasunod na bahagi.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
D. Pagpapaunlad

Ang adyenda ay listahan, plano, o balangkas ng mga pag-uusapan, dedisyunan o gagawin sa isang
pulong. Ito ay kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito sa indibwal.

Ginagamit din sa pagtukoy sa gawaing dapat aksyunan o bigyan prayoridad sa isang pulong.

Ang Agenda Ang salitang agenda ay nagmula sa pandiwang Latin na agere na nangangahulugang
gagawin. Sa pananaw na ito, mabibigyang depinisyon ang agenda bilang isang dokumento na naglalaman ng
listahan ng mga pag-uusapan at dapat talakayin sa isang pagpupulong. Mga Konsiderasyon sa Pagdisenyo ng
Agenda Sa artikulong How to Design an Agenda for an Effective Meeting nagpanukala si Swartz (2015) ng
mga konsiderasyong dapat tandaan sa pagdidisenyo ng isang agenda. Ayon sa artikulong ito, kailangang
isaalang-alang ang sumusunod:
1. Saloobin ng mga kasamahan. Para maging mas proaktibo ang mga kalahok sa pagpupulong, mahalagang
malaman ang kanilang saloobin at kung ano ang mga nais din nilang matalakay sa pagpupulong.
2. Paksang mahalaga sa buong grupo. Ang mga paksang nakalista sa agenda ay dapat direktang may
kinalaman ang mga inaasahang kalahok sa pagpupulong.
3. Estrakturang patanong ng mga paksa. Datapwa’t walang masama kung ito ay nasa anyong pahayag, ang
isang tanong ay mas nakakapanghamon ng isipan. Dahil ang paksa ay nasa anyong tanong,
nangangahulugan din na nangangailangan ito ng kasagutan.
4. Layunin ng bawat paksa. Dapat maging malinaw sa mga kalahok kung ano ang layunin ng bawat paksa.
Dapat maging malinaw kung layunin nito ang pagbabahagi ng impormasyon, pagkuha ng panukala para sa
gagawing desisyon, o pagdedesisyon.
5. Oras na ilalaan sa bawat paksa. Mahalagang pagtuunan ito ng pansin dahil kadalasang may itinatalagang
oras ng pagsasagawa ng pulong. Kung 30 minuto lamang ang nakalaan sa buong pagpupulong, dapat
masagot kung gaano katagal ang pagtalakay sa bawat paksa.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Agenda

Kapag napagdesisyon na ang agenda batay sa mga konsiderasyon sa pagdidisenyo nito, maaari na itong
sulatin. Narito naman ang mga mungkahing hakbang sa pagsulat ng agenda para sa isang pagpupulong:

1. Alamin ang layunin ng pagpupulong. Magagawa lamang agenda kung malinaw sa gumagawa nito ang
layunin ng pulong na gagawin. Kung ikaw ang naatasang gumawa ng agenda linawing mabuti ang layunin ng
pagsasagawa ng pagpupulong.
2. Sulatin ang agenda tatlo o higit pang araw bago ang pagpupulong. Para mabigyan ng sapat na panahon
para maipamahagi ang agenda, dapat tapos at aprobado na ito ng nagpapatawag ng pulong tatlong araw
bago ang pagpupulong. Mabibigyan din ng maagang distribusyon ng agenda ang mga kalahok upang
paghandaan ang mga paksang nakatala dito.
3. Simulan sa mga simpleng detalye. Bago itala ang mga paksa, mahalagang ilahad ang mga impormasyoln
tulad ng petsa at oras ng pulong, lugar ng pulong, at mga inaasahang kalahok.
4. Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa limang paksa para sa agenda. Itala ang hindi hihigit sa limang paksa
upang pag-usapan sa pulong. Ang masyadong maraming talakayin ay maaari makapagdulot lamang ng
pagkabagot o information overload. Maaaring magpatawag na lang ng panibagong pagpupulong kung
kinakailangan. Bagamat kung hinihinging mahigpit ng pagkakataon, maaaring lumagpas sa lima ang paksa.
5. Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa. Ayon sa nakaplano, ilagay ang nakalaang oras sa bawat
paksa. Magagabayan nito ang mga kalahok sa ilalaang panahon upang pag-usapan ang bawat isyu.
6. Isama ang ibang kakailanganing impormasyon para pagpupulong. Kung may mga ispesipikong detalye,
kailangang maisama ito sa agenda. Halimbawa kung sino ang magtatalakay sa una, at sa ikalawang paksa, o
kung kailangang rebyuhin at dalhin ang kalakip na dokumento.

Kahalagahan
1. Katuturan at kaayusan ng daloy ng pulong
2. Nalalaman din ang pag-uusapan at isyu
3. Nabibigyan ng pagkakataon tantyahin ang oras
4. Naiiwasan ang pagtalakay ng usaping wala sa adyenda
Mga Hakbang sa Pagsulat
 Magpadala ng isang memo na magkakaroon ng isang pulong sa tiyak na paksa.
 Ilahad sa memo na kailangan nilang kumpirmahin kung sila’y dadalo at magpadala ng paksang nais
bigyang pansin.
 Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag lahat ng adyenda ay nalikom na. Ilagay
sa talahanayan kasama ang taong tatalakay.
 Ipadala ang sipi sa mga taong dadalo,dalawa o isang araw bago ang pulong huwag kalimutan
kung kailan at saan.
Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda
 Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
 Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa.
 Manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging flexible kung kinakailangan. Sundin ang itinakdang oras sa
pagtalakay ng paksa.
 Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda. Maglagay ng palugit
o sobrang oras.
 Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama sa adyenda.
Gawain II( Long bond paper)
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang adyenda at saan ito ginagamit?


2. Bakit mahalaga ang adyenda sa isang pulong?
3. Ibigay ang mga hakbang sa pagsulat ng adyenda?
4. Ano ang malaking naitutulong ng pagsulat ng isang adyenda bago ang isng pagpupulong?
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
E. Pakikipagpalihan

Gawain sa Pagkatuto III

Gumawa ng isang flow chart na nagpapakita ng hakbang sa pagsulat ng adyenda at isulat ito sa sagutang
papel.

Pagsulat ng
Adyenda
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 60 minuto)
(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)

Gawain sa Pagkatuto 4 Sumulat ng isang adyenda( Magprovide ng isang long bond paper lagyan ng design ang
bondpaper. Gawing basehan ang halimbawa ng Adyenda sa ibaba. Gamitin ang Pamantayan

Paksa:

Ikaw ay naatasang bumuo ng isang adyenda tungkol sa pagpapatupad ng pangkalusugang patakaran


upang makaiwas sa pagkakaroon ng Covid-19. Isulat sa sagutang papel ang nilalaman ng iyong adyenda

.
Lebel Pamantayan Puntos
Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto
ang detalye
Napakahusay Malinaw ang intensiyon at nilalaman ng 15
adyenda.
Nasundan ang paraan, panuto at iba pa.
May kaisahan at may sapat na detalye.
May malinaw na intensiyon sa
Mahusay
pagpapahayag tungkol sa paksa 10
Tama at nasundan pa rin ang panuto.
Konsistent, may kaisahan, kulang sa
Katamtaman detalye
Di-gaanong malinaw ang intensiyon 6
Hindi ganap ang paglalahad ng mga
detalye
Di-malinaw ang intensiyon 4
Mahina
Hindi wasto ang mga panuntunan
sa pagsulat
HALIMBAWA NG PAGSULAT NG ISANG ADYENDA

Petsa: Disyembre 5, 2015 Oras: 9:00 n.u.-


11:00 n.u.
Lugar: Academy of Saint John (Conference Room)
Paksa/Layunin: Preparasyon para sa Senior High School
Mga Dadalo:
1. Daisy Romero (Prinsipal)
2. Nestor Lontoc (Register)
3. Joselito Pascual (Finance Head)
4. Atty. Ez Pascual (Physical Resources Head)
5. Engr. Ricardo Martinez (Engineer)
6. Vicky Gallardo (Academic Coordinator)
7. Rubie Manguera (Academic Coordinator)
8. Richard Pineda (Academic Coordinator)
9. Gemma Abriza (Guro- Senior High School)
10. Joel Cenizal (Guro- Senior High School)
11. Sherlyn Fercia (Guro-Guro Senior High School)
12. Evangeline Sipat (Guro-Senior High School)
13. Ailene Posadas (Guro- Senior High School)
14. Vivin Abundo (Guro- Senior High School)
15. Onie Ison (Guro – Senior High School)
Mga Paksa o Agenda Taong Tatalakay Oras

1. Badyet sa pagpapatayo ng mga gusali Pascual 20 minuto


para sa Senior High School
2. Loteng kailangan sa pagpapatayo ng Atty. Pascual 20 minuto
gusali
3. Feedback mula sa mga magulang Romero 10 minuto
hinggil sa SHS ng ASJ
4. Kurikulum/Track na ibibgay ng ASJ Romero 20 minuto

5. Pagkuha at Pagsasanay ng mga guro Lontoc 15 minuto


para SHS
6. Pag-iiskedyul ng mga asignatura Pineda 15 minuto

7. Estratehiya para mahikayat ang mga Gallardo 10 minuto


mag-aaral na kumuha ng SHS sa ASJ

PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 15 minuto)


 Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Pagsulat ng Journal- Gawain 5


Isulat sa iyong sagutang papel ang inyong mga naging pagninilay tungkol sa ating tinalakay na aralin.

Naunawaan ko na
Nabatid ko na
Kailangan ko pang matutunan na

You might also like