You are on page 1of 15

PAGSULAT

KATUTURAN NG PAGSULAT
► Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng
kaisipan, retorika at iba pang mga element. (Xing at Jin)
► Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y
pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man. (Badayos)
► Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. (Keller)
► “Writing is rewriting.” Ang pagsulat ay isang eksplorasyon – pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma at ang
manunulat ay gumagawa nang pabalik-balik nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang
kaniyang matuklasan kung ano ang kaniyang isusulat at kung paano niya iyon maipahahayag nang mahusay,
(Donald Murray)
► Ang pagsulat ay ekstensiyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kaniyang pakikinig, pagsasalita
at pagbabasa. (Peck at Buckingham)
► Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang
pasulat. (Josefina Mangahis, et. al)
3 Paraan at Ayos ng Pagsulat

1. Pasulat

2. Limbag
3. Elektroniko
Anyo ng Pagsulat

1. Pormal

2. Impormal

3. Kumbinasyon
Mga Uri ng Pagsulat
Ito ay isang intelektuwal na pagsulat dahil
Akademik layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga mag-aaral.

Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na


Teknikal nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o
komersyal na layunin.

Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial,


Journalistik kolum, anunsyo at iba pang mga akdang
karaniwang makikita sa mga pahayagan at
magasin.
Mga Uri ng Pagsulat
Uri ng pagsulat na naglalayong
Referensiyal magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa
isang paksa.

Uri ng pagsulat na nakatuon o exclusiv sa isang


Propesyunal tiyak na propesyon

Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus


Malikhain dito ay ang imahinasyon ng manunulat bagama’t
maaaring piksyunal at di-piksyunal ang akdang
isinusulat.
Pagsulat ayon sa Layon

Paglalahad
Nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga
pangyayari, sanhi at bunga, at magkakaugnay na
mga ideya at pagbibigay ng mga halimbawa.

Pagsasalaysay
Nakapokus ito sa kronolohikal na
pagkakasunud-sunod na daloy ng pangyayaring
aktwal na naganap. Nakatuon din ito sa lohikal na
pagsulat.
Pagsulat ayon sa Layon

Pangangatwiran
Ipinahahayag dito ang katwiran, opinyon o
argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang
isyu na nakahain sa manunulat.

Paglalarawan
Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon,
uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang
manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at
kapaligiran.
Mga Pangunahing Hakbang sa
Pagsulat
Tinatawag din itong writing up sapagkat sa
Pre-writing puntong ito pinapagana ng manunulat ang
kaniyang iskema sa kaniyang isipan. Bahagi rin ito
ng motibasyos sa pagsulat.

Ito ang unang pagtatangka ng manunulat na


isatitik ang kaniyang mensahe. Tinatawag din
Pagsulat ng itong writing out sapagkat matapos na maglaro sa
isip ang mga ideya, inilalabas na ito sa
Burador pamamagitan ng pagsusulat sa papel.
Mga Pangunahing Hakbang sa
Pagsulat
Ito ang tawag sa pagwawasto sa unang
Editing burador. Dito tinitingnan ang kaanyuan ng sulatin
o ang mekaniks ng pagsulat.

Dito isinasagawa ang pagwawasto sa


ikalawang bahagi. Maaaring ipabasa sa iba ang
Rebisyon nirebisang papel at alamin kung naging malinaw
ang daloy ng mga ideya.
Mga Pangunahing Hakbang sa
Pagsulat

Presentasyon ng Pinal na Papel

Ang kabuluhan ng anumang gawaing pagsulat


ay ang mabasa ito ng mga target na mambabasa at
magamit sa kanilang kapakinabangan.
Proseso ng Pagsulat
Ang pag-uusisa ang pangunahing simula ng
Pagtatanong at isang masinop na pananaliksik.
pag-uusisa
Tinatawag din ang yugtong ito bilang
incubation period. Ito ang pinakamahabang bahagi
sa proseso ng pagsulat. Dito, lumalawak ang
Pala-palagay pala-palagay sa pamamagitan ng panimulang
pananaliksik sa aklatan, pagtatanong sa ibang tao,
pagbabasa at pagmamasid.
Proseso ng Pagsulat
Ang pagsulat ng balangkas ng pananaliksik o
Inisyal na anumang dokumento ay palatandaan na may
pagtatangka direksyon na ang pagsulat.

Pagsulat ng Dito na ibubuhos ng manunulat ang kaniyang


kasanayan, kaalaman at kakayahan upang mabuo
unang borador ang papel

Paulit-ulit na pagbasa sa unang borador upang


Pagpapakinis ng makita ang pagkakamali sa ispeling, paggamit ng
salita, gramatika at ang daloy ng pagpapahayag,
papel impormasyon at katwirang nakapaloob sa
komposisyon
Proseso ng Pagsulat
Pagsulat ng pinal at nawastong teksto na
Pinal na papel maaari nang ilimbag at ipabasa sa mga target na
mambabasa
Organisasyon ng Teksto

1. Titulo o Pamagat

2. Katawan

3. Kongklusyon

You might also like