You are on page 1of 4

FILIPINO SA PILING LARANG REVIEWER

Wika -Ito’y nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin,
karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.
Paksa -Ito’y nagsisilbing sentro ng mga ideyang dapat mapapaloob sa akda.
Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) -Uri ng pagsusulat na ang layunin ay pag-aralan ang
isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan lutasin ang isang
problema o suliranin.
Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) - Uri ng pagsusulat na may kinalaman sa mga
sulating may kaugnayan sa pamamahayag
Philip Koopman (1997)-Siya ang nagsabing ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang
mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na
literature, metodolohiya, resulta at konklusyon.
Akademikong Pagsulat (Academic Writing) -Layunin nito na maipakita ang resulta ng
pagsisiyasat o ginagawang pananaliksik.
Pagsusulat -Ayon kay Mabelin, ito’y isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi
maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring pasalinsalin sa bawat
panahon.
buong seleksyon o akda -Sa pagsulat ng sinopsis o buod basahin ang buong
____________________ at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng
diwa.
Pamaraang Argumentatibo - Ito’y isa sa limang pamamaraan ng pagsulat na naglalayong
manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.
di obhetibong pananaw -Sa pagsulat ng buod o sinopsis iwasang magbigay ng
_______________.
Pamaraang Naratibo -Ito’y isa sa limang pamamaraan ng pagsulat na ang layunin ay
magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na
pagkakasunod-sunod
Paraang Impormatibo- Ito’y isa sa limang pamamaraan ng pagsulat kung saan ang pangunahing
layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
Pagsulat ng sinopsis o buod- Ang ______________ ay isang uri ng lagom na kalimitang
ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula,
parabola, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
Pagsulat ng sinopsis o buod -Layunin ng _________________ na maisulat ang pangunahing
kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito.
tala -Ang bionote ay ________ sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang
academic career.
5 hanggang 6 na pangungusap -Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping
maisulat ito sa loob ng __________________ na pangungusap.
payak na salita -Sa pagsulat ng bionote kailangang gumamit ng __________________upang
maging malinaw at madali itong maunawaan.
personal profile -Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat
ng ________________ng isang tao.
Ikatlong Panauhan -Sa pagsulat ng bionote, isulat ito gamit ang _________________ upang
maging litaw na obhektibo ang pagkakasulat nito.
Pagsusulat -Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang
nakalimbag
Ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag- aralan
itong mabuti at dapat na nakasulat isinaulong talumpati.
Isang uri ng talumpati na kung saan ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda na kaagad
ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita biglaang talumpati
maluwag na talumpati -Ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa
harap ng mga tagapakinig.
Kaugnay na Literatura -Batayan upang makapagbibigay ng malinaw nakasagutan o tugon para sa
mga mambabasa.
sulating panteknikal Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ginagawa
ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning
makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Alin sa mga halimbawa ang hindi kapangkat/kasama ng
transakyonal?
Pagsulat -Alin sa mga makrong kasanayang ang hindi kapangkat;/kasama na madalas ang isang
indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan.
Isang uri ng talumpati na kung saan ay isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda
nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan manuskrito na talumpati.
debate -Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na paksa __________.
pagbibigay-galang -Isang uri ng talumpati na kung saan ang layunin ay ipabatid sa mga nakikinig
ang tungkol sa isang paksa, isyu o pangyayari.
panghikayat -Ito ay isang uri ng talumpati na ang pangunahing layunin ay hikayatin ang mga
tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pammaagitan ng pagbibigay-
katwiran at mga patunay.
Ang layunin ng talumpating ito ay na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o
Samahan . papuri.
Metodolohiya -Isang plano sistema para matapos ang isang Gawain
pagbibigay-galang -Ang layunin ng talumpating ito ay tanggapin ang bagong kasapi ng samahan
o organisasyon.
pampasigla -Ito ang uri ng talumpati na magbibigay ng kasiyahan sa mga nakikinig.
PanimulA-Nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin at mapanghikayat ang bahaging ito
upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa manunulat.
gramatika -Tiyaking wasto ang _____________, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa
pagsulat.
abstrak -Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong
papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report.
layunin -Ang nagsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
kasanayang pampag-iisip -Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa
o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyon
dapat isama sa akdang isusulat.
reperensiyal na pagsulat (Referential Writing) -Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang
mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at
disertasyon.
akademikong pagsulat (Academic Writing) -Ang GawainG ito ay makatutulong sa pagpapataas
ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.
Ang Abstrak ay isang buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu, proceedings at
papel pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang gawain na may kaugnay sa
disiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.
pamagat -Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.
propesyunal na pagsulat (Professional Writing) -Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga
sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao
kaalaman sa wastong pamamaraan sa pagsulat -Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika
at retorika.
kasanayan sa paghabi ng ng buong sulatin -Kakayahang mailatag ang mga kaisipan at
impormasyon sa isang maayos, organisado, obhektibo, at masining na pamamaraan mula sa
panimula ng akda hanggang sa wakas nito.
malikhaing pagsulat (Creative Writing) -Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw,
makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.

You might also like