You are on page 1of 3

PROSESO NG PAGSULAT

⮚ Bago Sumulat (Prewriting)

Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na
isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang
isahan o nang pangkatan.

⮚ Pagsulat ng Burador (Draft Writing)

Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring


pagkakamali. Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay malayang
ipinahahayag ng estudyante. Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na
maaaring hingin ng mag-aaral kung nasa klasrum ang gawain. Matapos maisagawa, maaaring
balikan at suriin ng estudyante ang natapos na sulatin upang maaayos at malinaw ang
ginagawang paglalahad.

⮚ Pagrebisa

Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto
mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri. Pangunahing konsern ng rebisyon ang
pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang suriin ang teksto at nilalaman para matiyak
ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madaling maunawaan ng babasa. Sa
bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at
pinapalitan ang dapat palitan.

⮚ Pag-eedit

Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap,


wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat. Sa bahaging ito pinapakinis ang papel
upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay naghahatid ng tamang kahulugan. Sa
pag-eedit, ang mga di-magkaugnay na pangungusap ay muling isinusulat upang higit na
maipakita ang kaugnay na mga ideya.

⮚ Paglalathala

Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa.


Kabilang sa gawaing ito ang mga sumusunod:

1. Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus


2. Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba

3. Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat

4. Eksibit o pagdidispley sa buletin bord ng mga naisulat

URI NG MGA SULATIN AT MGA HALIMBAWA NITO

⮚ Akademiko
Ito ay mga sulatin na ginagamit sa pag-aaral ng humanidades, agham panlipunan at
agaham pisikal. Taglay nito ang mga terminolohiya, uri ng diskurso o pahayag, naglalaman ng
teksto at mga konseptong inilalahad.
Halimbawa:
● Disertasyon
● Pananaliksik o tisis
● Akademikong sanaysay
● Pamanahong papel
● Book report
● Akademikong Aklat

⮚ Teknikal
Ito ay ekspositoring uri ng sulatin na tumutugon sa kognitibo at sikolohikal na
pangangailangan. Ito ay nagbibigay impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin.
Nakatuon ito sa espisipikong audience o pangkat ng mambabasa.
Halimbawa:
● Ulat panlaboratoryo
● Korespondensyang pampangangalakal
● Feasibility Studies
● Business Plans

⮚ Dyornalistiko
Ito ay uri ng sulatin na nagpapahayag ng impormasyon. Ito ay sulatin na may kaugnayan
sa pamamahayag.
Halimbawa:
● Balitang isports
● Editoryal
● Anunsiyo
● Magazine
⮚ Propesyunal o Pandalubhasaan
Ito ay mga sulatin na tumatalakay sa natatanging paksa at may kaugnayan sa propersyon
ng manunulat. Naglalaman ito ng batayang teorya at mga datos bilang ebidensya ng talay,
maging ang mga bagong tuklas na datos na may kinalaman sa gawain ng manunulat.
Kinakailangan dito ang masusing pananaliksik at mahusay na pagpili ng mga salitang
gagamitin.
Halimbawa:
● Police report
● Legal forms
● Medical report
● Financial report
● Lesson plan

⮚ Literari
Ito ay malayang uri ng sulatin na kung saan ang manunulat ay gumagamit ng kaniyang
sariling karanasan, damdamin, pananaw at wika. Ang kahulugan ng sulating ito ay karaniwang
nakabatay sa sariling pagpapakahulugan ng mambabasa dahil ang paksa ng ganitong uri ay
hango sa katotohanan o kathang- isip lamang.
Halimbawa:
● Nobela
● Kuwento
● Alamat
● Pabula
● Talumpati
● Anekdota
● Talambuhay
● Dula

Sanggunian:
https://brainly.ph/question/2225091
https://www.slideshare.net/drintotsky/uri-ng-pagsulat-13582540

You might also like