You are on page 1of 35

MGA LAYUNIN NG

AKADEMIKONG PAGSULAT
MAGPABATID
- Ang impormatibong
akademikong sulatin ay
nagbibigay ng kaalaman at
paliwanag.
MAGBIGAY-ALIW
- Tanggap na sa kasalukuyan ang mga
personal o malikhaing akda
bilang halimbawa ng
akademikong sulatin.
- Halimbawa:
- autobiography
- diary
- liham, at iba pa.
 Mayroong mga kritikal o akademikong
akda na naisusulat sa paraang malikhain
gaya ng rebyu, pagsusuri , o talang
pangkasaysayan. Bukod sa pagbibigay
ng impormasyon, nagbibigay din ng aliw
ang mga tekstong ito.
 MANGHIKAYAT

- Ang sulating nanghihikayat ay


may layuning kumbinsihin o
impluwensiyahan ang
mambabasa na pumanig sa
isang paniniwala, opinyon, o
katuwiran.
 Halimbawa:
- konseptong papel
- mungkahing saliksik
- posisyong papel
- manifesto
- editoryal
- talumpati, at iba pa
Tandaan:
 Kapag malinaw sa iyo ang
pangunahing dahilan ng iyong
pagsulat, matutukoy mo ang
mga estratehiyang
magagamit mo sa pagtugon
sa layunin ng iyong akda.
MGA ANYO NG
AKADEMIKONG PAGSULAT
MGA ANYO NG
AKADEMIKONG PAGSULAT

 Ulat
 Sanaysay
 Balita
 Editoryal
 Encyclopedia
 Rebyu ng aklat, pelikula, o sining-biswal
 Tesis
 Disertasyon
 Papel-pananaliksik
MGA ANYO NG
AKADEMIKONG PAGSULAT

 Pagsasalin
 Artikulo sa journal
 Liham
 Korespondensiyang
opisyal
 Autobiography
 Plano ng pananaliksik
 Konseptong papel
 Mungkahing saliksik
MGA ANYO NG
AKADEMIKONG PAGSULAT
MAHALAGANG IDEYA:

 Ang akademikong sulatin ay


pormal, simple ang
pagkakasulat, organisado,
hindi maligoy, at bunga ng
masinop na pananaliksik.
Gawain 1
1.Ano-ano ang mga pangunahing layunin sa
akademikong pagsulat?

2.Bakit mahalagang malaman ang layunin


kapag nagsusulat ng akademikong teksto?

3.Magbigay ng tatlong sitwasyong


nagpapakita ng sulating naghihikayat.
Gawain 2
Kung ako ay magsusulat ng isang sulating
lalo’t higit sa sulating akademiko kailangan
kong alamin ang aking layunin dahil
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
________________
Maikling Pagsusulit 1

Panuto:Basahin at tukuyin ang mga


sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang
papel ang iyong kasagutan.

____________ 1. Ang sulating ito ay may


layuning magbigay ng kaalaman at
magpaliwanag.
____________ 2. Ang sulating ito ay may layuning
mangumbinse o mang- impluwensiya sa mga mambabasa
na pumanig sa isang paniniwala, opinyon, o katuwiran.
____________ 3. Tinatanggap na rin ito sa kasalukuyan
bilang halimbawa ng akademikong sulatin.
____________ 4. Ang sulating ito ay may layuning
manlibang sa mga mambabasa ngunit gumagamit pa rin ng
mga katangian tinataglay ng isang akademikong sulatin.
____________ 5. Ang sulating ito ay may ilang
halimbawa tulad ng konseptong papel, mungkahing
saliksik, posisyong papel editoryal at iba pa.
PAG-ISIPAN MO
1.Paano mo ilalahad nang maayos at may
kalinawan ang mga kaisipan at datos na iyong
nakalap sa isinasagawa mong pagsulat?

2.May sapat ka na bang kasanayan sa paglalahad


ng mga detalyeng iyong gagamitin? Kung oo, ano-
anong mga kasanayan ito? Kung hindi, ano ang
naiisip mong pamamaraan ang maaari mong
gamitin?
MGA HULWARANG
BALANGKAS SA
AKADEMIKONG PAGSULAT
1. Depinisyon
- pagbibigay ng katuturan sa
konsepto o termino.
- Halimbawa:
 Pormal na depinisyon ng
“kalayaan”
 Mga salitang kasingkahulugan ng
nito
 Etimolohiya o pinanggalingan ng
salitang ito.
2.Enumerasyon
- pag-uuri o pagpapangkat
ng mga halimbawang nabibilang
sa isang uri o klasipikasyon .

- Halimbawa:
 Ayon sa lahi, uri, kulay, kasarian,
panahon, interes at iba pa.
3. Order
- pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari o
proseso.
- Halimbawa:
 Kronolohiya ng mga pangyayari sa
Pilipinas mula 1886 hanggang 1898.
 Proseso sa pagluluto ng adobo
 Pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayaring nagdulot ng paglubog
ng barkong Donya Paz
4. Paghahambing at
Pagtatambis
- pagtatanghal ng pagkakatulad o
pagkakaiba ng mga tao,
lugar, pangyayari, konsepto at
iba pa.
- Halimbawa:
 Tao (Benigno Aquino III at Rodrigo
Duterte)
 Lugar (El Nido at Coron)
 Pangyayari (EDSA 1, at EDSA 2)
5.Sanhi at Bunga
- paglalahad ng mga dahilan ng
pangyayari o bagay at ang kaugnay na
epekto nito.
- Halimbawa:
 Dahil sa kawalan ng interes sa
pag-aaral (Sanhi)
Nakakuha ng bagsak na grado
(Bunga)
6. Problema at Solusyon
- paglalahad ng mga suliranin at
pagbibigay ng mga
posibleng solusyon.
- Halimbawa:
 Edukasyon ang sagot sa
kahirapan.
7. Kalakasan at kahinaan
- paglalahad ng positibo at negatibong
katangian ng isa o higit pang
bagay, sitwasyon, o pangyayari.
- Halimbawa:
 Ang kalakasan at kahinaan ng
programang K to 12 sa sistema
ng edukasyon sa Pilipinas..
TANONG: Maaari bang gumamit ng
higit sa isang hulwaran sa isang akda?

SAGOT: MAAARI, lalo na kung ang


akda isusulat ay may kahabaan katulad
ng kritikal na sanaysay o papel-
pananaliksik.
MAHALAGANG IDEYA:
 Gumamit ng mga hulwaran
upang maging organisado at
malinaw ang daloy ng mga
ideya sa akademikong sulatin.
MGA KATANGIAN NG
AKADEMIKONG PAGSULAT
MGA KATANGIAN NG
AKADEMIKONG PAGSULAT

 Pormal ang tono


 Karaniwang sumusunod sa tradisyonal
na kumbensiyon sa pagbabantas,
grammar, at baybay.
 Organisado at lohikal ang
pagkakasunod-sunod ng mga ideya
 Hindi maligoy ang paksa
MGA KATANGIAN NG
AKADEMIKONG PAGSULAT

 Pinahahalagahan ang kawastuan ng


impormasyon
 Karaniwang gumagamit ng mga
simpleng salita upang maunawaan ng
mambabasa
 Hitik sa impormasyon
 Bunga ng masinop na pananaliksik

You might also like