You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN

Grade 8- Saint Luke


SY:2018-2019

I – LAYUNIN

A. Nakatatalakay sa mga mahahalagang tauhan ng Florante at Laura;


B. Nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa mga tauhan ng Florante at Laura;
C. Nakabubuo ng mga larawan na may kaugnayan sa mga tauhan ng Florante at Laura.

II – PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Mahahalagang Tauhan ng Florante at Laura


B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8 (Alinsunod sa K-12 Curriculum)
Ailene G. Baisa-Julian et. al.
Pahina 497-508
C. Kagamitan: Laptop, powerpoint, envelope, at mga larawan.

III - PAMAMARAAN

A. Paghahanda:

 Panalangin
 Pagtala ng liban
 Pampasiglang Gawain(Making Melody)

B. Balik Aral:
 Mga katanungan:
1. Sa anong uri ng pamilya nagmula si Francisco Balagtas?
2. Paano niya napagtagumpayan ang mga kabiguan buhay?

C. Pagganyak: (Pagpapakita ng mga larawan sa tauhan ng Florante at Laura)

D. Paglalahad ng Aralin

E. Presentasyon ng Layunin

1. Talasalitaan
Panuto: Bawat balahibo ay mayroong salita na siyang kahulugan ng mga salitang
sinalungguhitan sa pangungusap. Hanapin sa mga ito ang tamang sagot
at gamitin ito sa pangungusap.

sa pagkurap
punumpuno mayaman namatay malilimutan
ng mata

1. Ang Florante at Laura ay hitik na hitik sa mga aral na makagagabay sa


pang-araw-araw nating pamumuhay.
2. Si Nanong Kapule ay mula sa isang maykayang pamilya.
3. Si Balagtas ay binawian ng buhay noong ika—20 ng Pebrero, 1860 sa gulang
na 74.
4. Sa isang kisap-mata ay nawala ang lahat ng kanyang pinaghirapan.
5. Ito’y isang akdang hindi maibabaon sa hukay kailanman.

2. Talakayan
3. Mga katanungan
1. Bakit mahalagang makilala ang mga tauhan bago pa man simulang
basahin ang isang akda?
2. Paano makaapekto sa isang akda ang mga tauhang nagpapagalaw at
nagbibigay buhay rito?
3. Maliban kina Florante at Laura, sino sa mga tauhang nakilala mo ang sa
tingin mo’y magmamarka nang husto sa kabuuan ng akda? Ipaliwanag.

4. Paglalahat

 Kung itatanghal ang awit at kayo ay pipili ng isang tauhang nais ninyong
gampanan, sino ang tauhang pipiliin niyo at bakit?

5. Paglalapat
Panuto: Buuin ang mga larawan na nasa loob ng envelope at tukuyin isa-isa kung
sino-sino ang mga ito.

Mga Pamantayan Puntos


Kaangkupan ng sagot 15
Presentasyon 10
Kooperasyon 5
Kabuuan 30

IV – PAGTATAYA
Panuto: Kumuha ng sangkapat na papel at lapatan ng wastong sagot ang mga
katanungan.
Duke Briseo Florante Konde Adolfo
Laura Aladin
Haring Linceo Flerida
Antenor
Sultan Ali-Adab Menandro Menalipo

1. Ang butihing ama ni Florante. Kaibigan at tagapayo ni Haring Linceo. DUKE BRISEO
2. Siya’y magandang dalaga na hinahangaan at hinahangad ng maraming kalalakihang tulad
ni Adolfo at Emir subalit ang kanyang pag-ibig ay nananatiling laan lamang para kay
Florante. LAURA
3. Malupit na ama ni Aladin at siya ring naging kaagaw niya sa kasintahang si Flerida.
SULTAN ALI-ADAB
4. Isang taksil at naging kalabang mortal ni Florante mula nang mahigitan siya nito sa husay
at popularidad habang sila ay nag-aaral pa sa Atenas. KONDE ADOLFO
5. Ama ni Laura at Hari ng Albanya. HARING LINCEO
6. Anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. FLORANTE
7. Ang mabuting guro nila Florante, Adolfo at Menandro habang sila’y nag-aaral sa Atenas.
ANTENOR
8. Isang gererong Moro at prinsipe ng Persya at anak ni Sultan Ali-Adab. ALADIN
9. Pinsan ni Florante na nakapagligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre noong siya’y
isang sanggol pa lamang. MENALIPO
10. Kasintahan ni Aladin na tinangkang agawin ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab.
FLERIDA

V – TAKDANG- ARALIN

Basahin ang bahagi ng awit na Florante at Laura na may titulong “Kay Selya”, pahina 511-
515 at isulat sa isang boong papel ang natutunan mo sa binasa.

Inihanda ni: Kim F. Lupaz

You might also like