You are on page 1of 3

Konseptong Papel sa Lit 105

(Maikling Kuwento)

MAIKLING KWENTO SA PANAHON NG BATAS MILITAR

(Literatura mula sa ilalim)

Hinanda ni Jannoah L. Gulleban / BSED- Filipino

Mga Mahahalagang Pangyayari sa Panahon ng Batas-Militar

Sa panahon ng panunungkulan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos naitatag ang Batas-Militar na ang
layunin ay malunasan ang mga problemang pangkahirapan at matamo ang mapayapang buhay. Ngunit hindi
nagtagumpay ang magandang layuning ito bunga na rin ng mahigpit na pamamalakad na pinairal ng pamahalaan.
Ang mahigpit na sistema ng pamahalaan ay sumikil sa kalayaan ng nga Pilipino. Bunga nito, lumaganap ang
maraming mga kilos protesta hindi lamang sa mga kampo ng mga mag-aaral kundi maging sa mga aktibistang
manggagawa. Nagsulputan din ang mga samahan laban sa sistema ng pamahalaan gaya ng partido komunista at
mga NPA.

Ang mga bagay na ito ay di pinalampas ng mga manunulat. Mabisang nailarawan sa literatura ang buhay
ng mga Pilipino sa panahon ng rehimeng Marcos. Makatutuhanang naipadama ng panulat sa bawat anyo ng
panitikan ang tunay na kalagayan at pangyayari sa panahon ng Martial Law: ang nadarama ng mga Pilipino, ang
kanilang karaingan, ang kanilang pighati at pagdurusa. Naging bukambibig ang mga katagang "makibaka!",
"kalayaan!", at "ibagsak ang diktadura!" na hindi lamang sa lansangan maririnig maging sa mga lathalain at mga
akdang panliteratura ay nakalimbag din. Samakatuwid, matapang at mapanuligsang maituturing ang nilalaman ng
literatura sa panahong ito.

Kasabay ng deklarasyon ng Batas-Militar ang pansamantalang pagpapahinto ng publikasyon ng mga


pahayagan, ang sirkulasyon ng mga ito, pambansa man o pampaaralan. Pinahinto rin ang pantelebisyon at
pagtatanghal ng mga pelikula. Pansamantalang natigil ang mga programa sa radyo.

PANGUNAHING PAKSAIN

Pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka Ikauunlad ng bayan

Pagbabalik-bukid ng mga tauhang nasasakal Pagpaplano ng Pamilya


na sa magugol at mausok na lungsod
Wastong Pagkain
Kahirapan ng pagkakaroon ng maraming
anak Drug addiction

Pang-araw-araw na pangyayaring Polusyon


kapupulutan ng aral
Sinikap sa panahong ito:

Maputol ang malalaswang babasahin at mga akdang nagbibigay ng masasamang moral sa mamayan.

Pinahinto ang samahang pampaaralan at pampahayagan.

MGA TANYAG NA KWENTISTA SA PANAHON NG BATAS MILITAR


Sina Jun Cruz Reyes, Fanny A. Garcia at Alfonso S. Mendoza ang mga kwentistang tinaguriang Mga anak
ng unang Sigwa.

JUN CRUZ REYES

- Utos ng Hari at Iba Pang Kwento

ALFONSO S. MENDOZA

- Mabagsik (indibiwalista ngunit mapanlinlang)

- Silang Mga Estatwa sa Buhay ni Valentin Dakuykoy


( nababalewala ang tuntunin sa paggamit ng malalaking letra)

- Ang Mahabang Maikling Buhay ni Pedro Muryoti

( mga talatang siyang kakapusin ka ng hininga sa paghihintay ng kinalalagyan ng tuldok)

- Ang Turnilyo sa Utak ni Rufo Sabater


(ang nagtulak-para-kumilos sa estilong pagsasalaysay)
- Iskalper
( pakantyaw, sermon na nang-iinis, painsultong nagmumura sa salaysay na naglalahad)

- Tipaklong! Tipaklong! Bakit Bulkang Sumabog ang


Dibdib ni Quintin Balajadia

ILAN PANG MGA MANUNULAT SA PANAHON NG BATAS-MILITAR

Alfedo Lobo Benigno Juan

Mario Libuan Benjamin Pascual

Lualhati Bautista Dominggo Landicho

Reynaldo Doque

Talasanggunian:

Effren R. Abueg; Ph:D, 2012. MUHON: Sining at kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas. JIMCZYVILLE Publication.
Malabon City, Philippines

Ligaya Tiamson Rubin, 2001. Panitikan sa Pilipinas. Rex Book Store Incorporated. Manila, Philippines
Leticia D. Espina, 2013. Panitikan ng Ibat-ibang rehiyon ng Pilipinas. MINDSHAPERS Co., Inc. Intramuros,
Manila

You might also like