You are on page 1of 1

Natutunan ko na ang wikang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas.

Wika ang
pinakapangunahing ginagamit ng tao sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay. Iba't iba man
ang kultura, etniko, o lokal na wika, pinag-iisa tayo ng bigkis ng lahi sa pamamagitan ng ating
pambansang wika. Iginagalang at inirerespeto natin kung ano saan mang pangkat etniko
nabibilang ang isa’t isa. Kung walang iisang wika ang wikang Filipino, hindi natin kayang
marating ang kaunlaran ng bansang Pilipinas.
Saan mang sulok ng Pilipinas ay may kanya kanyang wika na ginagamit ang bawat
mamamayang Pilipino. Iba't-ibang wikang ginagamit sa pakikipag kumunikasyon, pakikipag
ugnayan at pagpapahayag. Ang iba'y mahirap bigkasin, mahirap intindihin ngunit iisa lamang
ang layunin, ang ipaabot sa bawat isa ang sinisigaw ng kanilang damdamin.
Kung kaya't hindi hadlang ang pagkakaiba-iba upang magkaisa. Dahil sa bansang Pilipinas kahit
na madaming wika ang mayroon, nagkakaunawaan at nagkakaintindihan pa din. Masasalamin
dito ang pagkakaisa sa pagkakaiba ng bawat isa, kahit na iba ang kulay, paniniwala at kasuotan
ay nagawa paring magkaisa tungo sa iisang wika.

You might also like