You are on page 1of 1

Sa nakalap kong impormasyon sa pag-iinterbyu kay Kim Charles Quinto na isang kasapi ng Iglesia ni

Cristo ay wikang tagalog pa rin ang kanilang ginagamit at minsan ito ay may halong ingles. Sa tuntunin o
paniniwala ay mayroon silang banal na hapunan na kung saan lahat sila ay nakakakain at inom ng
pagkain at inumin na inihahalintulad ito sa pagkain ng mga katoliko ng ostia ngunit ang pag inom ng
dugo ni kristo ay ang pari lamang. Sa kasal naman ay maaari lamang silang ikasal sa kapwa Iglesia ni
Cristo nila at sa simbahan kung saan sila nabibilang na poruk, halimbawa ay sa lugar ng Tondo sila
nakatira kung kaya’t sa lugar lamang nila pwede silang ikasal. Sa binyag naman ay wala sila nito ngunit
meron silang baptismo kung saan ginaganap ito kapag sila ay 12 anyos na at mayroon ng pag iisip dahil
naniniwala sila na ang sanggol na bata ay walang pang kasalanan sa mundo. Sa patay o burol naman ay
katulad lamang din sa mga katoliko ngunit ipinagbabawal sa kanila na icremate ang katawan ng tao.

Kung ang mga katoliko ay may simbolo, komunyon at kumpisal, sa mga Iglesia ni Cristo ay wala sila nito.
Hindi sila naniniwala samga pamahiin at pasko dahil hindi ito nakasaad sa libro na ang Panginoong
Hesukristo ay ipinanganak noong ika-25 ng Disyembre. Hindi rin sila kumakain ng dinuguan o pagkaing
may halong dugo dahil naniniwala sila na ang dugo ay simbolo ng buhay kung kaya’t kapag kumain ka ng
dugo ay parang kinuha mo na rin ang buhay nito. Sa pagdarasal naman ay mayroon silang sinusunod na
parte na hindi dapat nawawala sa kanilang panalangin; pagpapasalamat, pagpupuri, paghingi ng tawad
at paglapit sa panginoon. Ipinagdiriwang nila ang year end tuwing katapusan ng taon at mid- year
pasalamat tuwing Hulyo na kung saan ipinagdiriwang nila ito sa pagpapasalamat sa Iglesia ni Cristo. At,
hindi sila naniniwala sa Trinity Doctrine na ang ibig sabihin ay Ama, anak, Espiritu’t Santo dahil
naniniwala sila na ang Diyos ay iisa lamang.

Ang mga Katoliko at Iglesia ni Cristo ay parehong sinusunod ang nakasaad sa Bibliya ngunit ang mga
kasapi ng Iglesia ni Cristo ay naniniwala o sumusunod lamang sila sa kung ano ang nakasulat sa libro.
Kung kaya’t may mga selebrasyon at kultura sila na iba sa ibang relihiyon.

You might also like