You are on page 1of 4

Title: Si Kristo: Ang lunas sa pagkabahabahagi

Text: 1 Corinthians 1:4-17

4 Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ni
Cristo Jesus. 5 Dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo, kayo ay naging masagana sa lahat ng bagay,
maging sa pananalita at sa kaalaman. 6 Ang katotohanan tungkol kay Cristo ay pinagtibay sa inyo 7
kaya't hindi kayo nagkukulang sa anumang pagpapala, habang hinihintay ninyo ang pagbabalik ng ating
Panginoong Jesu-Cristo. 8 Kayo'y gagawin niyang matatag hanggang wakas upang matagpuan kayong
walang kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo.[a] 9 Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo
upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.

10 Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at
huwag magkabaha-bahagi maging sa pagkaunawa at pagpapasya. 11 Sapagkat ibinalita sa akin ng mga
kasamahan ni Cloe na kayo raw ay nag-aaway-away. 12 Ito ang tinutukoy ko: may nagsasabing, “Kay
Pablo ako;” may nagsasabi namang, “Ako'y kay Apolos.” May iba pa ring nagsasabi, “Kay Pedro ako,” at
may iba namang nagsasabi, “Ako'y kay Cristo.” 13 Bakit? Nahati ba si Cristo? Si Pablo ba ang ipinako sa
krus para sa inyo? Binautismuhan ba kayo sa pangalan niya? 14 Salamat sa Diyos[b] at wala akong
binautismuhan sa inyo maliban kina Crispo at Gaius, 15 kaya hindi ninyo masasabing kayo'y
binautismuhan sa aking pangalan. 16 Ako nga rin pala ang nagbautismo sa sambahayan ni Estefanas.
Maliban sa kanila'y wala na akong natatandaang binautismuhan ko. 17 Sapagkat isinugo ako ni Cristo,
hindi upang magbautismo kundi upang mangaral ng Magandang Balita, at hindi sa pamamagitan ng
mahusay na pagtatalumpati at karunungan ng tao, nang sa gayon ay hindi mawalan ng kabuluhan ang
pagkamatay ni Cristo sa krus.

CIT: Ang pagkakaisang mensahe ng Krus ang lunas sa kahit ano pamang paksyon na dulot ng kasalanan.
Kaya’t patuloy tayong tumingin kay Kristo at sa pagkakaisang dulot Nya.

Intro: Sa panahon natin pangkaraniwan na ang grupo-grupo na ang bawat tao ay may kanya kanyang
pangkat na kinabibilangan base sa kanilang mga hilig o kanilang pagkakatulad. Halimbawa sa mga
kananayan natin sigurado na sa panahon nila, nahati ito sa Vilmanians at Noranians. Tuwing eleksyon
nahahati sa mga Pulahan at mga Dilawan. Na para bang ang pagkakabaha-bahagi ang nag didikta kung
sino ang kakampi at kalaban. Ang ganitong pag-uugali ay hindi naiiba sa mga tao sa loob ng Iglesia. Sa
loob ng iglesia may pagkakabahabahagi may mga paksyon. At iyan ang pag-aaralan natin ngayong umaga
ang Division sa loob ng Iglesia.

Background of the Study:

Si apostol Paul ang sumulat ng 1 Corinthians, isinulat nya ito nuong sya ay nasa Efeso. Si Paul ay
nangaling na din sa Corinthians kung saan namalagi sya ng higit sa isang taon, sya ang tumulong na
maitatag ang Iglesia duon. At ngayon sumulat sya sa Iglesia ng Corinto dahil sa nakarating sa kanyang
balita sa suliraning kinakaharap ng Iglesia. Nag-aaway-away sila at nagkakabahabahagi kaya sila
sinulatan para suhituhin ito at iyan ang pag-aaralan natin ngayong umaga ang patungkol sa Division sa
loob ng Iglesia. At ang mensahe na nais kong ibahagi sa inyo ngayong umaga, Ang pagkakaisang
mensahe ng Krus ang lunas sa kahit ano pamang paksyon na dulot ng kasalanan. Kaya’t patuloy tayong
tumingin kay Kristo at sa pagkakaisang dulot Nya.
Dalawang punto

1. Kasalanan: Ang dahilan ng pagkakabahabahagi


2. Si Kristo: Ang lunas sa kasalanan at pagkakabahabahagi

Kasalanan: Ang dahilan ng pagkakabahabahagi

Sapagkat ibinalita sa akin ng mga kasamahan ni Cloe na kayo raw ay nag-aaway-away. 12 Ito ang
tinutukoy ko: may nagsasabing, “Kay Pablo ako;” may nagsasabi namang, “Ako'y kay Apolos.” May iba pa
ring nagsasabi, “Kay Pedro ako,” at may iba namang nagsasabi, “Ako'y kay Cristo.”

Pag sinabing nasa laman, ang opposite nyan ay nasa Espiritu. Ibig sabihin kapag nabubuhay ka sa laman,
hindi namumuhay sa Espiritu. At kung ikaw ay hindi namumuhay sa Espiritu, hindi ka namumuhay sa
pananampalataya, hindi ka namumuhay ayon sa kalooban ng Diyos. At iyan ang kalagayan ng mga taga
Corinto, mayroon silang Espiritu ng Diyos pero still namumuhay sila sa laman sa tuwing sila ay nag-
aaway away at nagbabahabahagi. Sabi sa 1 Cor 3:4 Kapag sinasabi ng isa, “Ako'y kay Pablo,” at ng iba,
“Ako'y kay Apolos,” hindi ba't palatandaan iyan na kayo'y namumuhay pa ayon sa laman? Remember
mga kapatid, ang lahat ng ating ginagawa na hind isa pananampalataya ay kasalanan. Hebrews 11:6
without faith it is impossible to please God. Ang gawa ng laman sabi sa Galatians 5:19-21 Hindi
maikakaila ang gawa ng laman: pakikiapaid, kahalayan at kalaswaan; pagsamba sa diyos-diyosan,
pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at
pagkakabahabahagi, pagkainggit, paglalasing, walang habas na pagsasaya at iba pang katulad nito.

Tignan nyo mga kapatid, gawa ng laman ang pag-aaway-away, pagseselos, pagkakampi-kampi at
pagkakabahabahagi. At ang mga taga Corinto sabi ni Paul sa 3:3 nananaig sa inyo ang laman. Ang inyong
pag iingitan at pag-aaway-away ay palatandaan na kayo ay makasanlibutan at namumuhay ayon sa
laman. Mayroong pag-iingitan at pag-aaway-away sa loob ng Iglesia.

Pero sa mga naunang verses nagpapasalamat si Paul sa Diyos sa mga pagpapalang binigay ng Diyos sa
Iglesia ng Corinto, sila ay masagana sa sa lahat ng bagay, masagana sa panaanlita at sa kaalaman at sa
mga biyayang Espiritwal sinabi yan sa 1:5-7. Pero sa kabila ng kanilang kalagayan, sa kabila ng mga
tinatamasa nila, still imbes na mamuhay ayon sa Espiritu namumuhay sa laman. Namumuhay sila sa
kasalanan, Ang pamumuhay sa laman ay sign ng immaturity ng pananampalataya. Sabi sa 3:2 Gatas ang
ibinibigay ko sa inyo noon at hindi matigas na pagkain, sapagkat hindi Ninyo kaya iyon. Ngunit hanggang
ngayon hindi nyo pa rin kaya. Makikita natin dito, na hindi ang kagalingan sa salita, hindi ang kagalingan
sa kaunawaan ang sign ng maturity. Ang sign ng maturity ay ang application ng lahat ng iyong natutunan
sa Salita ng Diyos. Ang Corinthian church sagana sa kaalaman at sa salita pero tinawag pa ding immature
dahil sa kakulangan ng application ng mga katotohanan kay Kristo. Bagaman hindi sukatan ng maturity
ang tagal ng panahon, just like human babies habang tumatagal at tumatanda ine expect ang maturity
sa kanila, tayo din huwag kang manatiling sangol, mag mature ka. Huwag mong akalain na madami kang
alam matured ka na, hindi ang padamihan ng memory verse ang labanan, hindi pagalingan sa
pagpapaliwanag ang basehan ng maturity, I apply mo ang mga katotohanang nalaman mo. To know is
one thing to do is another thing. Kahit gaano ka pa kagaling sa kaalaman at sa pagsasalita if you fail to
apply those things you are immature. Hindi ko sinasabi na huwag kayong magpakagaling sa kaunawaan
at pagsasalita, ang mga iyan ay biyaya ng Diyos, ang punto ko lang kailangan I apply iyan sa buhay.
Huwag puro salita, kailangan makita sa gawa.
Ang Corinthian church ang kanilang pag-aaway-away ay nagsimula sa inggitan. Inggitan na ang dahilan
ay ang pagpapagalingan. Kay Paul ako, kami kay Apolos, mas magaling si Pedro, hindi the best pa rin si
Kristo. Hindi ito sa panahon lang nila, nangyayari, ito sa panahon natin, at tayo bilang Iglesia ay kailangan
maging maingat dito na hindi tayo magkaroon ng pagkakabahabahagi dahil lang sa makasariling interes.
Nagsimula ito sa inggit, sa selos na nahantong sa pag-aaway-away na nahantong sa pagkakabahabahagi.
Ngayon pa lang, kung mayroon kang inggit sa puso mo, alisin mo na yan bago pa yan mag bunga ng mas
malalang problema.

Hindi kailangan ang inggitan sa loob ng Iglesia, hindi kailangang magpagalingan sa loob ng Iglesia, ano
bang akala nyo sa iglesia kompetisyon? Ano bang akala nyo pagalingan? Immaturity ang ganyang
kaisipan. Walang maitutulong ang pag-aaway-away, walang mabuting dulot ang pagkakabahabahagi,
magpapahirap lang yan sa layunin ng iglesia tungo sa kabanalan. Alisin Ninyo ang inyong ambisyon sa
sarili, alisin Ninyo ang pride sa inyong puso, alisin Ninyo ang pag iimbot sa kapwa, alisin Ninyo ang
pansariling interes.

Ang hamon sa atin mga kapatid, kagaya ng Iglesia sa Corinto, magpasalamat tayo sa Diyos sa kaalaman
at mga biyaya na galing sa Diyos, pero huwag nating hayaan na lumaki ang ulo natin dahil sa kaalaman at
sa biyaya na natamasa natin mula sa Diyos. Lagi nating isipin ang higit na ikabubuti, sabi sa Filipos 2:3
Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip bilang tanda ng
pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong sarili. Humble yourselves. Huwag sa
pagyayabang o pansariling layunin sa ganun, hindi humantong sa pag-aaway-away at sa pagkakampi-
kampi ang ano pa man. Nasa ‘yo ang Banal na Espiritu, lumakad ka sa Espiritu at huwag sa laman.
Lumakad ka ng nararapat sa mga taong may Espiritu sa buhay. Tunay nga na mahirap labanan ang sarili
pero alalahanin mo, nananahan sayo ang banal na Espiritu. Magpasailalim ka sa kapangyarihan Nya at
laging magbabad sa presenya nya upang hindi ka mahulog sa pagkakasala.

Ngayon na malinaw na sa atin ang problemang dulot ng kasalanan, malinaw na sa atin na ang kasalanan
ng inggit, pag-aaway-away at pagkakabahabahagi, pupunta tayo sa solusyon sa suliraning ito sa ating
pangalawang punto

Si Kristo: ang lunas sa kasalanan at pagkakabahabahagi

Sabi sa verse 17 Isinugo ako ni Cristo, hindi upang mag baustismo kundi upang mangaraal ng Mabuting
Balita, hind isa pamamagitan ng mahusay na pagtatalumpati at karunungan ng tao, nang sa gayon ay
hindi mawalan ng kabuluhan ang pagkamatay ni Cristo sa krus. Ang kamatayan ni Cristo sa krus ang
mabuting balita ng kaligtasan. Ano ba ang mensahe ng krus ni Cristo, ito ang reconciliation ng Diyos sa
tao, ito ang pag-iisa ng hudyo at hentil sa Iglesia. Ang mensahe ng krus ay pagkakaisa.

Kanina Nakita natin ang kasalanan na dahilan ng kaguluhan, ang mga kasalanang iyan ay kasama sa
binayaran ni Kristo sa Krus, at tayo ay napalaya na sa mga iyan. Hindi na tayo nasa ilalim ng kasalanan,
kundi nasa Kalayaan na mula dito, hindi na tayo alipin ng kasalanan, alipin na tayo ng katuwiran.

1 Corinto 1:26-29 Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan noong kayo'y tawagin ng Diyos.
Ayon sa pamantayan ng tao ay iilan lamang sa inyo ang matatawag na marunong, makapangyarihan at
maharlika. Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang
marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas. Pinili niya ang
mga pangkaraniwang tao, mga hinahamak, at mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay
ang mga kinikilala ng sanlibutan. Kaya't walang sinumang makakapagmalaki sa harap ng Diyos.

Ang mensahe ng Mabuting Balita ang mag huhumble sa atin. Alalahanin nyo pinili ka ng Diyos, hindi
dahil sa iyong galing, hindi dahil sa iyong talino, hind isa iyong kagandahan. Kung gayon huwag tayong
tumingin sa ating sarili kung saan wala tayong maipagmamalaki. Tumingin tayo sa kagandahan ni Kristo
na nagligtas sa atin mula sa kasalanan.

Mga kapatid, we are united with God through Christ, we are united as a church in Christ. Kung ganun,
huwag nating hayaan na ang pinagbuklod ni Kristo ay sirain ng tao, at ikaw na tinubos ni Kristo huwag
mong hayaan na ikaw pa ang sumira nito.

Kung ikaw man ay mahulog sa kasalanan, tandaan mo, tumingin ka kay Kristo, hindi ka nya pababayaan.
Magsisi ka sa iyong kasalanan at alisin ang kumpyansa sa sarili at ituon ng buong buo ito kay Kristo.
Maging kaaliwan sa atin ang pangako ng Diyos.

1 Corinto 1:5-9 Dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo, kayo ay naging masagana sa lahat ng bagay,
maging sa pananalita at sa kaalaman. Ang katotohanan tungkol kay Cristo ay pinagtibay sa inyo kaya't
hindi kayo nagkukulang sa anumang pagpapala, habang hinihintay ninyo ang pagbabalik ng ating
Panginoong Jesu-Cristo. Kayo'y gagawin niyang matatag hanggang wakas upang matagpuan kayong
walang kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang
makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.

Bilang Iglesia, we must work as one. Hindi pwedeng maykanya kanya tayong gusto, kailangan iisa ang
ating isip at layunin. Sabi sa verse 10 Nakikiusap ako sa inyo, sa panagalan ng Panginoong Jesu-Cristo,
magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa pagkaunawa at sa pagpapasya. Ang goal natin
bilang Iglesia ay ang luwalhatiin ang Diyos, mamuhay ng banal at ibahagi ang mabuting Balita. Kailangan
natin ng tulong ng isa’t isa. Huwag mong solohin ang pagbubuhat, magkakasama tayo dito. Ano man ang
kaharapin natin, I priority natin ang mga pinaka mahalaga at iyan ang gawin ang kalooban ng Diyos.
Sama-sama tayo bilang iglesia, magkaisa tayo taglay ang pagkakaisang mula kay Cristo.

Sa panahon na sinusubukan ang ating pagkakaisa, tumigin lang tayo sa nagpapaisa sa atin, at iyan ay si
Cristo mismo, tumingin tayo kay Kristo, sa kanya natin matatagpuan ang tunay na pagkakaisa bilang
Iglesia. Bilang mga tinubos ni Kristo, walang kasalanan ang hindi kasama sa pinatawad ng Diyos,
bagaman may mga remains ng sins sa atin dahil hindi pa tayo ganap, dapat pa din tayong mag aim ng
perfection.

To end this, Maganda ang paalala sa atin sa Roma 12:15-21 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at
makitangis sa mga tumatangis. Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay
makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong. Huwag ninyong
gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga
tao. Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama
ng sinuman. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos.
Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Sa halip, “Kung
nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka
ng mga baga sa kanyang ulo.” Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang
masama.

You might also like