You are on page 1of 26

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Panimula

Ang pag-aaral na ito ng Biblia ay may apat na aralin batay sa mga talata mula sa Magandang Balita
Ayon kay Juan at iba pang mga aklat sa Biblia. Ang bawat aralin ay may mga katanungan at
iminumungkahing mga kasagutan.

BASAHIN

Sa iyong pagsisimula, basahin mo muna sa sumusunod na pahina ang mga salita ni Franklin Graham na
magpapalakas sa iyong loob, at ang Magandang Balita ayon kay Juan.

PAG-ARALAN

Pagkatapos ay basahin mo ang mga aralin at sagutin ang mga katanungan na makikita doon.

KABISAHIN

Kabisahin ang dalawang talata ng bawat aralin, simula sa Juan 3:16 (matatagpuan ang mga talatang
kakabisahin sa hulihan ng bawat aralin). Para maging madali ang pagkakabisa, i-print mo ito sa isang
papel na maaari mong dalhin araw araw. Alamin mo kung paano mas mapapadali pa ang pagkakabisa
sa dulo ng babasahing ito.

PAGBULAY-BULAYAN

Isiping mabuti ang mga talata habang pinag-aaralan mo at kinakabisa ang mga ito. Hilingin mo sa
Panginoon na tulungan kang maintindihan ang Kanyang Salita at ipakita sa iyo ang tiyak at praktikal na
paraan para magamit mo ito sa iyong buhay.
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Mga Salita Mula kay Franklin Graham na Magpapalakas ng iyong Loob

Mahal kong kaibigan,

Kung ikaw man ay nagsisimula pa lamang sa pagiging Kristiano o nagbabalik-loob kay Cristo matapos
na mag-alinlangan nang ilang panahon, o kasalukuyang may nilulutas na mabigat na problema,
maaaring ito na ang magiging simula ng isang bago at nananatiling kaugnayan mo kay Jesu-Cristo.
Sinabi ni Jesus, “Naparito ako upang ang mga tupa ay
magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap”
(Juan 10:10). Gusto ng Diyos na maranasan mo ang isang masagana
at kasiya-siyang buhay, at
naihanda na Niya ang lahat ng kailangan upang maisagawa ito.
Narito ang ilang katotohanan tungkol sa buhay na ito.

Una, ang Biblia ay pagkain para sa buhay espirituwal---na


katulad din ng iyong katawan ay nangangailangan din ng nutrisyon.
Sa pamamagitan ng Kanyang Salita, nangungusap ang Diyos sa iyo
at inihahayag Niya ang Kanyang plano para sa iyong bagong buhay.
Ipinapayo kong basahin mo ang Magandang Balita ayon kay Juan
bago mo basahin ang ibang aklat sa Biblia. Pagkatapos, ituloy mo
ang pagbabasa ng Biblia araw-araw. Subukan mong magbasa ng
isang kabanata araw-araw.

Matatagpuan mo sa dokumentong ito ang mga aralin sa Biblia at, sa dulo ng bawat aralin, ilang mga
talatang kakabisahin. Pag-aralan mo kaagad ito, dahil habang nag-aaral ka at nagsasaulo, tutulungan ka
ng Biblia na lumago at maging makabuluhang Cristiano.

Ikalawa, ang panalangin ang iyong koneksiyon sa Diyos. Ugali-ing simulan ang bawat araw sa
pamamagitan ng ilang minutong panalangin. Sa umpisa, maaaring maasiwa kang makipag-usap sa
Diyos at maaaring mahirapan kang mag-isip ng mga sasabihin mo. Ngunit habang patuloy mo itong
ginagawa, mas magiging makahulugan ang iyong mga panalangin. Kaya simulan mo ang bawat araw
sa pamamagitan ng isang panalangin, at pag-aralan ding manalangin sa buong araw kung
kinakailangan. Sabihin mo ang lahat ng mga problema at pasanin mo sa Diyos, dahil interesado Siya sa
lahat ng ginagawa mo. “Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat
siya ay nagmamalasakit sa inyo” (I Pedro 5:7).

Ikatlo, ang isang Cristiano ay nagpapatotoo kay Cristo. Ikaw ang kanyang kinatawan saan ka man
pumunta. Ang ibig sabihin ba ay pupunta ka sa mga lansangan at kakausapin mo ang bawat
makakasalubong mo? Hindi naman. Ang ibig sabihin lang ay simula na ito ng isang pagpapanibagong
buhay. Pagkatapos, manalangin ka, na araw araw ay maibahagi mo si Cristo sa iba. At masdan mo kung
paano kang bibigyan ng Diyos ng mga pagkakataon! Habang matapat mong pinag-aaralan at sinasaulo
ang Biblia, mas magiging handa ka na gawin ito.
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Ikaapat, hindi ka magiging epektibong Cristiano nang nag-iisa. Humanap ka ng isang iglesya kung
saan tapat na ipinapahayag ang Salita ng Diyos at doon ka magpa-miyembro.
Makipagkaibigan ka sa ibang mga Cristiano sa iyong simbahan, dahil malaki ang nagagawa ng
pakikipag-ugnayan sa kapwa Cristiano para sa paglago ng iyong espiritu. Maaalalayan ka ng iyong
pastor sa iyong panibagong buhay na kasama ang Panginoon.

Ang pagpapasya mong tanggapin si Cristo ay hindi nangangahulugang malulutas na agad ang
lahat ng mga problema mo. Ang totoo niyan, maaari ka pang magkaroon ng panibagong problema!
Makikita mo na ang diablo, na kaaway ninyo ng Diyos, ay siguradong gagawa ng paraan para sirain
ang pagkilos ng Diyos sa buhay mo. Pagdududahin ka niya sa iyong pananampalataya kay Cristo. Iisa
lang ang paraan para matalo si Satanas at iyon ay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Gayahin mo ang
ginawa ni Jesus nang tuksuhin Siya sa ilang. Sa bawat tukso ng diyablo, binalikan ni Jesus ang Salita
ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabanggit ng mga talata mula sa Kasulatan (tingnan ang Mateo 4:4, 7,
10).

Ang mga sumusunod na aralin mula sa Biblia at mga talata ay naglalaman ng mga pangako at mga
katiyakan na napakahalaga sa iyong buhay-Cristiano. Paulit-ulit mong basahin ang mga ito. Pag-aralan
mong gamitin ang mga Kasulatan bilang saligan ng iyong pananampalataya.

Lubos ka nawang pagpalain ng Diyos sa pagtahak mo sa bagong landas ng pananampalataya.

Franklin Graham
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 1 - Pagkilala kay Cristo

Kung ikaw man ay bagong mananampalataya o muling nagpapasigla ng iyong pagtatalaga kay
Cristo, mainam na balikan natin ang ilang pangunahing katotohanan tungkol kay Jesu-Cristo at
sa kaligtasang iniaalok Niya.

Ang Pangangailangan Natin ng Kaligtasan

Maaaring mayroon kang kilalang tao na higit na mas


mabuti kaysa sa ibang tao, pero wala ka sigurong
matutukoy na taong hindi kailanman nagkamali
(Roma 3:23). Ang bunga ng kasalanan at pagkukulang
ng tao ay walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos na
banal at perpekto. At dahil
ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay, ang walang
hanggang pagkahiwalay sa Kanya ay katumbas ng
walang hanggang kamatayan. “Sapagkat kamatayan
ang kabayaran ng kasalanan” (Roma 6:23).

PANGAKO 1: ANG PANGAKONG KALIGTASAN

Tinatalakay sa Biblia ang tungkol sa “kaligtasan,” na nangangahulugan ng paglaya mula sa walang


hanggang kamatayan, at ng pakikipagkasundo sa Diyos at ng katiyakang mabubuhay tayo nang walang
hanggan kasama ang Diyos. Malinaw na ipinapaliwanag ng Juan 3:16, namarahil ay ang pinakasikat na
talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon ng kaligtasan at buhay na walang hanggan:

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sang-katauhan, kaya’t ibinigay niya ang
kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak,
kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:16
Isa-isahin natin ang mga bahagi ng talatang ito para lalo nating maunawaan ang simpleng katotohanang
ipinapahayag nito:

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan…”


Ang sangkatauhan ay tumutukoy sa iyo at sa lahat ng mga tao sa buong mundo. Mahal ka ng Diyos, at
ang susunod na bahagi ng talata ay nagpapakita kung gaano ka Niya kamahal:

“…kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak …”


Mahal na mahal ka ng Diyos kaya ibinigay niya ang kanyang Anak (Romans 5:8). Binayaran ni Jesu-
Cristo, ang Anak ng Diyos, ang parusa ng ating mga kasalanan nang mamatay Siya sa krus. Inako Niya
ang ating mga kasalanan, at namatay Siya minsan para sa lahat. Nang mamatay Siya, sinabi Niya,
“Naganap na!” (Juan 19:30), na nangangahulugang nagampanan na Niya ang lahat ng kailangang
gawin upang maligtas ang tao.
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Bilang “Anak ng Diyos”, si Jesus ay kapantay ng Diyos. Siya ay bahagi ng tinatawag ng mga nag-aaral
ng Biblia na “Trinity”: Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Pero ang
nakakamangha, kahit na si Jesus ay kapantay ng Diyos Ama (Juan 1:1-3; 10:30), pinili pa rin Niyang
maging tao at mamatay para sa atin (Filipos 2:5-8).

“…upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak …”


Kung sumasampalataya ka na si Jesu-Cristo ang Anak ng Diyos, at tatanggapin mo Siya bilang
Tagapagligtas, hindi mo na kakailanganing bayaran pa ang parusa sa iyong mga kasalanan—
dahil si Jesus na ang nagbayad ng parusa noong Siya ay namatay sa krus.

“…kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”


Sa halip na walang hanggang kamatayan at pagkahiwalay sa Diyos, magkakaroon ka ng buhay na
walang hanggan sa oras na magtiwala ka kay Cristo. Malalaman mo na:

pinatawad na ang iyong mga kasalanan (Colosas 1:14)


anak ka ng Diyos (Juan 1:12)
mayroon ka nang buhay na walang hanggan (Juan 3:16)

PAGTATALAGA NG IYONG BUHAY KAY JESU-CRISTO


Tinanggap mo na ba si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas mo? Kung gayon, sa bisa ng
kapangyarihan ng Salita ng Diyos, mayroon ka nang buhay na walang hanggan. Kung
hindi mo pa Siya tinatanggap, maaari mo itong gawin ngayon na (Roma 10:13)! Maaari mong
tanggapin si Jesu-Cristo sa buhay mo ngayon kung mananalangin ka ng tulad nito:

Mahal kong Panginoong Jesus, alam kong ako ay makasalanan at kailangan ko ang Iyong
kapatawaran. Naniniwala ako na namatay Ka para sa aking mga kasalanan. Tatalikuran ko na ang
aking mga kasalanan. Inaanyayahan kita ngayon sa aking puso at buhay. Gusto kong magtiwala at
sumunod sa Iyo bilang aking Panginoon at Tagapagligtas.

Sa pangalan ni Jesus. Amen.

Sauluhin mo ang Juan 3:16, at kung sakaling magkaroon ka ng alinlangan sa iyong kaligtasan, gamitin
mo ito bilang saligan ng iyong pananampalataya.

PANGAKO 2: ANG PANGAKO NG TAGUMPAY LABAN SA TUKSO

Ayaw ni Satanas na magkaroon ka ng kaugnayan sa Diyos. Pagtutuunan niya ng pansin ang ilang mga
kahinaang espirituwal sa buhay mo para maibagsak ka niya. Huwag kang mabigla kung mangyari man
ito! Sa halip, alisin mo ang pansin sa iyong mga kahinaan, at ituon mo
ang iyong tiwala kay Jesu-Cristo, na Siyang makakatulong sa iyo. Nangako ang Diyos na hindi ka
tutuksuhin ng higit sa iyong makakayanan (1 Corinto 10:13)
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Maaaring maisip mong parang ikaw lang yata ang tinutukso, pero lahat ng mananampalataya ay
dumaraan sa parehong pagsubok. Hindi kasalanan ang tuksuhin. Kahit si Cristo man ay tinukso din
(Hebreo 4:15). Subalit nakakapasok ang kasalanan kapag bumigay ka sa mga tukso.
Upang mapagtagumpayan ang tukso, kaagad mong ilapit sa Diyos ang problema mo bago pa ito mag-
ugat sa buhay mo. Maging positibo sa iyong mga panalangin. Huwag mong balik-balikan ang mga
bagay na nakakatukso sa iyo, at sa halip ay isipin mo ang mga magagandang bagay (Filipos 4:8)

Hilingin mo sa Diyos na ilagay ang mga magagandang bagay na ito sa iyong isipan. Pagbulay-bulayan
mo ang 1 Corinto 10:13 at asahan mo ang pangako nitong tagumpay kapag natutukso ka.

PANGAKO 3: ANG PANGAKO NG PAGPAPATAWAD


Ang pagsasanay na mamuhay bilang Cristiano ay katulad din ng pagsasanay sa paglakad. Maraming
beses kang babagsak at tatayong muli, lalo na kapag nagsisimula ka pa lang (Awit 37:23-24).

Noong nagsasanay ka pa lang maglakad, madalas natutumba ka. Pero nananatili ka bang nakatumba?
Hindi, sa halip aabutin mo ang kamay ng nanay o tatay mo na tutulong sa iyo para makatayo uli.
Ganoon din ang pag-aaral na lumakad kasama ang Diyos. Kapag bumagsak ka, lumapit ka sa Diyos sa
pamamagitan ng panalangin, at tanggapin mo ang Kanyang maawaing kamay na tutulong sa iyo.

“Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating
patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat
siya’y tapat at matuwid.” --- 1 Juan 1:9

Kapag nakagawa ka ng isang bagay na ayaw ng Diyos, at ipinakita ito sa iyo ng Banal na Espiritu,
humingi ka na agad ng tawad sa Diyos. Kapag ginawa mo ito, matututuhan mo—sa pamamagitan ng
karanasan—ang habag at pagpapatawad ng Diyos at ang kagalakan ng araw-araw na
pakikipagugnayan sa Kanya.

Sauluhin mo ang 1 Juan 1:9 at isagawa ito araw-araw. Angkinin mo ang Salita ng Diyos at
magtiwala ka sa Kanyang pagpapatawad at paglilinis.

PANGAKO 4: ANG PANGAKO NG KANYANG PRESENSYA


Dahil tao ka, natural lang na mag-alinlangan ka, madismaya paminsan-minsan, manghina at mangulila.
Pero hindi ka kailanman nag-isa; nasa iyo si Cristo, at gusto ka Niyang tulungan na magbago ayon sa
gusto Niyang mangyari sa iyo (Filipos 1:6).

Tutugunin Niya ang lahat ng kailangan mo at iingatan ka Niya araw-araw (Hebreo 13:5)

Alam ni Jesus ang kahinaan ng kanyang mga tagasunod at ang pangangailangan nila ng lakas na
espirituwal. Gusto Niyang malaman nila na kahit hindi nila personal na kasama si Jesus, ang Banal na
Espiritu, na alam nating bahagi ng Trinity, ang pumapalit sa Kanya at siyang tumutugon sa kanilang
mga pangangailangan (Juan 14:16).
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Maaari mong maging Tagapayo ang Banal na Espiritu, o gaya ng pagkakasabi sa ibang salin ng Biblia,
ang iyong mang-aaliw. Maaari mo rin Siyang maging guro. Habang binabasa mo ang Biblia at
humihingi ka ng tulong sa Diyos na maintindihan ito, ang Banal na Espiritu na nasa iyo ay
papatnubayan ka sa lahat ng katotohanan (Juan 16:13). Papatnubayan din Niya kayo (Roma 8:14),
pagyayamanin ang iyong buhay (Juan 6:63; Roma 8:11), at palalakasin ka Niya para makapamuhay ka
bilang Cristiano (Galacia 5), at gagawin kang saksi para sa ibang tao (Gawa 1:8).

Ang mga pangako ng kaligtasan, ng tagumpay laban sa tukso, ng pagpapatawad, at ng nanatiling


presensya ng Diyos ay mapapasaiyo araw-araw. Angkinin mo ang presensya ng Diyos, magti-wala ka
sa Kanyang mga pangako, at mamuhay ka na nakadepende sa Kanyang Banal na Espiritu na nananahan
sa iyo.

Sagutin ang mga tanong sa susunod na pahina.


Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 1 - Ang Iyong Tugon

Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagtingin sa mga talata sa Magandang Balita ayon kay
Juan.

Ano ang dahilan bakit naparito si Jesus? Juan 1:29

Paano inalis ni Jesus ang kasalanan ng buong mundo? Juan 19:16-18

Mahal ng Diyos ang lahat ng tao kaya ibinigay Niya ang Kanyang Anak para mamatay sa krus.
Sinasabi ng Juan 3:16 kung paano tayo makikinabang sa ginawa ng Diyos.

Isulat ang iyong pangalan sa mga patlang: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos [kay] _______
kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang [kung si] ___________
ay sumampalataya sa kanya, [si] _________________ ay hindi mapahamak, kundi [si]
____________ [ay] magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Balang araw ay matatapos ang ating pisikal na buhay, pero ang buhay na ibinibigay sa atin ng Diyos ay
walang hanggan – wala itong katapusan. Ano ang kailangan mong gawin para magkaroon ng buhay na
walang hanggan? Juan 3:16

Ano ang bagong kaugnayan na iyong tinatamasa ngayon dahil sa pananampalataya mo kay Cristo?
Juan 1:12

Ano ang mangyayari sa mga taong hindi sumampalataya kay Cristo? (a) Juan 3:18 (b) Juan 3:36

Hindi makakamtan ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagiging relihiyoso, pagsunod sa
mga batas, o paggawa ng mabuti, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. Ano ang
sinabi ni Jesus sa Juan 11:25-26?

Ano ang nangyayari sa oras na sumampalataya ka kay Cristo? Juan 5:24

Ngayon, balikan mo ang iyong mga sagot at sabihin sa isa o dalawang pangungusap kung paano ka
mapapatawad at magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

PANGHULING KAISIPAN:
Ngayon na tinanggap mo na si Jesu-Cristo bilang Panginoon mo at Tagapagligtas, angkinin mo ang
katiyakan ng kaligtasan. Kagaya ng batang nangangailangan ng pagkain araw-araw para
lumaki, kailangan din ng mga anak ng Diyos ng espirituwal na pagkain.

1. Magsaulo ka ng dalawang talata mula sa Aralin 1.

Ang pangakong kaligtasan: “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan,
kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya
ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” - Juan 3:16

Ang pangakong kapatawaran: “Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga
kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng
ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid.” - 1 Juan 1:19

2. Magpatuloy ka sa susunod na aralin, ang “Paglago kay Cristo.”


Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 2: Paglago kay Cristo

Nais ng Diyos na makatagpo ka nang personal araw-araw.

Maaaring magtaka ka sa bagay na ito, pero pag-isipan mo sandali: Nang tanggapin mo si Jesu-Cristo
bilang Panginoon at Tagapagligtas, naging miyembro ka na ng pamilya ng Diyos, isang anak ng Diyos.
Maaari mong tawaging Ama ang Diyos.

Ang sino mang mabuting magulang ay


gustong makasama ang kanyang mga
anak—minsan sabay sabay lahat ng anak
—pero madalas ay isa-isa. Ito ang paraan
para mas makilala ang isang tao— ang
makasama siya nang sarilinan.

Ang pinakamagandang paraan para


makilala mo ang iyong Ama sa langit ay
magbigay ka ng oras na makasama siya
nang sarilinan. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kanyang Salita at pakikipag-usap
sa Kanya sa pananalangin.

PAKIKINIG SA DIYOS: PAGBABASA NG KANYANG SALITA


“Pano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa pamamagitan
ng pagsunod sa banal mong kautusan…… Ang banal mong kautusa’y sa puso ko iingatan, upang hindi
magkasala laban sa iyo kailanman.” - Awit 119:9,11

Kung ngayon ka pa lang nagsisimulang magbasa ng Biblia, mas magiging interesado ka siguro sa
Magandang Balita ayon kay Juan dahil napakaganda ng pagkakalahad dito ng plano ng Diyos para sa
ating kaligtasan.

Kapag natapos mo nang basahin ang aklat ni Juan, maaari kang magpatuloy sa pagbabasa ng Aklat ng
Mga Gawa para mabasa mo kung paano ibinahagi ng mga unang Cristiano ang
kanilang pananampalataya sa mga tao sa paligid nila. Ang pagbabahagi ng iyong pananampalataya ay
isa sa mga mahahalagang bagay na magagawa mo para sa Diyos.

Kung hindi ka pa gaanong nakakapagbasa ng Biblia, maaari mong gamitin ang mga makabagong salin.
Magtanong ka sa iyong pastor o sa Christian bookstore na malapit sa iyo.

Habang nagbabasa ka ng Biblia, pagbulay-bulayan mo ang sinasabi nito. Ang ibig sabihin ng
pagbubulay-bulay ay matamang pagiisip ng mga bagay na espirituwal. Ito ay ang tahimik, seryoso at
malalim na pag-iisip tungkol sa Diyos—kung gaano Siya kahanga-hanga,
ang magagandang bagay na ginawa Niya para sa iyo, ang mga bagay na gagawin pa Niya para sa iyo,
at kung ano ang gusto Niyang gawin mo para sa Kanya.
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Habang nagbabasa ka ng Biblia, maaaring may mapansin ka na:

isang pangakong maaari mong panghawakan


isang gabay para sa araw na kasalukuyang araw
isang utos na dapat mong sundin
isang paalala tungkol sa kasalanan o espirituwal na pangangailangan sa buhay mo
isang makahulugang talata na dapat mong sauluhin

Huwag mong madaliin ang pagbabasa o piliting makatapos ng marami. Sa pagsisimula, ang
magandang gawing gabay ay magbasa ng isang kabanata araw-araw. Bigyan mo ng panahon na makita
ang lahat ng mga bagay na sinasabi sa iyo ng Diyos mula sa mga talata. Hindi
mo kailangang madaliin ang pakikipagusap mo sa Diyos.

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS: PANALANGIN


“Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang
hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban. 15At dahil alam nating pinapakinggan nga
niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya.” –1 Juan 5:14-15

Pagkatapos mong magbasa at magbulay-bulay sa Salita ng Diyos, manalangin ka. Kausapin mo ang
Diyos na tulad ng pakikipagusap mo sa iyong mapagmahal na magulang, na nagnanais ng
pinakamabuti para sa iyo, at gustong tulungan ka sa lahat ng bagay.

Puwede kang manalangin sa Diyos kahit na anong oras—habang nagmamaneho ka papasok sa trabaho,
naghahanda ng hapunan, naglalaba, nag-aaral sa eskwela. Pero kailangang magkaroon ka rin ng oras sa
maghapon na talagang nasa Kanya lang ang atensiyon mo at walang anumang nakakaabala.

Maaaring maganda para sa iyo ang umaga – yung presko ka pa, bago ka magsimula ng iyong mga gawain.
O pwede rin sa gabi – pagkatapos ng araw mo at nag-iisip ka na ng gagawin para sa kinabukasan at
naghahanda na para matulog. Mas maganda kung gagawin mong umaga at gabi ang pakikipag-usap mo
sa Diyos! (Awit 55:17).

Kahit pa anong oras, gawin mong tuloy-tuloy ang iyong pakikipag-usap sa Diyos. Si Jesus ay maagang
gumising para manalangin at nagpupunta sa isang lugar na tahimik (Lucas 5:16).
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

GABAY SA PANALANGIN
Maaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod kung paano kang magsisimulang makipag-usap sa Diyos:

- Purihin mo Siya dahil sa mga katangian Niya—Siya ang Maylikha at Tagapagpanatili ng buong
sansinukob, pero interesado sa iyo!

- Pasalamatan mo Siya sa lahat ng Kanyang mga ginawa, sa lahat ng mga ginagawa Niya para sa iyo, at
sa lahat ng Kanyang mga ipinangakong gagawin para sa iyo.

- Aminin sa Kanya ang mga bagay na ginawa o sinabi mo na ngayon ay pinagsisisihan mo.
Gusto ng Diyos at kaya Niya tayong patawarin sa ating mga kasalanan (1 Juan 1:9).

- Ipanalangin mo ang iyong pamilya.

- Ipanalangin mo ang ibang tao—mga kaibigan o kapitbahay na may mga pangangailang pisikal man o
espirituwal.

- Ipanalangin mo ang iyong sarili. Humingi ka ng gabay sa Panginoon para sa bagong araw. Humingi
ka ng tulong para sa mga problema mo. Hilingin mo na bigyan ka Niya ng pagkakataon na
makapaglingkod sa kanya.

- Ilista mo ang mga gusto mong ipanalangin para wala kang makalimutan at para maitala mo ang mga
sagot ng Diyos. (Maaaring ang sagot ng Diyos ay “Oo”, “Hindi” o “Maghintay”!) Isulat mo ang iyong
listahan sa isang maliit na notebook o sa computer mo o sa cellphone —o sa isang maliit na sulatan na
maaari mong ilagay sa bulsa o sa pitaka.

Tandaan mo na pwede kang manalangin sa Diyos kahit na anong oras, kahit na saan, at kahit na tungkol
sa anumang bagay – para humingi ng mga bagay na kailangan mo o pasalamatan Siya para sa mga
bagay na tinanggap mo. Tulad ng mapagmahal na magulang, interesado ang Diyos sa lahat ng
nangyayari sa iyo.

Naghihintay Siya na makausap ka ng sarilinan!

Sagutin ang mga tanong sa susunod na pahina.


Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 2: Ang Iyong Tugon

Nagsasalita sa atin ang Diyos sa pamamagitan ng Biblia, at nakakausap naman natin Siya sa
pamamagitan ng panalangin. Habang ginagawa natin ito, lalo nating nalalaman ang magaganda niyang
pangako at pagpapala. Hangarin ng araling ito na maging mas makabuluhan ang pagbabasa mo ng
Biblia at pananalangin.

1. Basahin ang mga talata sa ebanghelyo ayon kay Juan, at isulat ang mga bagay na sinasabi ni Jesus
tungkol sa Kanyang sarili:

Juan 6:35
Juan 8:12
Juan 10:9
Juan 11:25-26

2. Ano ang ipinangako ni Jesus kung susundin mo ang Kanyang mga utos? Juan 14:21

3. Ano pa ang tulong na ipinangako Niya sa Juan 14:26?

4. Sa Juan 13:34-35, ano ang hinihiling ni Jesus na gawin mo, at bakit?

5. Basahin ang Juan 21:1-6. Ilarawan kung ano ang nangyari sa mga talatang 3 at 6. Ano ang
mahalagang aral na matutuhan mo sa mga talatang ito? Ano ang katulad na katotohanan ang itinuturo
sa Juan 15:5?

6. Bilang mananampalataya, ano ang mga pribilehiyo mo? Juan 16:24

7. Habang lumalago ka kay Cristo, lalago din ang iyong pananampalataya at pagtitiwala, at
mananalangin ka ng may katiyakan. Ano ang pangako sa iyo sa Juan 15:16?
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

PANGHULING KAISIPAN:
Ang Diyos Espiritu Santo ang iyong guro, at ginagamit Niya ang Kasulatan upang turuan ka. Habang
patuloy kang nagbabasa, nag-aaral, nagsasaulo ng mga talata, at nananalangin, lalong magiging totoo
sa iyo si Cristo at makakaranas ka ng kasiyahan sa iyong buhay.

1. Isaulo ang dalawang talata ito para sa Aralin 2.

Katiyakan sa panalangin: “Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay
niya ang anumang hingin natin kung ito’y naaayon sa kanyang kalooban. At dahil alam nating
pinapakinggan nga niya tayo alam din nating ibinibigay niya - ang bawat hinihiling natin - sa
kanya.” - 1 Juan 5:14-15

Tagumpay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos: “Pano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng


sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan. Ang
banal mong kautusa’y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman.” - Awit
119:9,11

2. Magpatuloy ka sa susunod na aralin, “Pagsunod kay Cristo.”


Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 3: Pagsunod kay Cristo

Habang lumalago ka bilang isang bagong Cristiano, masusumpungan mo na ang tunay na


kasiyahan at kaganapan ng iyong buhay ay makakamtan lamang sa pagbibigay kay Jesu-Cristo
ng lubusang pangunguna sa iyong buhay. Ang ibig sabihin nito ay bigyan siya ng pangunahing
autoridad sa iyong buhay bilang Hari at Panginoon.

Ang pagiging Cristiano ay hindi lamang pagpunta sa simbahan ng isang oras tuwing Linggo. Ang tunay
na tagasunod ni Jesu-Cristo ay handa na sumunod sa Kanya buong buhay, 24/7. At ito ang ganap na
buhay at kasiya-siyang paglalakbay (Juan 10:10)!

Ang pagtanggap kay Jesu-Cristo bilang Panginoon – pagkakaroonn ng buhay na sumusunod at umaasa
kay Cristo – ay magdudulot ng pagbabago kung paano ka mamuhay.

MABUHAY NANG BUONG PUSO


Una, ang mamuhay na kasama si Jesu-Cristo bilang
Panginoon ay isang buong pusong pamamaraan ng
pamumuhay. Tinawag tayo para maglingkod sa Diyos
nang buong puso! Ang sumusunod nang buong puso ang
hinahanap ng Diyos (2 Cronica 16:19). Isuko mo ang
iyong puso sa Kanya araw-araw, maging handa at
maluwag ang iyong kalooban na maging tulad Niya at
paglingkuran ang Hari ng iyong buhay (Efeso 6:7)

ANG PAG-IIBIGAN
Pangalawa, ang mamuhay na kasama si Jesu-Cristo bilang Panginoon ay isang ugnayan ng pag-iibigan.
Ang pag-ibig mo sa Diyos ay maipapakita sa pamamagitan ng iyong pagsunod (Mateo 22:37-40). Ang
pag-ibig ay higit pa sa nararamdaman—ito ay isang bagay na ating ginagawa. Kung mahal mo ang iyong
Hari, susundin mo ang kanyang mga utos (Juan 14:21).

Ang pagsunod ay may kinalaman sa bawat aspeto ng ating buhay: relasyon sa pamilya at mga kaibigan, sa
trabaho, propesyon at mga ambisyon para sa kinabukasan – ang lahat ng ito ay kailangang isuko sa plano
ng Diyos. Mas dapat na pinapansin natin kung ano ang iniisip ng Diyos tungkol sa atin kaysa sa iniisip ng
ibang tao. Ang pera natin sa bangko, ari-arian, oras at lahat-lahat ng bagay na inaangkin nating atin, ay
dapat na sumailalim sa kontrol ng Diyos. Kahit na ating pakikipagkaibigan, at oras para magrelaks ay
dapat na isuko kay Cristo. Maging handing sumunod kay Cristo kahit na may kakailanganing kapalit
(Lucas 14:33)

Sa pamamagitan ng ating pagsunod kay Cristo, mas nakikilala natin siya at mas nagiging kawangis natin
siya. Nating totoo si Jesus para sa atin.
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

LUMABAN PARA MANALO!


Pangatlo, ang mamuhay na kasama si Jesu-Cristo bilang Panginoon ay pamumuhay na ang layunin
lamang ay kilalanin at parangalan ang kaluwalhatian ng Diyos. Para maisakatuparan ang planong
ito, kailangan ang aktibo at disiplinadong pagsisikap. Inilarawan ni Apostol Pablo ang buhay ng
isang Cristiano na tulad ng kompetisyon sa Olympics. Kung paanong ang isang manlalaro ay
dumadaan sa matinding pagsasanay para manalo, tayo rin ay may hamon na ayusin ang ating
relasyon kay Cristo, lumago sa ating pagkakaunawa sa Salita ng Diyos, ayusin ang ating mga pag-
uugali para mas maging kawangis ni Cristo, at tularan si Cristo (1 Corinto 9:24).

Kung paano nating gamitin ang 24 oras na ibinibigay sa atin sa bawat araw ang siyang
magsasabi kung gaano kabunga ang ating buhay Cristiano at ang ating paglilingkod kay
Cristo. Tinawag tayo ng Diyos para maging mabunga, para sa Diyos. Kung paanong ang
isang sanga ay kumukuha ng katas para mabuhay mula sa baging, napapanatili naman
natin ang ating buhay Cristiano sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo at pag-
amin na sa Kanya lang tayo aasa (Juan 15:5). Ganyan tayo dapat mamuhay para
masiyahan ang Diyos (1 Corinto 10:31).

MAGBAGO KA
At panghuli, ang mamuhay na kasama si Jesu-Cristo bilang Panginoon ay pamumuhay
na nabago. Hindi naman magiging perpekto ang buhay natin. Pero kapag bumagsak
tayo, madadala natin ang mga pagkabigo na iyon kay Jesu-Cristo. Nangako Siyang
patatawarin tayo at lilinisin sa ating mga kasalanan (1 Juan 1:9). Araw-araw ay
kailangan nating bitawan ang mga dati nating pamumuhay at tandaan na mga bago na
tayong nilalang (Efeso 4:24). Sa pagtalikod natin sa ating mga kasalanan at pagtanggap
ng bagong buhay na ibinigay ni Cristo, ay mas nagiging matibay ang ating pagbabago
upang maging kawangis Niya (Roma 12:2).

Madalas na ang buhay Cristiano ay salungat sa agos ng buhay sa mundong ito. Kaya
nga kailangan natin ang buong pusong paninindigan sa ating pangako, tunay na
pagmamahal kay Jesu-Cristo, isang disiplinadong buhay, handing aminin ang ating mga
pagkakamali, at iwanan na natin ang dating pamumuhay para maging matagumpay ang
ating buhay kay Cristo. Kapag isinuko natin ang lahat ng aspeto ng ating buhay kay
Jesu-Cristo, maaari tayong mamuhay nang ganap ayon sa Kanyang nais.

Sagutin ang mga katanungan sa susunod na pahina.


Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 3 - Ang Iyong Tugon

Masaganang buhay – posible nga kaya ito? Tinawag ba tayo ni Jesus na lubusang
sumunod sa kanya para lang maging mabubuting tao o talagang ipinapakita niya
ang tunay na daan para maging maligaya? Handa ka na bang magtiwala sa
pangunguna ng Mabuting Pastol at gawing Panginoon ng iyong buhay si Jesus?
Maaaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod na tanong para mas maunawaan
mo ang ibig sabihin ng kagalakan kapag tunay na isinuko mo ang iyong buhay sa
pamamahala ng Diyos.

1. Pag-aralan ang 1 Corinto 6:19-20 at sagutin ang tatlong mahahalagang tanong tungkol sa pagiging
Panginoon ni Cristo sa buhay mo:

Ngayong Cristiano ka na, naging ano ang iyong katawan?


Bakit si Cristo na ngayon ang nagmamay-ari ng buhay mo?

Ano na ngayon ang dapat na maging layunin ng buhay mo?

2. Basahin ang Lucas 6:46-49 at sabihin sa isa o dalawang pangungusap kung ano ang itinuturo ni
Jesus sa Kanyang talinghaga tungkol sa matalino at sa hangal na nagsipagtayo ng bahay:

Ano ang dapat nating gawin kung tinatawag nating Panginoon si Jesus?

Anong espirituwal na katotohanan ang ipinapakita ng bahay na itinayo sa bato?

Anong espirituwal na katotohanan ang ipinapakita ng bahay na walang pundasyon?

3. Ano ang sinasabi ni Apostol Santiago tungkol sa pagsunod sa sinasabi ng Biblia? Santiago 1:22-25

4. Ang pagsunod kay Jesu-Cristo bilang Panginoon ang tunay na sukatan ng iyong pagtatalaga sa
Kanya. Ano ang sinasabi ni Apostol Juan tungkol sa pagsunod? Hanapin ang sagot sa bawat talata ng 1
Juan 2:3-6.

5. Ano ang isa pang tiyak na paraan upang mapatunayan mong ikaw nga ay kay Cristo? 1 Juan 3:14

6. Habang lumalago ka kay Cristo, may ilang pagkakataong mabibigo mo Siya. Walang taong nabuhay
nang perpekto maliban kay Jesus. Maging tapat ka sa pag-amin na bumagsak ka at ipahayag mo ang
iyong kasalanan. Magbigay ng maikling paliwanag sa itinuturo ng 1 Juan 1:8-10 tungkol sa
pagpapahayag ng kasalanan at pagpapatawad.

7. Ano ang nais ong ipagpasalamat ngayon sa Diyos, tungkol sa pangangailangan mo ng kapatawaran
ng Diyos? 1 Juan 2:1-2
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

PANGHULING KAISIPAN:

1. Magsaulo ng dalawang talata mula sa Aralin 3.

Ipamuhay ang Salita ng Diyos: “Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan.
Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa
ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.” - Joshua 1:8

Pagpapatibay ng aking pag-ibig sa Diyos: “Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang
siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya at ako'y
lubusang magpapakilala sa kanya.” - Juan 14:21

2. Magpatuloy ka sa iyong huling aralin, “Magpatotoo para kay Cristo.” Maaaring ito ang
pinakamahalagang aralin sa lahat. Ito ay tungkol sa pagbabahagi ng iyong pananampalataya sa
iba.
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 4 - Pagpapatotoo para kay Cristo

Nilalahad ng isang testigo sa korte ang nalalaman niya tungkol sa nangyari. Ang
isang Cristianong nagpapatotoo ay sinasabi ang lahat ng alam niya tungkol kay
Jesu-Cristo at kung ano ang ibig sabihin ng pagkakatiwala ng kanyang buhay kay
Cristo.

Nang sinimulan ni Jesus ang Kanyang


ministeryo, tumawag Siya ng dalawang
mangingisda, sina Simon Pedro at ang
kapatid nitong si Andres, at sinabi sa kanila,
“Sumunod kayo sa akin… at gagawin ko
kayong mga mangingisda ng mga tao”
(Mateo 4:19). Sa paglipas ng mga panahon,
ganoon din ang tawag na ipinaparating sa
lahat ng sasampalataya kay Jesu-Cristo.
Inaabot niya ang mga tao sa pamamagitan
ng masugid na patotoo ng mga taong tulad
mo (2 Corinto 5:19-20).

ANG IYONG HALIMBAWA


Bilang isang testigo para kay Cristo, ang buhay mo ang pinakamahalagang bahagi ng iyong patotoo.
Ikaw ay isa nang bagong nilalang. Ang pinakamagandang patotoo na magagawa mo ay kung paanong
lalabas sa iyong pag-uugali ang bago mong pananampalataya (Mateo 5:16). Ang ibig sabihin, dapat na
makita sa buhay mo at pag-uugali ang isang buhay na isinuko na kay Jesu-Cristo. Hindi naman ibig
sabihin na kailangang maging perpekto ka muna bago ka magpatotoo. Tiyak na makakaranas ka ng
pagbagsak paminsan-minsan habang nagsasanay ka pang lumakad. Ngunit katulad ng sinasabi sa unang
aralin, handa kang patawarin ng Diyos sa iyong mga kasalanan at tulungan ka Niyang makabangon
muli.

ANG KAPANGYARIHAN NG BANAL NA ESPIRITU


Kailangan mo rin ng tulong na galling sa labas sa iyong sarili para magpatotoo. Ito ang gawain ng
Banal na Espiritu. Ipinangako ni Jesus na bibigyan tayo ng Banal na Espiritu ng kapangyarihang
magsabi sa iba tungkol sa Kanya (Gawa 1:8). Kapag malinis ang buhay mo at lumalakad ka sa ilalim
ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, makakapagpatotoo Siya sa pamamagitan mo.

Pinili si Felipe para maglingkod sa simbahan dahil siya ay “puno ng Espiritu at katalinuhan”
(Acts 6:3). Nagtatagumpay na ang paglilingkod niya sa Samaria (Gawa 8:4-13) nang tawagin
siya ng isang anghel para pumunta sa Gaza (Gawa 8:26), kung saan ang isang opisyal ng
Etiopia ay pabalik na mula sa Jerusalem. Kasalukuyang binabasa ng opisyal ang kabanatang 53
ng Aklat ni Isaias. Puspos ng Banal na Espiritu, kinausap ni Felipe ang opisyal gamit ang talata
mula Kasulatan at ibinahagi niya ang magandang balita tungkol kay Jesus.
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ANG KAPANGYARIHAN NG SALITA NG DIYOS


Ang pangatlong mahalagang sangkap para maging epektibong testigo ay ang Salita ng Diyos: ang Biblia.
Sa kwento ni Felipe, inilagay ng Diyos ang akmang talata na babasahin ng opisyal ng Etiopia bago Niya
ipinadala si Felipe para ipaliwanag ito. Kapag natanim ang Salita ng Diyos sa puso ng isang tayong handa
nang tumanggap, nagkakaroon ito ng bunga – isang bagong mananampalataya ni Cristo (1 Pedro 1:23).
Kapana-panabik na ibahagi mo sa iba ang iyong bagong pananampalataya. Isang magandang paraan para
magsimula ay ang pagkuwento kung paanong binago ni Jesus ang iyong buhay. Makapangyarihan ang
isang simple ngunit tapat na patotoong personal. Kailangan ding alam mo ang mga katotohanan ng
Magandang balita upang maibahagi rin ang mga ito.

ANG MAGANDANG BALITA


Ito ang buod ng Magandang Balita, sa apat na mahahalagang katotohanan:

Katotohanan 1: Ang plano ng Diyos – kapayapaan at buhay


Nilalang tayo ng Diyos ayon sa Kanyang larawan (Genesis 1:27). Mayroon tayong
kakayahang makipag-ugnayan sa Kanya, at kalayaang pumili kung mamahalin at
susundin natin Siya o hindi. Pagkatapos Niyang likhain ang daigdig, lubos na nasiyahan
ang Diyos sa lahat ng Kanyang nilikha, kasama ang tao.
Katotohanan 2: Ang ating problema – pagkahiwalay sa Diyos
Nang nilikha ng Diyos ang unang lalaki at babae – si Adan at si Eba – inilagay Niya sila sa isang
magandang hardin at binigyan ng isang utos: maaari nilang kainin ang mga bunga ng bawat puno, maliban
sa isa. Ang pagkain ng ipinagbabawal na bunga ng naturang puno ay mangangahulugan ng kamatayang
espirituwal at panghabang-panahong pagkahiwalay mula sa Diyos (Genesis 2:16-17). Nakakalungkot,
sumuway (o “nagkasala”) sina Adan at Eba, at sila’y nahiwalay mula sa Diyos (Genesis 3:22-24). Mula
noon, bawat tao ay nagkasala na rin (Roma 5:12). Kung hindi natin kasama si Jesus, lahat tayo ay
nakakaranas ng ganitong pagkahiwalay mula sa Diyos.
Katotohanan 3: Ang solusyon mula sa Diyos – ang krus
Hindi tayo hinayaan ng Diyos nang walang pag-asa. Ipinadala Niya ang Kanyang Anak,
si Jesu-Cristo, para mamatay sa krus at mabuhay na muli. Nang ginawa iyan ni Jesus,
binayaran Niya ang parusa para sa ating mga kasalanan, at winakasan ang
pagkakahiwalay natin sa Diyos(1 Timoteo 2:5-6). Ang magdadala sa atin sa Diyos ay
ang pananampalataya kay Jesu-Cristo, hindi ano pa mang pagsisikap sa sarili nating
lakas at kakayahan. Maliligtas lamang tayo sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng
Diyos (Efeso 2:8-9).
Katotohanan 4: Ang ating tugon – tanggapin si Cristo
Nagbigay ang Diyos ng paraan upang makabalik sa Kanya, subalit dapat natin itong tanggapin. Dapat
nating tanggapin na tayo ay makasalanan, at pagkatapos ay magsisi tayo. Mahalagang bahagi ng
pagsisising kinakailangan natin ay ang pagtalikod sa kasalanan at ang pagbaling at pagsunod kay Jesu-
Cristo (Gawa 3:19). Sa pamamagitan ng pananampalataya, dapat tayong magtiwala na binayaran na nga ni
Jesus ang parusa ng ating mga kasalanan, at tanggapin Siya bilang Panginoon ng ating buhay. Kapag
ginawa natin ito, tayo ay magiging mga anak ng Diyos (Juan 1:12) at magkakaroon ng buhay na walang
hanggan (Juan 3:16).
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

PAGBABAHAGI NG IYONG PANANAMPALATAYA


Kapag ipinapaliwanag mo ang Mabuting Balita, makakatulong na iguhit mo ito sa papel para sa kaibigan
na binabahaginan mo. Subukan mong sundan ang apat na pamamaraang ito:

HAKBANG 1: IPALIWANAG ANG MGA KATOTOHANAN.


Sa itaas ng iyong papel, isulat ang apat na katotohanan tungkol sa Mabuting Balita. Isulat mo ang mga
ito isa-isa at gumamit ng isa o dalawang talata para sa bawat isa. Pagkatapos ay iguhit ang larawan
kung saan nasa isang panig ang Diyos at nasa kabilang panig naman ang tao. Habang ginagawa mo ito,
ipaliwanag mo ang mga talata na tumutukoy sa pagkakahiwalay ng tao sa Diyos. Gawin ito hanggang
maipakita mo kung paano napag-ugnay ng krus ang panig ng Diyos at ang panig ng tao, at kung paano
natin matatawid ang tulay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.

Narito ang halimbawa ng larawan:

HAKBANG 2: MAGBIGAY NG ISANG PAANYAYA


Kung nararamdaman mong inaakay ka ng Banal na Espiritu at nakikita mong positibo ang tugon ng tao
sa mga sinasabi mo, maaari mo siyang anyayahan nang tulad nito, “Kung ang paglalarawang ito ay
totoo—at lubos akong naniniwala na totoo ito—kung ganoon lahat tayo ay nasa isang panig ng bangin
o nasa kabila”
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Pagkatapos ay magtanong ka ng ganito: “Nasaang panig ka? Dito o dito?” Kung ang kaibigan mo ay
hindi tiyak o alam na naroon siya sa maling panig, ipaalala sa kanya na maaari siyang makatiyak sa
kanyang panig sa pamamagitan ng:

1. Pag-amin sa kanyang pangangailangan – na siya ay isang makasalanan


2. Pagiging handa sa pagtalikod sa kasalanan (magsisi).
3. Pananampalataya na namatay sa krus si Jesu-Cristo at muling nabuhay para sa kanya.
4. Pananalangin ng paanyaya kay Jesu-Cristo na pumasok at manguna sa kanyang buhay sa tulong ng
Banal na Espiritu.

HAKBANG 3: SAMAHAN SA PANALANGIN ANG TAONG BINABAHAGINAN


Sinasabi sa Kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon” (Roma 10:13).

Tandaan, si Jesu-Crsito ang pinto tungo sa buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ng panalangin,
makakapasok tayo sa pintuang iyon at tanggapin Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas. Pangunahan
ang tao sa simpleng panalangin gaya nito:

Mahal kong Panginoong Jesus, alam kong makasalanan ako at kailangan ko ang Iyong
kapatawaran. Naniniwala akong namatay Ka para sa aking mga kasalanan. Nais ko nang talikuran
ang aking mga kasalanan. Inaanyayahan kita ngayon sa aking puso at buhay. Gusto kong magtiwala
at sumunod sa Iyo bilang aking Panginoon at Tagapagligtas.Sa pangalan ni Jesus. Amen.

HAKBANG 4: BIGYAN NG KATIYAKAN ANG BAGONG MANANAMPALATAYA


TUNGKOL SA KANYANG DESISYON.
Kung tapat na sinabi ng iyong kaibigan ang panalanging iyon, siya ay isa nang Cristiano at ligtas na
mula sa walang hanggang kamatayan! Maaari mong ibahagi sa kanya ang ilang mga talata sa Biblia
(tulad ng Juan 5:12-13) upang magkaroon siya ng katiyakan sa bago niyang katayuan sa harap ng
Diyos:

FOLLOW-UP
Kapag tinulungan mo ang isang tao na sumampalataya kay Cristo, tandaan mo na ang taong ito ay
isang espirituwal na sanggol (1 Pedro 2:2). Upang lumaki ang sanggol, kailangan niya ng
pagkain at pag-aalaga. Ang ibig sabihin ay kailangang mahikayat ang binabahaginan na kaagad
magsimulang pag-aralan ang Biblia at manalangin. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paggamit
nitong online na pag-aaral sa Biblia. Ibahagi mo kung ano ang natutunan mo mula sa Pamumuhay kay
Cristo. Himukin mo rin ang bagong Cristianong ito na maghanap ng isang simbahan na nagtuturo ng
Salita ng Diyos para makasama rin niya ang iba pang sumasampalataya kay Cristo at patuloy siyang
lumago.

Sagutin ang mga katanungan sa susunod na pahina


Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 4: Ang Iyong Tugon

Ang isang testigo sa hukuman ay nagpapatotoo na alam niya ang isang pangyayari. Ang isang
testigo para kay Cristo ay nagpapatotoo tungkol sa nalalaman niya kay Jesu-Cristo at kung ano
ang kahulugan ng personal na pagtitiwala sa Kanya.

1. Ano ang Mabuting Balita na kailangan nating ibahagi sa iba? 1 Corinto 15:1-4

2. Ano ang kapangyarihang taglay ng Mabuting Balita? Roma 1:16

3. Ano ang tatlong bagay na kailangang mayroon ang isang nagpapatotoo?

Mateo 5:16

Gawa 1:8

1 Pedro 1:22-23

4. Balikan ang Aralin 3 tungkol sa pagpapatotoo at ipaliwanag ang paglalarawan ng “Tulay tungo sa
Buhay”

5. Kung ang isang tao ay naniniwalang siya ay makasalanan at kailangan niya ng Tagapagligtas, ano
ang kailangan niyang gawin?

Gawa 3:19

Juan 10:9

Juan 1:12

6. Ano ang maaaring matiyak ng isang taong sumampalataya kay Jesucristo? Juan 3:16
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

PANGHULING KAISIPAN

1. Magsaulo ng dalawang talata nula sa Aralin 4.

Sabihin sa iba ang tungkol kay Cristo: “Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng
Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at
hanggang sa dulo ng daigdig.” - Gawa 1:8

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga
tao.” - Mateo 4:19

2. Magpatuloy sa susunod na pahina para matuto kung paano isasaulo ang mga talata mula sa Biblia.
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Paano isasaulo ang mga talata sa Biblia

Ang dalawang memory verses na kasama sa bawat aralin ay napakahalagang bahagi para matapos
mo ang araling ito ng Pamumuhay kay Cristo. Pagkatapos ng bawat aralin, kabisahin mo ang
dalawang talata para sa araling iyon. Pagkatapos mong isulat o ilimbag ang talata at makabisa,
ilagay mo ito sa lugar na lagi mong makikita para mareview.

Nagdududa ka ba sa iyong kakayahan na makabisa ang mga talatang ito mula sa Biblia? Narito ang ilang
mga tips para matulungan ka:

BIGKASIN NG MALAKAS
Sabihin mo nang malakas ang talata para habang binabasa mo ay naririnig mo rin at iniisip. Napansin mo
ba ang sarili mo kapag nakikinig ka sa isang awit na bago mo lang naririnig? O kapag may sinasabi sa iyo
ang isang tao? Natatandaan ng ating tenga! Gamitin mo ang built-in “memory chip” na ito para mas
mabilis kang makapagkabisa ng mga talata.

GAWIN MONG PARE-PAREHO ANG PAGBIGKAS


Ang apat na memory verse cards ay mayroong paksa tulad ng “Isabuhay ang Salita ng Diyos,” at nakasulat
din kung ano ang kabanata at talata. Ganito ang gawin mong pakakasunod-sunod sa iyong pagbigkas:

1. Ang Paksa
2. Kung saang aklat nanggaling, halimbawa Roma 3:23
3. Ang talata mismo
4. Ulitin kung saang aklat nanggaling

Makakatulong na maging permanente sa iyong kaisipan ang mga talata kapag paulit-ulit na binibigkas mo
sa ganitong pagkakasunod-sunod ang mga ito.

BIGKASIN ITO NANG “PHRASE BY PHRASE”


Kung sa tingin mo ay napakahaba ng talata, kabisahin mo ito nang paisa-isang phrase o parirala.
Pagkakabisa mo sa isang parirala, saka mo idagdag ang susunod hanggang makabisa mo na ang buong
talata. Kahit na magsimula ka lang sa tatlo o apat na salita, sabihin mo kung saang aklat nanggaling bago
at pagkatapos ng isang parirala.

PAULIT-ULIT MO ITONG BIGKASIN


Ang tunay na sikreto ng pagkakabisa ng mga talata ay pagbabalik-aral, pagbabalik-aral . pagbabalik-aral
Bigkasin nang madalas ang talata, habang humihingi ng tulong sa Diyos na tulungan kang maintindihan
itong mabuti at maisabuhay mo ito.
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Pagtatapos sa kurso

Congratulations! Natapos mo na ang araling ito habang nagsisimula ka ng iyong bagong buhay kay Cristo.
Huwag mong kalilimutang manalangin at magbigay ng oras sa pagbabasa ng Biblia araw-araw. At kung
wala ka pang nakikitang simbahan, hinihimok kitang maghanap na.

Huwag mong kalimutan kung bakit kailangan


nating magsimba. Hindi tayo nagsisimba para lang
maaliw o para lang makipag-sosyalan. Nagsisimba
tayo dahil gusto ng Diyos na lumago ang ating mga
espiritu, at para mangyari ito ay kailangan nating
makisalamuha sa iba pang mananampalataya.
Kailangan mo sila at kailangan ka rin nila.
Kailangan mong marinig ang Salita ng Diyos, at
kailangan mo rin ng mga oportunidad na
maglingkod kay Cristo. Kapag hindi tayo
nakisalamuha sa iba pang mananampalataya, nagiging tigang at walang bunga ang ating buhay
espirituwal.

Sinasabi sa Biblia, “Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng
ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng
Panginoon.” (Hebreo 10:25). Ipanalangin mo sa Diyos na dalhin ka sa simbahang inihanda Niya para sa
iyo. Ipanalangin mo rin na tulungan ka Niyang maging angkop ang iglesyag ito sa iyo, at lumago ang
iyong pananampalataya sa pamamagitan nito.

Ang mga talata ay mula sa Magandang Balita Biblia 2005 c Philippine Bible Society. Ginamit na may
pahintulot ng Philippine Bible Society.

You might also like