katotohanan na ang tao ay kaluluwa at katawan, espiritu at
laman. At higit na nakakagulong malaman na ang dalawang ito, bagamat magkaugnay, ay patuloy na nagsasalungatan, ang katawan laban sa kaluluwa, ang espiritu laban sa lamanisang pagtutunggaliang hindi nahihinto kahit saglit man.
Malinaw sa atin na dapat na manalo ang espiritu sa labang ito, kaya
masidhi ang paggawa nating ng mga hakbang upang makamit ang espirirtwal na tagumpay. Gayun man, katulad ng kahit na anong giyera, makakamit lamang ang tagumpay kung mayroon tayong plano. Kaya naman, ang mga dalubhasa sa buhay-Kristiyano ay nakagawa ng kani- kanilang mga balangakas ng buhay espiritwal, na mas kilala natin na espiritwalidadang pagsasabuhay ng pagka-Kristiyano sa isang natatanging paraan.
Isa sa magagandang balangkas-pangkaluluwa ay ang liturhikal na
espirirtwalidad na nakasandig at nababatay sa pagsasabuhay ng mga misteryo ni Kristo na inilalahad sa pagdiriwang ng Simbahan. Paano nagaganap ang espiritwalidad na ito? Ang pinakaubod nito ay ang pagdama sa presensya ng Diyos na nananatili kahit na pagkatapos ng banal na pagdiriwang, sa pag-unawa sa mga sagisag at tanda sa liturhiya, at sa pagsasabuhay ng mga ito.
Kasali sa espiritwalidad na ito ang pagpapabanal ng oras sa
pamamagitan ng patuloy na pagninilay sa napakinggang salita ng Diyos mula sa Banal na Misa sa buong araw. Mahalaga rin ang ginagampanan ng malimit na pakikisalo sa mga pagdiriwang ng Simbahanang Misa, ang panalangin ng Kristiyano sa maghapon, ang pagsamba sa Sakramento, at iba pa. Kaakibat ng pagpapabanal ng oras ay ang taong liturhiko. Sa pamamagitan ng paulit-ulit nating pagdiriwang ng mga kapistahan, nawawatasan natin na ang buhay ay hindi isang tuwid na linya kundi isang paikot na hagdang tumataas habang nakakarami ng ikot. Habang ating binabalikan ang mga okasyong naipagdiwang na, lumalalim ang ating pagkakaunawa kay Kristong ating ipinagdiriwang. At sa ating pagpapabalik-balik, nagkakaroon ng higit na lalim ang buhay.
Bahagi rin ng liturhikal na espiritwalidad ang pag-unawa sa mga tanda
at sagisaf ng liturhiya, o ang tinatawag na mistagohiya. Sa pamamagitan nito, inuunawa natin ang pinagmulan at kaligiran, ang kahulugan at kahalagahan ng isang bahagi ng pagdiriwang. Mahalaga ito sapgkat natututuhan natin kung paano ilalapat ang liturhiya sa ating buhay. Halimbawa, ang ritwal ng pagsasawak ng tubig sa alak sa bahagi ng paghahanda ng mga alay. Ang gawaing ito ay nagmula pa sa pinakaunang mga Kristiyano. Noon, ang mga Kristiyano ay mahihirap lamang, kaya ang alak lamang na kanilang mabibili ay ang pinakamurang alak na maasim. Upang mainom ang ganitong alak, kailangang haluan ito ng tubig. Ang ritwal na ito na ginagawa pa rin ngayon ay nagpapaalala ng pagiging mahirap ng Simbahansiya na mahirap ay marapat dumamay sa mahihirap, at, upang makatulong sa nangangailangan, kailangang limutin ang para sa sariling kasarapan.
Hindi mahirap isabuhay ang liturhiya. Kailangan lamang na
maunawaan itong lubos. Ito ang pinakabuod ng espiritwalidad na ito: maunawaan ang puso ni Kristo.