ng mga kaluluwa. Taglay ng ating Unang Patriarka, San Juan Florentino ang MARKA na ito. Tinanggap ng BABAE SA BALON ang TUBIG na NAGBIBIGAY BUHAY dahil sa pagibig ni Kristo para sa mga kaluluwa. Gayundin, ang San Juan Florentino ay nagtagumpay na maihatid sa laksa laksang kaluluwa ang TUBIG NG KAPAHINGAHAN AT KALIGAYAHAN NA dulot ng Diyos Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong. AT SAKSI ang buong Simbahang, Apostolic Catholic Church, sa kanyang SIGASIG NA PANGUNAHAN ang mga KAPARIAN AT LAHAT NG TINATAKAN upang tayo din ay magtagumpay sa ating MISYON na maging tunay na SALBABIDA mga nalulunod sa baha ng kasalanan at kawalang pagasa. Tunay nga, at dapat ipahayag, mula ngayon at ng mga susunod pang HENERASYON ng mga alagad ng pagibig ng Diyos, ang Patriarka San Juan Florentino ay gumanap bilang isang Huwarang Alagad ni Kristo.