You are on page 1of 2

Tekstong Prosidyual:

Mga Dapat Gawin Kung Malapit na ang Examination


Hirap ka bang pumasa sa inyong mga exams? O di kaya’y nahihirapan ka kung ano ang dapat gawin
para makapasa? Sabi nga nila, hindi lang dapat study hard kundi study smart!

Ito ang ilan sa mga hakbang or tips na maari mo gawin para makapasa ka (o maging highest pa) sa
iyong exams.

Tip #1: Huwag mabahala, sa sarili ay magtiwala. Hindi mo kailangang magmadali, marami pang oras na
natitira para mag-review. Kung pipilitin mo ang sarili mong mag-aral, baka sumakit lang ang ulo mo at lalo
kang hindi makapag-review. Tiwala lang, papasa ka sigurado. Ikaw pa!

Tip #2: Tignan muna ang paligid ng bahay kung may mga gawain na dapat kang gawin. Mahirap mag-
focus sa pag-aaral kapag merong mga gawaing-bahay na nakaabang. Tapusin mo muna dapat ang lahat ng
mga ito. Maghugas ka ng plato, magwalis-walis, maglaba kung marami nang labada. Siguradong matutuwa
sa’yo si Nanay. Magsaing ka na rin, para matuwa talaga siya.

Tip #3: I-relax ang isip. Mas masarap mag-aral kung nasa kondisyon ang utak.

Tip #4: Iwasan ang social media. Magpokus ka muna sa pagrereview. Iwasan muna ang pakikipagchat at
panonood ng videos. Maari kang gumamit ng internet or social media kung may importanteng ireresearch.

Tip #5: Iwasan magprocrastinate. Iwasan ang salitang matagal pa naman ang exam kaya hindi ka na
nakapagreview.

Tip #6: Iwasang mangopya ng techniques na ginagamit ng kaibigan mo. Gumamit ka ng sarili mong
strategy sa pagrereview dahil ang technique or strategy nla ay maaring hindi angkop sayo. Maari mong
maging basehan ang technique nila ngunit mas Maganda kung ikaw ang gagawa ng sarili mong strategy or
methods sa pag-aaral o pagrereview kung saan ikaw ay komportable.

Tip #7: Balikan ang mga quiz na nagdaan. Minsan ayos lang balikan ang nakaraan kasi meron kang
natututunan (char!) Maaring kumuha ang mga guro mo ng mga test questions sa mga quizzes na naibigay
nila.

Tip #8: Gutom ka? Kailangan mong kumain. Mababawasan ang effectivity ng utak kung gutom. Kumain ka
muna bago magreview. Hindi mo pwedeng pabayaan ang kalusugan mo lalo na at wala naming nag-aalaga
sau (char ulit!)

Tip #9: Huwag masyadong magpuyat 2 nights before or night before the exam. Mahalaga ang tulog para
maalala mo ang mga lessons or topic na nireview mo. Wala ka rin naming kachat kaya walang dahilan para
mapuyat ka kaya dapat matulog ka na ng maaga lalo na at exam nyo na study first ika nga.

Tip #10: Ilabas at ihanda na nang maayos ang lahat ng mga dapat aralin — mga notes, libro, mga xerox na
dapat basahin. Mas maganda na nakahanda na lahat ng gagamitin mo sa pagrereview para wala kang
makalimutan na lessons na hindi mareview.

Tandaan, no aral, no learning. No review, no answer. No answer, no grade. Kapag sinunod mo ang
mga hakbang o mga tips na ito malaki ang chances mo na ikaw ay makapasa sa iyong exam.
Pagsusuri sa tekstong prosidyural:
1. Ano ang paksa ng teksto? Bakit ito mahalaga?

2. Ano ang katanungan ang sinasagot ng teksto?

3. Ano ang ipinapahayag ng huling talata?

4. Epektibong naipaliwanang ba ng teksto ang paksa? Ipaliwanag.

5. Anong mga katangian ng tejstong prosidyural ang makikita sa teksto?

You might also like