You are on page 1of 5

MOST VITAL THINGS YOU SHOULD KNOW

• BEFORE REVIEW
• DURING REVIEW
• BEFORE ACTUCAL BOARD
• DURING ACTUAL BOARD
• USEFUL PIECE OF ADVICE by Engr. CA

“THERE ARE NO FAILURES, ONLY THOSE WHO QUIT”

1. Dapat kang mag advance study bago sumabak sa review, dahil ang bawat review center ay
nagbibigay ng Diagnostic Exam 1 to 100 for each area under PIPE, MESL, MD. Dito
tinetest kung hanggang saan ang nalalaman mo. Much better na mababa ang makuha ng
karamihan dito para maka cope up ang mga average reviewees. Dito kasi magbebase at
mag-adjust si RC para tutukan kung saang area ang may pinakamaliit na percentile.

2. After Diagnostic Exam, magsisimula na ang review niyo from basic Algebra hanggang sa
pahirap na topics. Kailangan gamay mo si algebra para madali na lang ang susunod pang
mga topics. Bibigyan kayo ng 1-100 na isosolve kada topic after maexplain at maidiscuss
ni Instructor ang certain topic. Solve as many as you can and huwag kayong magtagal ng
5 mins sa isang question at kung hindi niyo na masagutan, huwag niyo na pahirapan utak
niyo icheck niyo na agad sa file natin para makasave pa kayo ng oras.

3. Mabilis ang phasing ng Review kada isang araw isang topic kaya need mo magdouble time
sa pagsosolve para mas mahasa ka at maintindihan mo ang bawat concept.

4. Mahirap magsaulo ng FORMULAE lalo na sa mga may short-term memory. I highly


suggest na isulat mo nang paulit-ulit sa bond paper ang mga formulas para maretain parin
sa memory mo kahit na mag iiba-iba na ng topic.

5. Huwag kang magrely sa knowledge na alam mo lang, kase meron at merong kang hindi
alam na alam ng mga kasamahan mo, so pwede ka magtanong sa kanila kung pano ang
akmang solusyon sa mga tanong na nahihirapan ka. Tulungan sa review hindi paangatan,
kailangan masipag din ang mga kasama mo para madala ang momentum mo sa
pagrereview.
6. Pagdating ng review hindi na uso ang mag exhibition (manual solution) and need mo nang
mas mabilis na paraan para masolve ang isang problem, napakahalaga na dapat alam mo
ang bawat properties and laws para kahit makalimutan mo ang calcu tech ay may bala ka
parin kase may mga problem talaga na mas madali imanual kesa mag calcu tech.

-I recommend calculator techniques by Engr. Reynilan L. Dimal Volume 1 and 2. You can
buy it on shoppee.

7. Every week may Evaluation Exam. Dito matetest ang knowledge mo kung naiintindihan
mo ba ang mga recent topics, at kung pasok ang score mo sa median ay it means pasado
ka. Note: Huwag kang mangopya o magtanong sa katabi mo during weekly exam dahil
sarili mo lang din ang niloloko mo at hindi ka matututo. Huwag kang mawalan ng pag-asa
kung bibihira makapasok ang score mo sa median for these are part of a process and it will
develop gradually. Just remember the story of Chinese Bamboo tree, develops its strong
roots to survive in the near future, you must also keep your momentum and build a solid
foundation to achieve success. You must have the (PATIENCE, PERSISTENCE, FAITH,
GROWTH and that every reviewee has a POTENTIAL to pass the ME BOARD.

8. Gawin mong pampatulog si terms atleast 1.5 hours na pagbabasa nang paulit-ulit. Hindi
mo kailangang isaulo lahat kase once na inuulit mo ang isang tanong kusa mong
matatandaan ang tamang sagot.

9. Mostly sa Review inuuna si Math then PIPE and last si Machine Design. After ng Review
niyo sa lahat ng area, magkakaroon kayo ng PREBOARD EXAM. Ang ginagawa ng RC
dito ay sinasadyang mahirap talaga ang preboard kumpara sa ACTUAL BOARD para mas
lalo ka pang sipagin at maevaluate mo ang sarili mo kung saan pa ang mga topic na medyo
alanganin ka. Para pagdating ng actual hindi kana masyadong mahirapan sa pagsagot.

10. After ng PREBOARD magkakaroon kayo ng MASTERY EXAM dito mo maevaluate sarili
mo kung master mo na ba ang bawat topics kahit nakamixed knorr cubes na ang ieexam
mo. (Shuffled na Topic).

11. Next is dito na papasok si Refresher kung saan magsasagot sagot na lang ang gagawin niyo
after masagutan ng mga Instructor niyo sa Review ang 1-50 or 1-60 den ifaflash ang answer
key. Ang gawin mo after is sagutan mo ulit yung nasa Refresher niyo at imaster mo ang
process the way kung pano nasolved ang isang problem. Oopps! Wag kana mag looksfam
dahil isa sa toxic traits yan kase sa dami ba naman ng problem na maencounter mo baka sa
mental hospital na ang bagsak mo kakasaulo ng question at rekta na sagot. Looksfam the
process not the answer dahil possible na baguhin ang given.
12. Give your 85% best sa review and preparation mo sa board exam at yung natitirang 15%
ay para sa sarili mo kasi masakit mag expect. Ito ay para sa pahinga mo at peace of mind
dahil nakakaiyak at nakakapagod ang pagrereview. Huwag na huwag mong kakalimutan
na mas importante pa rin ang mental and physical health mo.

13. Huwag mo hayaang baka kaluluwa na lang ang mag-exam para sayo. Maglaan ka din ng
oras sa pahinga kase napakaimportante niyan para maregain yung momentum mo to set
your mind in terms of positivity.

14. Iwasan ang maniana habit, number 1 na kalaban ng reviewee is yung katamaran. Kahit
Wizard ka pa kung tamad ka and di ka resourceful possible parin na babagsak ka during
actual exam.

15. Dalawa ang uri ng reviewee “WIZARD & LIZARD”. Nahahati ito sa apat, (1) una is yung
matalino na masipag pa: Sila yung talagang Sure Pass Sa Board Exam dahil ginagawa nila
ang part nila kase gusto nila magtop.(2) Pangalawa is yung matalino pero tamad, one of
the common mistake ng mga gantong klaseng reviewee ay akala nila alam na ang lahat ng
maaring lumabas sa actual board kaya papetiks petiks na sila, eh papano naman kung may
hindi ka nadaanan na lumabas, baka yun pa ang maging reason ng pagbagsak mo. (3)
Pangatlo, hindi matalino pero masipag: Ito yung mga tipo ng reviewee na resourceful at
gusto talaga pumasa at kapag may hindi siya alam ay nagtatanong siya sa mas nakakaalam..
lowkey kumbaga. If you can’t learn it by yourself, learn it from them. (4) Pang-apat, tamad
na nga hindi pa masipag: Ito yung klase ng reviewee na makasarili at hindi iniisip ang
sakripsiyo ng magulang para lang makareview siya at makapasa sa board exam. Huwag
kayong tumulad sa pang-apat Engineers, dapat laging mas malalim pa ang motivation niyo
dahil ilang buwan lang naman ang gugugulin niyo eh and you will rest your life as an
Engineer.

16. You will doubt yourself a lot of time, madaming what if’s ang papasok sa utak niyo.. like
baka hindi ako papasa tapos dagdag mo pa mga marites niyong kapitbahay diba. Kaya
dapat always aim top, yung tipong kahit mali na ang sagot mo sa board ay mataas parin
ang self-confidence mo. Isipin mo na dalawa lang pupuntahan niyan either magtop ka or
pumasa. Eliminate mo na si what if’s kase walang nagagawa ang negativity.

17. Normal lang mafeel niyo na parang kulang pa ang mga inaral niyo habang palapit na ng
palapit ang actual board exam until you feel like it will drain the hell out of you. Yung
tipong tulog mo na lang ay 2 hours, 3 hours, 4 hours. One thing na makakagaan sa
pakiramdam niyo both mental and physical ay ang Prayers, dahil napakapowerful po ng
Prayer mga Engineers.

18. Pwede mo din gawin sa actual board exam to dahil magfifill out pa naman kayo bago
magsimula, puwede mong igoodluck ang nasa likod o harap mo na examinee. Bro
Goodluck!! Pag di nag-goodluck back sakalin mo! Jk. Igogoodluck ka din niyan for sure
dahil same lang kayo ng nararamdaman (mixed pressure and excitement). Makatutulong
ito para mabawasan ang kaba mo.
19. Huwag kayong magmadali sa board exam at kung puwede iconsume niyo ang alotted time
at icheck niyo nang maigi ang mga answer sheet niyo and be sure na lahat ay shaded. Isa
sa advantage niyo ngayon ay mas pinaganda na ang schedule ng exam from 3 mins each
item to 3 mins and 36 seconds. Hindi naman lahat ng tanong is magtatagal ka kase yung
terms puwede mo naman sagutin ng 10-15 sec lang. From 2 days reverted to 3 days which
I can say na mas maluwag yung time and after ng exam each area ay puwede ka pa mag
scan. Hence, mas malaki na talaga chance mo na pumasa but always anticipate the worst
parin dahil posibleng may pagbabago sa exam.

20. Huwag magpigil ng ihi during board exam dahil mahaba naman ang oras, sabihin niyo lang
sa Proctor at sasamahan naman kayo sa CR to make sure na iihi lang talaga gagawin niyo
at hindi magkokodigo.

21. Pag may nakita kang tanong na di mo agad makuha ang angkop na formula o solution isulat
mo muna mga given para mavisualize mo kung ano ang gagamitin mong formula. Lagi
mong uunahin mga direct sub na tanong boar. Huwag na huwag mo kakalimutan ang secret
ng mga wizard ang (unit analysis) na kahit di mo alam ang formula o nakalimutan mo ay
masasagutan mo parin yung taanong. Dapat alam na alam mo at pamilyar ka sa mga unit
ng volume, power, mass, pressure, and etc.

22. Huwag mong kakalimutan na puwede mong gamitin si CONSTANT sa pagcoconvert


kapag nakalimutan mo ang specific value ng unit.

23. Sa PIPE master mo dapat ang thermodynamics dahil ito ang foundation ng mga
sumusunod na topics. Sa Math ay general which means puwedeng lumabas ang problem
sa pipe dito at machine design. Marami ding unfamiliar symbols dito kaya dapat pamilyar
kayo, you can check that symbols sa ating file named (Math Allien Symbols). And sa
machine design ay usually binibigay ang keyword dito like di kana malilito dahil bawat
tanong ay sinasabi na for instace mababasa mo flywheel so rekta na agad sa formulae ng
flywheel.

24. Lastly, Taking Board Exam are prone to depression consider the reality that lies behind it
is “You don’t just take the exam to earn the title added before your names, but to fulfil the
expectations of your respective families, love ones, neighbours, friends, enemies,
professor, alma mater or maybe the whole world”. Be always ready and acceptance is the
the key, that’s why you should give at least 85% dahil ang 15% ay para sa pahinga. If ever
na hindi ka pumasa ibing sabihin ba non hindi ka magaling? Hinde… dahil nagkataon lang
na yung mga ibang lumabas ay hindi mo nadaanan o nagkulang ka lang ng kaunting puntos.
Lahat ng nagrereview at nagpeprepare sa board exam ay nag-eeffort kaya heads up
Engineers your worth will never be defined by a test.

-Engr. CA-
“Never give up on your DREAMS for you will
never know what the
Almighty God can bless you with.

Commit to the LORD whatever you do,


And your plans will succeed.

-Proverbs 16:3-

Dream Big, Pray Big, Believe Big

-Ephesians 3:20-

Whenever I am afraid,
I will trust in you.

-Psalm 56:3-

When the time is right,


I the LORD will make it happen.

-Isaiah 60:22-

You might also like