You are on page 1of 1

PAALALA/REMINDERS

PAGKUHA NG MGA SLMs/LAS (Para sa mga Magulang)

1. Magulang ang dapat kumuha ng mga modules


2. Ang mga magulang ay dapat nakasuot ng facemask
3. Magdala ng sariling ballpen na gagamitin sa pagpirma kapag nakuha na ang mga modules
4. Sundin ang Health Protocols, panatihin ang social distancing
5. Kapag nakuha na ang mga modules mangyaring umuwi agad, iwasan ang pakikipag-usap sa mga
taong naroon

PAGSAGOT SA MGA GAWAIN SA LAS (Para sa mga Mag-aaral)

1. Huwag sagutan ang mga SLMs/LAS. Gamitin ang naibigay na answer sheets per subject sa
pagsagot sa mga gawain.
2. Tiyaking nasagutan nang maayos at kompleto ang mga gawain sa SLMs/LAS, huwag ding
kaligtaang sagutin ang summative test.
3. Kung may mga hindi naunawaan mangyaring makipag-ugnayan sa guro sa nasabing asignatura.
4. Huwag magmadali sa pagsagot sapagkat may nakalaang araw bago ang pagbabalik sa mga
awtputs.
5. Bago isumite ang mga awtputs lagyan ng label tulad ng section, subject, kung anong quarter at
week at siyempre buong pangalan. Maaari ring maglagay ng color coding sa bawat asignatura kung
nanaisin.
6. Lagyan ng pangalan ang bawat pahina ng answer sheet at summative test para hindi maawala ang
papel.

PAGSUMITE NG MGA AWTPUTS (Para sa mga Magulang)

1. Magulang ang dapat magsumite ng mga awtputs


2. Ang mga magulang ay dapat nakasuot ng facemask.
3. Magdala ng sariling ballpen na gagamitin sa pagpirma kapag naisumite na ang mga awtputs
4. Sundin ang Health Protocols, panatihin ang social distancing
5. Kapag nakuha na ang mga modules mangyaring umuwi agad, iwasan ang pakikipag-usap sa mga
taong naroon.

GROUP CHAT

1. Ang GC ay binuo hindi para sa kalokohan. Ito ay ginawa para mas matuto kayo sa inyong guro.
2. Matutong rumespeto sa inyong guro. Ang paggamit ng “po” at “opo” ay kinasisiyahan nila.
3. Walang ibang usapan sa GC kundi gawaing pampaaralan lamang. Yung lang at wala ng iba pa.
4. I-clear ang iyong nickname sa GC. Gamitin mo ang tunay mong pangalan dahil hindi ka Korean at
lalong hindi ka Anime.
5. Gumamit ng maayos, malinaw, at tunay mong profile para mabilis kang mahanap at makilala ng
guro.
6. Huwag mong ilagay sa IGNORE GROUP nag GC para lagi kang updated. Tapos kapag nahuhuli
kana saka ka magtatanong sa teacher mo.
7. Hanggang maaari ay iwasang magtanong sa guro ng DIS-ORAS ng gabi o medaling araw na.
Teacher siya, hindi aswang.
8. Bigyan niyo ng pagkakataon ang guro niyo na magkapagpahinga kapag wala na sa oras ng klase
lalo na kapag weekend. Depednde na lamang sa tawag ng gawaing pampaaralan. Alam ni teacher
kung paano mag- adjust. Sanay na siya dun.
9. Ang susi sa iyong tagumpay ngayong taon na ito ay nasa kamay mo rin. Si teacher mo ay nasa
likod mo lang para gabayan ka.

You might also like