You are on page 1of 1

Panuto: Basahin ang halimbawang teksto.

Mula sa binasa
sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Isulat sa 1 buong
papel ang kasagutan.

PINGGANG PINOY
Ayon sa resulta ng National Nutrition Survey (NNS) noong 1993-2014, kahit
pa bumaba ang bilang ng matatandang edad 20 taong gulang pataas na mayroong
Chronic Energy Defecient (CED), hindi pa rin ito nababawasan. Ang taong
may CED ay yaong mayroong mababang nakaimbak na enerhiya dahil sa kawalan ng
wastong nutrisyon. Noong 2013, ipinakikita ng resulta sa sarbey na isinasagawa na
bawat isa sa 10 Pilipino ay mayroong CED. Tinatayang mas may kakulangan sa
enerhiya ang ang kababaihan kaysa sa kalalakihan. Samantala, ang paglala
ng kaso ng obesity sa matatandang Filipino noong 2013 na tatlo sa bawat sampung
katao ay maikokonsiderang obese. Tinitingnan bilang panganib sa kalusugan ang
abnormal na pagdagdag ng taba, pangunahing dahilan sa maling uri ng pagkain na
siyang nagdudulot ng obesity.
Ayon sa espesyalita sa agham pananaliksik na si Ma. Jovina Sandoval, ito
ang nais itama ng bagong gabay sa pagkain. Inirerekomenda ng Food Nutrition
Research Institute (FNRI) na ang bawat kakainin natin ay binubuo ng 33% kanin, 33%
gulay, 17% karne, at 17% prutas.
Layunin ng Pinggang Pinoy na umangkop sa Daily Nutritional Guide (DNG)
Pyramid.
http://. rappler.com/move-ph/issues/hunger/62419-pinggang-pinoy-filipino-food-guide

1. Ano ang layunin ng teksto?


______________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga nabanggit na source/pinagkunan ng mahalagang
impormasyon upang mabuo ang teksto?
_____________________________________________________________

3. Makatotohanan ba ang mga impormasyong ibinigay? Paano mo nasabi?


______________________________________________________________

4. Angkop ba naging pamagat ng teksto? Paano mo ito nasabi? Pangatwiranan.


______________________________________________________________

5. Aling pahayag ang nagbigay saiyo ng ideya upang matukoy ang pangunahing
kaisipan ng teksto?
______________________________________________________________

You might also like