You are on page 1of 4

FAR EASTERN UNIVERSITY HIGH SCHOOL

NICANOR REYES STREET, SAMPALOC, MANILA

HY-NEED KIT: PAMAMAHAGI NG HYGIENE KIT SA BAWAT SILID NG


FEU SENIOR HIGH SCHOOL

I. PROPONENT NG PROYEKTO

Bb. Regie Mae Navajas - Tagapangulo


Bb. Sophia Franchesca Sotto - Kalihim
Bb. Bea Aricheta - Kasapi
Bb. Eunice Andre Camaya - Kasapi
Bb. Gilaine Narag - Kasapi
Bb. Jennisse Louise Espiritu - Kasapi
Bb. Jessica Ann Velasco - Kasapi
Bb. Jewel Asas - Kasapi

II. DESKRIPSYON NG PROYEKTO

Ang proyektong Hy-Need Kit ay isang paraan na kung paano mapanatili ang
kalinisan at makaiwas ng sakit sa kalusugan ng mga mag-aaral sa loob ng eskwelahan dahil
napapanahon ngayon ang uso ng sakit. Sa paraang na ito ang kit sa bawat seksyon ay
magiging proteksyon ng mga mag-aaral laban sa sakit na maaari nilang makuha. Isasagawa
ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pondo na kokolektahin sa bawat mag-aaral ng
bawat seksyon upang makabili ng mga kinakailangan sa hygiene kit na naglalaman ng
tissue, liquid soap, sanitizer at ilalagay sa isang lagyanan at itatago ng isang kinatawan ng
seksyon. Ang kokolektahin ay nagkakahalaga ng 10 piso kada mag-aaral.

III. LAYUNIN NG PROYEKTO

Ang proyektong ito na nagngangalang "Hy-Need Kit" ay naglalayong manapanatili


ang kalinisan ng bawat isa. Layunin din nitong makaiwas ang bawat mag-aaral sa sakit at
mapanatili silang malusog. Naglalayon din itong bawasan ang gastusin ng mga estudyante
sapagkat ang kalinisan at proteksyon sa sakit ay hindi kinakailangan ng malaking halaga.
Mas mainam na gumastos para sa kalinisan kaysa ilaan ang pera sa paggamot sa ating mga
sakit.
IV. RASYONALE NG PROYEKTO

Isa sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral hindi lamang sa Pamantasan


ng Dulong Silangan kundi maging ng iba pang mga paaralan ay ang hindi maiiwasang sakit
na dulot ng pabago-bagong panahon at mga mikrobyong dala ng ibat ibang gawi.
Ang kalinisang pansarili ay ang mga kaugaliang pangkalinisan na nagpapanatli ng
malusog na katawan. Ito ay isang paraan upang maiwasan ang ibat ibang mga sakit o
sakuna na maaring makuha ng isang indibidwal mula sa kanyang kapaligirang
ginagalawan. Ang kakulangan sa kalinisang pansarili ay isang paraan upang bigyang daan
ang mga mikrobyo na lumaki at dumami sa katawan ng isang tao. Mula sa tala ng
Kagawaran ng Kalusugan, ilan sa mga negatibong dulot ng mikrobyo at virus na maaaring
makuha ng isang indibidwal mula sa hindi sapat na kalinisang pansarili ay ring worms,
boils, scabies infections, skin infections, colds and flu, gastroenteritis at hepatitis A. Ayon
rin sa Kagawaran ng Kalusugan, maaaring lamang itong maiwasan kung mapananatili ang
disiplina sa sarili– ang maayos na kaugaliang pangkalinisan.

V. KLASIPIKASYON

Ang aming panukalang proyekto na pinangalanang “Hy-Need Kit” ay maihahanay


namin sa dalawang klasipikasyon; pangkalusugan, at pang-edukasyon. Pangkalusugan ang
isa sa klasipikasyon ng proyektong ito dahil ang mga nakapaloob sa loob ng ‘kit’ na ito,
kahit papaano ay nakapagbibigay ng proteksyon sa katawan sa simpleng pamamaraan ng
paghuhugas ng kamay nang may sabon, pagsisipilyo, paggamit ng alcohol atbp. Ang
proyektong ito ay masasabi ring pang-edukasyon sapagkat ang mga magbebenepisyo rito
ay ang mga mag-aaral ng Far Eastern University High School. Sa pagpapatupad ng
proyektong ito, masasabing ang mga estudyante ay bihira na lamang kung dapuan ng sakit
dahil sila ay protektado kaya naman mas magkakaroon sila ng sigla sa pakikisama sa
diskusyon sa paaralan.

VI. MGA KAPAKI-PAKINABANG DULOT

Ang mga makikinabang at mabibigyang benipisyo ng panakulang proyekto na


hygiene kit na ibibigay sa bawat seksyon ay ang mga mag-aaral na nag mumula sa Senior
High School ng Far Eastern University sa lungsod ng Maynila. Ito’y makakatulong upang
mapanatili ng mga estudyante ang kanilang kalinisan at upang sila rin ay makaiwas sa mga
nakakahawang sakit tulad ng ubo, sipon at marami pang iba. Ang proyektong ito ay
magbibigay kaalaman sa mga mag-aaral na ang hygiene kit ay mahalaga at importante
marahil ito’y nakabubuti sa kanilang kalusugan.
VII. KABUUANG PONDONG KINAKAILANGAN

PRESYO NG KABUUANG
MGA KAGAMITAN BILANG
BAWAT ISA PRESYO
Tissue 80 32 2,560
Alcohol 80 65.75 5,260
Hand Sanitizer 80 36 2,880
Liquid soap 80 80 6,400
Dental Floss 80 114 9,120
Toothpaste 80 83 6,640

KABUUANG PONDO 32,860

VIII. KALENDARYO NG GAWAIN


Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbangin upang masimulan
ang pamamahagi ng hygiene kit sa bawat silid-aralan ng Far Eastern University High
School na ilalahad sa baba.

Petsa Mga gawain


Nobyembre 4-5, 2019 Pag aaproba ng punong guro

Nobyembre 7-9, 2019 Pangongolekta ng pondo na manggagaling sa mga


estudyante ng Far Eastern University - High School.

Nobyembre 11, 2019 Pagbili ng mga kagamitan para sa hy-need kit.

Nobyembre 13, 2019 Pagpapakete ng mga nilalaman ng hy-need kit.

Nobyembre 18-19, 2019 Pagbigay ng hy-need kit sa bawat silid-aralan ng


FEU Senior High School.

Bawat pagsapit ng unang linggo ng buwan, papalitan ang mga gamit ng hy-need kit
kung sa kaling ito ay ubos na.
Lagda:

Bb. Regie Mae Navajas Bb. Gilaine Narag

Bb. Sophia Franchesca Sotto Bb. Jennisse Louise Espiritu

Bb. Bea Aricheta Bb. Jessica Ann Velasco

Bb. Eunice Andre Camaya


Bb. Jewel Asas

Inihanda ni:

Bb. Sophia Franchesca Sotto


Kalihim

Binigyang pansin ni:

Bb. Regie Navajas


Tagapangulo
Inaprubahan ni:

Gng. Jeremy David Richa


Guro

You might also like