You are on page 1of 3

PANUKALANG PROYEKTO

Pagpapatayo ng Ecology Park sa Ika-Anim na Palapag ng Gusali ng Do𝐧


̃a
Helen ng Mystical Rose School of Caloocan Inc.

I. Proponent ng Proyekto

 Villones, Lloyd T.
 Mier, Ivan C.
 Gandola, Glajaje C.
 Ogania, Christopher James V.
 Vicente, John Mark T.
 Sangacena, John Naroh M.
 Isaias, Judiel A.
 Ayag, Jhon Raphael B.
 Abad, Trisha A.
 Francisco, Maile Lei M.
 Deboblas, Justine A.

II. Pamagat ng Proyekto

Pagpapatayo ng Ecology Park sa Ika-Anim na Palapag ng Gusali ng Doña Helen ng


Mystical Rose School of Caloocan, Inc.

III. Pondong Kailangan (Presyo)

₱150,000.00

IV. Rasyonal

Sa panahon ngayon karamihan sa mga nagtatrabaho o mag-aaral ay pagod o


stress dahil sa mga gawain sa paaralan at ang mga bata ay nakapokus sa teknolohiya
at nababawasan ang kanilang interaksiyon sa isa’t isa at ang madalas na makikita ay
mga estruktura, basura, mga nalalanghap na maruming usok ng mga sasakyan at
kakaunti na lang ang puno o halaman na makikita sa paligid. Ang proyektong ito ay
isasagawa upang ang mga pupunta dito ay mabawasan ang pagod o stress, kasama pa
nito ay upang magkaroon ng oras o panahon ang mga pupunta dito na
makipaginteraksiyon sa isa’t isa at mabawasan ang paggamit ng teknolohiya at dahil sa
mga halamang nakatanim dito nakakapagdulot ito ng sariwang hangin na mas mabuti
sa katawan kaysa sa nalalanghap sa kalsada o kapaligiran at mararamdaman dito ang
esensiya ng kalikasan.

V. Deskripsiyon at Layunin ng Proyekto

A. Deskripsiyon

Ang ipapatayong ecology park sa atipan(rooftop) ng gusali ng Doña Helen ay


magkakaroon ng tatlong cottage, dalawang bench na nakapalibot sa fountain na
kinapapalooban ng isda, ang sahig naman ay lalagyan ng lupa at mga damo at ang
natititrang mga espasyo ay lalagyan ng lupa na may nakatanim na halaman. Maaaring
itong puntahan ng mga nagtatrabaho o nag-aaral sa Mystical Rose School of Caloocan
Inc. tuwing may libreng oras.

B. Layunin

Ang layunin ng proyektong ito ay makabawas sa pagod o stress na


nararamdaman ng mga nag-tatrabaho o nag-aaral sa Mystical Rose School of Caloocan
Inc.

VI. Kapakinabangang Dulot

Sa pamamagitan ng pagpapatayo ng proyektong ito, ang mga nabawas na


pagod o stress sa mga nagtatrabo o mag-aaral sa Mystical Rose School of Caloocan Inc.
ay magkakaroon ng mas magandang performance sa pagtuturo, pag-aaral o
pagtatrabaho.

Dahil sa ang ecology park ay gumagamit lamang ng natural na hangin mula sa


halaman o paligid nito, mas makakabuti ito sa kalusugan ng mga pupunta dito.

VII. Talatakdaan ng mga Gawain at Estratehiya

Marso 4 – 8 Pagsasagawa ng plano ng ecology park sa


atipan(rooftop) ng gusali Doña Helen ng
Mystical Rose School of Caloocan Inc.
Marso 9 Pagpaplano ng mga maaaring gastusin na
materyales sa pagsasagawa ng proyekto.
Marso 11 – 16 Pangangalap ng pondo na gagastusin para
sa proyekto.
Marso 18 -20 Pagbili ng materyales para sa proyekto.
Marso 21 – 23 Paghahanap ng mga tauhan na
magsasagawa ng proyekto.
Marso 25 – Mayo 15 Pagtatayo o pagsasagawa ng proyekto.
Marso 20 Ang pagbubukas ng ecology park sa
atipan(rooftop) ng gusali ng Doña Helen
ng Mystical Rose School of Caloocan Inc.

VIII. Gastusin ng Proyekto

Bilang ng aytem Pagsasalarawan ng Presyo ng bawat Presyong


aytem aytem (php) pangkalahatan
6 na piraso 1 sako ng semento ₱400.00 ₱2,400.00
17 na piraso 1 sako ng graba ₱700.00 ₱11,900.00
1 piraso Fountain ₱10,000.00 ₱10,000.00
3 piraso 3 tumpok ng ₱5,000.00 ₱15,000.00
bubong ng kubo
440 na piraso 440kg ng lupa ₱25.00 ₱11,000.00
300 na piraso 1 bag na buto ng ₱67.00 ₱67.00
damo
3 piraso Koi (isda) ₱2,000.00 ₱6,000.00
8 piraso 18cm bonsai ₱1,809.00 ₱1,809.00
12 na piraso ¼m x 6m na tubo ₱255.00 ₱3,060.00
30 piraso herbal na at ₱600.00 ₱18,000.00
pangdekorasyon na
halaman
Kabuuang Gastusin: ₱79,236

Note:isama sa gastusin ang mga manggagawa

IX. Kongklusyon

Dahil sa pinagsama-samang stress, pagod, masangsang na amoy sa paligid at


kakulangan sa interaksiyon sa isa’t isa na nararanasan ng mga nagtatrabaho at nag-
aaral, naisipang buuin ang plano sa pagpapagawa ng ecology park. Ang layunin ng
proyektong ito masolusyonan ang mga nabanggit na problema. Ang pagpaplano,
pagsasagawa, pagtapos at pagbubukas ng proyekto ay inabot mula Marso 4 hanggang
May 20. Base sa pondong kakailanganin na ₱150,000, ₱79,236 lamang ang nagastos sa
materyales at ₱60,000 para sa mga trabahador na ibig sabihin ay mas nakatipid ito
kaysa sa inaasahan. Masarap sa aming pakiramdam na nalaman naming na nakatulong
kami sa pagpapabawas ng mga nasabing problema ng mga nagtatrabaho at nag-aaral
kahit inabot ng mahabang panahon upang ang proyektong ito’y masakatuparan.

You might also like