You are on page 1of 1

Kung magpapatuloy ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran, mas

magiging kawawa tayo at mapapalagay tayo sa panganib dahil sa


suliraning ito kabilang na ang pagkadamay ng agrikultura na siyang
ating ikinabubuhay sa pang-araw araw, wala na tayong
mapagkukuhanan ng mga makakain at ang mga magsasaka ay malulugi
kung patuloy pa rin itong mangyayari. Isa pa ay ang pagdami ng
nagkakasakit dulot ng paiba-ibang panahon, mga sakuna at ang
polusyon na maaaring lumubha o lumala ang kalagayan kung hindi ito
maaagapan kaagad.

Bilang isang mag-aaral ang mabisang solusyon sa suliranin sa solid


waste sa aming komunidad ay ang pagkakaroon ng disiplina ng mga tao
rito, isa na rin ang pagkakaisa at pagtutulungan o bayanihan ng mga tao
para sa ikakalinis at ikakaganda ng kapaligiran dahil kung tulong-tulong
ay maiiwasan ang mga sakuna’t pagkakasakit ng mga tao. Ang isa pa sa
mabisang solusyon ay ang pakikilahok ng mga tao sa mga programang
isinasagawa sa aming komunidad upang malaman kung ano ang tama
at hindi tamang gawain ng sa ganoon ay masolusyonan kaagad ang
suliranin sa solid waste.

You might also like