You are on page 1of 2

[EDITORIAL]

BSKE: Boto Sa Kabataan, Ensakto?

Batid nating lahat na sa ika 30 na araw ng Oktubre ay gaganapin na Baranggay at Sangguniang


Kabataan Election (BSKE) sa bansa upang mamili ang mga kabataan ng isang lider na magsisilbing
konsehado sa mga barangay sa ilalim ng Local Government Unit (LGU) upang magsagawa ng mga
proyekto at programa nakatuon sa mga kabataan. Ngunit sa likod ng isang halalan ay mayroong
pamaraang hindi akma sa isang patas na eleksyon.

Sa dinami-raming kabataan ang tumatakbo ngayon, hindi mapagkakaila na iilan sa kanila ay


tatakbo lamang na ang tanging hangad ay gagamitin sa sariling interes ang inaasam-asam na sahod na
galing sa gobyerno at pagsasawalang bahala sa kakahayan bilang isang lider na dapat maglingkod para sa
pag-unlad ng bayan at lalo na sa mga kabataan.

Sa kabilang banda, sa papalapit na eleksyon talamak rin sa mga kandidato ang pagbili ng boto sa
mga kabataan sa pamaraang pagbibigay insentibo tulad ng pera, bagay o anumang mga aksyon na
nagpwepwersa na piliin ang mga tumatakbong opisyal sa barangay.

Ang pagbebenta ng boto ay humahantong sa isang walang kwenta na eleksyon, hindi sukat ng
pera sa paktakbo ng isang posisyon at nangangahulugang walang kapangyarihan ang mga tatakbong
kandidato na nagmula sa mundong mahirap na mayroong potensyal na maging isang lider sa
pamayanan.

Sa pagkakataong ito, pangunahing ipinagbabawal ng Comelec ang paghawak ng pera limang


araw bago ang BSKE at sa mismong araw ng halalan, na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P500,000.
Anumang pagtatangka sa pagbili ng boto ay kasuklam-suklam at hindi kaaya-aya dahil ito’y nakakasira sa
patas na botohan ng mga kabataan

Binabantayan din ng Comelec ang hindi awtorisadong pagbibigay ng ayuda, o government cash
aid, mula Oktubre 19 hanggang araw ng halalan, Oktubre 30. Ang bahay-bahay na pamamahagi ng pera
at regalo, kabilang ang pagkain, libreng medical mission, libreng legal na tulong.
Ipinahayag ng Comelec na anumang aksyon na may kinalaman sa pamamahagi ng mga regalo ng
mga kandidato o kanilang mga tagasuporta, kung saan binanggit ang pangalan ng mga kandidato o kung
saan makikita ang kanilang mga litrato, ay ituring na pagbili ng boto.

Mahalagang tandaan na ang pagtakbo bilang isang lider ay inuuna ang kapakanan ng mga tao at
nagtataglay ng diwa ng bolunterismo kaysa sa perang bigay ng gobyerno, ang tanging magagawa ng mga
kabataan sa panahon ng eleksyon ay maging dilat sa mga pangyayari at tiyaking hindi mapupunta ang
kapangyarihan sa isang kandidato na hindi karapat-dapat at walang kakayahang maglingkod,
magserbisyo at magsilbi sa mga kabataan.

You might also like