You are on page 1of 2

2022

Magandang araw,

Ang bukas na liham na ito ay para sa susunod na pangulo ng Pilipinas. Ilang


lingo, araw at oras nalang ay mag kakaroon nanaman ang mga Pilipino ng
bagong pangulo na mamumuno sa ating bansa, kung kayat sa pagkakataong
ito ay nais kong mag salita ng aking mga opinion sa magiging pangulo ng
Pilipinas.

Sana ay mabigyan ng lunas o solusyon n gating magiging pangulo ang mga


primaryang problema na ikinakaharap ng Pilipinas, sana ay mas bigyan
niya ito ng pansin at tugunan ng mabilis na panahon upang mas umunlad at
mas lumaganap ang positibong pagbabago ng ating bansa.
Maraming mga magagandang pagbabago ang naganap sa mga bawat
namumuno na pangulo sa ating bansa, dahil sila ay may sari sariling
primaryang plataporma na balak ipatupad sa kanilang magiging
nasasakupan ngunit dito sa aking liham ay gusto kong ipabatid ang mga
pagbabagong nais kong Makita at nais kong maranasan bilang isang
mamamayan ng bansang Pilipinas.

Ang aking unang nais Makita na pagbabago ay ang sa larangan ng


kapulisan. Ito ang aking nais makitaan ng pagbabago dahil mas dumami ang
karahasan at patayan nung napatupad ang kautusan ng dating Pangulo na si
Rodrigo Duterte ang “War on Drugs” na kanyang tinatawang na humuhuli sa
mga katauhan na makikitaan at makokompiskahanng droga, ang kanyang
plano ay maganda ngunit kulang sa seguridad hindi lamang dapat sa
kapulisan kundi pati na rin sa mamamayan at naninirahan sa lugar. Simula
ng ipatupad ang operasyong iyon ay napaka daming napapa balita sa ating
mga radio at telebisyon ang mga taong napapaslang sa kadahilanang sila ay
nanlaban sa mga pulis ng sila ay makitaan ng droga. Para sa akin ay mas
magandang lagyan ng mga kamera ang mga kapulisan upang Makita at ma
monitor ang pag kilos o pag galaw ng mga kapulisan lalo nat sila ay mga
armado, ganun din sa mga traffic enforcers at mga MMDA upang
mabawasan ang mga nauusong “kotong” sa mga pribado o mga pang
publikong sasakyan.
Sunod na aking gustong makita ay ang pagtaas o pag pantay ng rate o sahod
sa kamay nilaan at sa probinsya. Nais ko sanang Makita ang pag babago ng
provincial rate na sana ay pumantay sa manila rate, dahil madami ang mga
taong lumuluwas pa ng kani kanilang mga probinsya para lamang makapag
trabaho sa maynila. Gusto ko Makita ang pagbabago na ito dahil pare
parehas lang naman ang presyo ng mga bilihin sa probinsya at maynila
ngunit bakit hindi parehas ang sahod nito. Ang pag babago o pag lalagay ng
National rate wage ay ikagagaan ng bulsa ng mga mamamayan na nakatira
sa probinsya at pwede ding hindi na mag hangad ang ibang mga tao na
pumunta sa maynila upang makapagtrabaho lamang doon, dahil sa sahod na
mas mataas sa lugar ng maynila ay halos lahat ng mga tao ay nag hahangad
na mag ibang bansa o kaya ay makahanap ng trabaho sa maynila upang
matugunan ang kanilang sarili at pang pamilyang pangangailangan.

Ang Pilipinas ay kilala bilang isa sa mga may magagandang tanawin at


dinarayo ng mga turista, taon taon ay madami ang mga turistang
pumupunta sa ating bansa kung kayat ang aking sunod na gustong Makita
na pag babago ay ang mapabuti at mas mapa ganda ang ating turismo,
magandang pagandahin ang mga impraestruktura at panatilihing malinis
ang lugar o paligid nga mga dinarayong lugar, mas sanayin ang mga taong
nasasakupan ang disilpina sa pag kakalat o sa kanilang mga basura.

Marami akong mga nais o kagustuhang Makita na gagawin o ipapatupad ng


susunod na magiging pangulo ng ating bansa ngunit ang aking mga
nabanggit ang aking mga pinaka gustong makitaan ng positibong pagbabago
dahil an gating bansa ay may kakayahan umunlad.

Sa pagtutulungan at kooperasyon ng isang mahusay na pinuno at mga


mamamayan uunlad ang bayan. Sabi nga nila “The secret to success is good
leadership” Kung kayat may posibilidad na tayo ay umunlad na nag sisimula
sa isang magaling na namumuno.

Lubos na gumagalang,

Charlene Tuazon

You might also like