You are on page 1of 1

Ang etika ay tumutugon sa mahalagang tanong ng moralidad,

konsepto ng Tama at Mali, Mabuti at Masama gayundin sa


pagtanggap at Di-Pagtanggap ng lipunan na siyang nagtatakda
ng mga batayan sa mga ito. Ang halimbawa ng etika ay
kabilang sa praktis o gawain kaugnay ng etika ang pagrespeto
sa kapuwa, pagmamano, paggamit ng “po” at “opo” sa
Pilipinas habang pagyuko naman sa mga Hapon. Samantalang
ang pagpapahalaga o values sa ingles ay ang istandard o
batayan ng tama o maling pagdedesisyon. Tumutulong ito
upang timbangin at balansehin ang ating mga desisyon. Ang
halimbawa ng pagpapahalaga ay ang mga batayang ito ay mga
institusyon gaya ng Simbahan, Pamilya, Paaralan at
Pamahalaan. Madalas kultura ang pangunahing batayan.
Katulad ng pagmamahal at katapatan sa pamilya,
pagpapahalaga sa edukasyon, pakikipagkapuwa, pagkakaroon
ng kahihiyan at pagtanaw ng utang na loob. May sari-saring
etikang sinusunod at pagpapahalagang gumagabay sa bawat
institusyon, grupo, maging sa loob ng isang komunidad o
bansa. Ang mga gawain kultura, kasaysayan, karanasan,
heograpiya ay mga salik na gumagabay sa pagbuo ng etika’t
pagpapahalaga.

You might also like