You are on page 1of 1

Pambungad na Mensahe

-Gng. Gemma E. Amarillo, Punongguro

“Hindi nagkalayo ang wika at kasaysayan. Bahagi ng kasaysayan ang mga


pagbabago at kaunlaran ng ating wika. Wika ang naging pinakamahalagang sangkap
na ginamit ng ating mga ninuno at magigiting na bayani para magkaroon ng
pagkakaisa at pagbabayanihan.”
Para sa mga natatanging panauhin sa umagang ito, mga guro, mag-aaral,
maging mga magulang na naririto, isang MAPAGPALANG ARAW SA ATING LAHAT!

Nandito tayong lahat, nagtitipon-tipon upang makiisa sa panapos na gawain ng


Buwan ng Wika at Kasaysayan. Isa lamang ito sa mga paraan ng pagpapakita ng
ating pagpapahalaga ng pambansang wika at pagbibigay dangal at saysay ng ating
kasaysayan.
Sa panahon ngayon, maraming dahilan upang iwaglit natin ang pagmamahal
ng sariling wika at isawalang-bahala ang kamalayang Pilipino lalo na’t sa patuloy na
pag-usbong ng makabagong panahon. Marami na sa mga kabataan ngayon ang
nahihirapan sa paggamit ng mga katutubong wika. Marami na sa kanila ang hindi alam
ang nakaraan, maging pangalan ng ating mga bayani. Totoong sa panahon ng
pandemya ay marami ang nahihirapan. Ngayong unti-unti nang bumabalik ang
normal, panahon na rin upang muli nating paigtingin ang pagtuturo ng kasaysayan at
gamitin ang wikang atin.
Isang malaking hamon para sa mga magulang at mga guro na muling hubugin
ang mga kabataan. Iangat ang kamalayan ng bawat mamamayang Pilipino ukol sa
wika at kasaysayan. Higit sa lahat, mahikayat ang bawat isa na pahalagahan ito at
patuloy pang payabungin.

Tulad ng ating tema sa pagdiriwang ngayon- ako, ikaw, tayong lahat, bilang
mga Pilipino, sama-sama sa paglikha at pagtuklas gamit ang wikang Filipino. Sama-
sama sa pagbubuklod ng iisang tunguhin- ang tungkuling protektahan at ipaglaban
ang halaga ng ating kasaysayan tungo sa pambansang kamalayan at kaunlaran.

Mabuhay ang ating Pambansang Wika!


Mabuhay ang ating kasaysayan!
Mabuhay tayong mga Pilipino!

You might also like