You are on page 1of 2

Buwan ng Wika

Introduksyon:

Jerick: Ngayong buwan ng Agosto, ating ginugunita at ipinagdiriwang ang Buwan ng


wika bilang pagbibigay ng kahalagahan sa ating wika, ang Filipino at ang kontribusyon
nito sa ating mga buhay. Ipinapaalala nito na napaka-importante sa isang bansa na
magkaroon ng pambansang wika upang lubos na makilala ang yaman ng ating kultura.
Sa taong ito ipinagdidiriwang natin ito sa temang “Wikang Filipino, Tungo sa isang
bansang katutubo”.

Bena: “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya
ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang
nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan
sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng aral
tungkol sa pagpapahalaga ng wika.

Pagmartsa ng mga Bibigyang Parangal

Jerick: Hinhingi ko na tumayo po tayong lahat upang ating saksihan ang pagmartsa ng
mga bibigyang parangal.

Bena: Manatili po tayong nakatayo para sa isang panalangin na pamumunuan sa atin ni


Gng. Amelia Queja, gurong tagahalili at pagkatapos ay manatili paring nakatayo para sa
awiting bayan na pamumunuan naman ni Gng. Nerissa Andallo, tagapayo ng ikalawang
Baitang.

Jerick: Atin naman pong pakinggan ang isang pambungad na mensahe na ihahatid sa
atin ng ating masipag at mabubukod tanging ina ng ating paaralan, Gng. Leticia A.
Pugrad, Punongguro.

Bena: Ngayon ay atin naman pong tunghayan ang Martsang pamamaalam ng ating
Lakan 2018, Reianne del Rosario at Lakambini 2018, Rhealene Joy Aquino.

Jerick: Atin naman pong isusunod ang pagpaparangal sa ating Lakan 2019, Christian
Joeren Junio, mula sa Kindergarten.

Bena: Paparangalan na rin po natin ang ating Lakambina sa taong ito, walang iba kundi
si Edrish Rhianne Solero mula rin sa Kindergarten.

Jerick: Isusunod na po natin ang pagpaparangal sa ating Unang Prinsesa sa taong ito,
Rose Ann Pascua, mula sa ikatlong Baitang.

Bena: Paparangalan na natin ang ating Pangalawang Prinsesa, Ashley Megan Patricio
mula sa ikalawang Baitang.

Jerick: Isusunod na po natin ang pagbibigay ng Sertipiko ng pagkilala sa mga Magulang


ng mga binigyang parangal. Inaanyayahan ko po ang ating mahal na punongguro, mga
opisyal ng PTA, mga kapwa naming guro at ang ating mga pangunahing mga bisita na
kasama natin ngayon upang samahan tayo dito sa entablado para sa pagbigay ng
sertipiko.

Bena: Ngayon ay atin na pong tunghayan ang panunumpa ng mga bagong Pamunuan
ng PTA.
Jerick: Magtungo na po tayo ngayon sa paggawad ng Sertipiko ng pagkilala sa mga
Batang nagwagi sa Iba’t-ibang Patimpalak gaya ng Tula, Pagbabaybay at Sulkas Tula.
Inaanyayahan po natin dito sa entablado ang ating punongguro at ang Filipino
Koordineytor, Gng. Elena Versoza para sa paggawad ng sertipiko.

Bena: Atin pong tunghayan ang isang Palabas Pamparangal na inihada sa ating ng mga
piling mag-aaral mula sa ikalima at ikaanim na baitang.

Jerick: Para sa Pangwakas na pananalita, Inaanyayahan po natin ngayon dito sa


entablado sig Gng. Lilibeth Dayao, Pangulo ng PTA.

Ngayon ating muling sambitin, “Wikang Filipino, Tungo sa isang bansang katutubo”!!!
At diyan po nagtatapos ang ating selebrasyon, maraming Salamat po!

You might also like