You are on page 1of 2

Unang bahagi.

Voice Over: Sa sandaling ito ay saksihan natin ang pagpasok ng mga mag-aaral mula sa Baitang 10,
magulangin, kaguruan, mga kawani,mga namumuno ng paaralan at mga panauhin.

Ikalawang Bahagi.

R: Hinihilingan ang lahat na magsitayo para sa Pambasang Awit ng Pilipinas sa kumpas ni Mack Ray Z.
Buayo, may mataas na karangalan mula sa pangkat Wisdom, na kagyat na susundan ng pambungad na
panalangin sa pangunguna naman ni Joanna T. Pagana, may mataas na karangalan mula rin sa
kaparehong pangkat.

J: Mananatili po ang lahat sa pagtayo sa pag-awit ng Martsa ng CALABARZON sa kumpas ni Jericho A.


David, may mataas na karangalan mula sa pangkat Wisdom, Himig ng Tayabas sa pangunguna ng mga
mag-aaral mula sa SPA at Himig ng Paaralan sa kumoas ni Ranz Jacoc Q. Raca, may mataas na karalangan
mula sa pangkat wisdom.

Pambansang Awit at Panalangin, CALABARZON March, Himig ng Tayabas at Himig ng Paaralan

R: Umagang puno ng pagpupugay, Ma’am Jay An!

J: Umagang puno ng pagpupugay, Sir Reyman!

Both: Umagang puno ng pagpupugay, Luis Palad Integrated High School!

R: Pagbati sa taunang Moving Up Ceremony na may temang…

Both: Pagkakaisa-isa sa Pagkakaiba-iba: Kalidad na Edukasyon para sa lahat!

J: Parang kalian lamang ay nagkukumahog ang lahat sa pagsisimula ng klase, tila nagmamadali ang
panahon sapagkat matatapos na naman ang taong panuruan at magsisimula na sa bagong serye ng
pakikibaka ang mga mag-aaral na nasa ating harapan.

B: Sang-ayon ako, Ma’am JayAn! Iilang taon pa lamang ang nakalilipas mula nang ako ay kagaya nilang
nagmartsa, sa pagkakataong iyon ay bilang high school graduate, sinong mag-aakala na muli akong
dadalo sa ganitong uri ng seremonya, hindi na bilang mag-aaral kundi isang ganap na guro na.

J: Malay natin, ilan sa mga mag-aaral na nasa ating harapan ngayon ay sisibol na guro din at sila naman
hahalili sa ating pwesto.

B: Tama! Kaya huwag na nating patagalin. Upang magpahayon ng bati ng pagtanggap at magpakilala ng
mga mag-aaral na itataas ang antas, inaanyayahan po sa entablado si Dr. Gener C. Delos Reyes,
Punonnguro IV.

J: Gayundin si Dr. Catherin P. Talavera, CESO IV, upang bigyang-pagpapatunay at pagpapatibay ang mga
mag-aaral na itataas ang antas.


B: Sa pagkakataong ito ay bigyang-daan po natin ang isang mensahe na magmumula kay Dr. Catherine P.
Talavera, CESO IV, Tagamasid Pandibisyon sa Dibisyon ng Tayabas.

Mensahe

J: Dadako na tayo sa pinakahihintay ng lahat, ang pamamahagi ng katibyan sa pagtaas ng antas at


paggawad ng medalya sa mga mag-aaral na nagtamo ng karangalan., muli pong inaanyayahan sa unahan
sina Dr. Gener C. Delos Reyes at Dr. Catherin P. Talavera.

Pamamahagi

B: Hindi natatapos ang palatuntunang ito sa pagtanggap ng mga mag-aaral ng katibayan sapagkat
ngayon ay nasa bahagi na tayo ng isa sa pinakatampok na bahagi nito.

J: Tama! Humanda ang lahat sapagkat sa sandaling ito ay makikilala na natin ang ating panauhing
tagapagsalita.

B: Upang gawin ang karangalang iyan, inaanyayahan sa unahan si Bb. Margaret Elaine E. Calvendra,
Tagapayo ng Baitang 10 Hope.

Mensahe

J: Hindi magiging ganap ang ganitong uri ng palatuntunan kung hindi natin maririnig ang mensahe ng
mag-aaral na naguna sa kahusayan. Kaya naman, bigyang-daan po natin si Jorielle Anne T. Cada, may
mataas na karangalan mula sa Baitang 10 – Wisdom.

Mensahe

B: Ngayong ang lahat ng mag-aaral sa ating harapan ay nagbigyang-kumpirmasyon na ang pag-angat ng


antas, manunumpa na sila bilang kasapi ng LPIHS Almumni Association sa pangunguna ni Kgg. Wenda
Saberola-De Torres, pangulo ng samahan.

Panunumpa

J: Sa pagpipinid ng palatuntunan, isang pangwakas na awit an gating maririnig mula sa mga mag-aaral sa
pangunguna ni Geraissa S. Cabaneros mula sa pangkat Dependability.

Awit

B: Dito po nagwawakas ang ating paluntunan.

J: Muli, mainit na pagbati sa mag-aaral! Ako si JayAn I. Torres…

B: Ako naman si Reymann Kristian F. Zubieta..

Both: Maraming salamat po at pagpalain tayo ng Poong Lumikha!

Ikatlong Bahagi

You might also like