You are on page 1of 17

PANGHALIP

Basahin at Suriin

Si Bea ay matulunging bata


Siya ay masipag na mag-aaral.
Panghalip
- ay bahagi ng pananalita na
humahalili sa ngalan ng tao,
bagay, hayop, pook o lugar,
pangyayari at kaisipan.
Mga Uri ng Panghalip
1. Panghalip Panao
2. Panghalip Paari
3. Panghalip Pananong
4. Panghalip Pamatlig
5. Panghalip Panaklaw
Panghalip Panao (Personal Pronoun) –
ito ay ginagamit panghalili sa ngalan ng tao.

Mga Halimbawa:

ISAHAN : ako, akin, ko, mo


DALAWAHAN : kita, tayo, ninyo
MARAMIHAN : kami, tayo, namin, amin, atin
Panghalip Paari - Ito ay humahalili sa
pangngalang nagpapakita ng pag –aari o pag-
aangkin.

Mga Halimbawa:

Akin, iyo, atin,


Amin, inyo, kanya,
kanila
Panghalip Pananong - Ito ay
pamalit sa pangngalang sa paraang
patanong
Mga Halimbawa:
sino- sinu-sino
ano- anu-ano
saan- saan-saan
alin- alin-alin
kanino- kani-kanino
gaano- gaa-gaano
ilan- ilan-ilan
Panghalip Pamatlig - Ito ay pamalit sa ngalan
ng bagay at iba pa na itinturo.

Mga Halimbawa:

Malapit sa kausap : Ito, ganito, dito, heto,


iyan, ayan, diyan
Malayo sa Kausap : iyon, ayun, doon,
ganoon
Panghalip Panaklaw- Ito ay
nagpapahiwatig ng pasaklaw o
pagsakop.
Mga Halimbawa:
lahat, madla, sinuman
anuman, saanman at iba pa
Si Aling Nena
Si Aling Nena ay ang aking ina. Siya ay
masipag at madasalin. Araw-araw bago matulog
at pagkatapos gumising ay nagpapasalamat siya
sa Poong Maykapal. Ang bayan ng San Lucas ang
lugar na kinalakihan niya. Dito na siya nag-aral
at nakapag-asawa. Siya ay isang guro. Ang mga
bata ay natutuwa sa kanyang kahusayan sa
pagiging isang maestra.
Ngunit ang panahon ay madaling lumipas.
Siya ay isa ng retiradong guro sa kanilang
bayan. Ngunit hindi malilimutan ng mga
naging mag-aaral niya ang kanyang kasipagan
ng siya’y nagtuturo pa. Sapagkat hindi nila
maabot ang kanilang pangarap kung hindi
dahil sa kanilang naging guro na si Aling
Nena. Kaya mahal na mahal nila ang kanilang
guro.
Panuto:
Isa-isahin ang mga panghalip na ginamit sa
pangungusap at tukuyin ang pangngalang
pinalitan nito.
Panghalip Pangngalang
Tukuyin ang panghalip at ang uri nito na ginamit

sa pangungusap .
1. aking laruan ay bago.
2. Alin-aling bagay ang nawawala?
3. Silang dalawa ay mahusay umawit
4. Siguradong mabibigyan silang lahat.
5. Hayun, ang hinahanap ng bata.
Tandaan natin:
Ang pangngalan at panghalip
bilang bahagi ng pananalita ay
maaari natin gamitin sa anumang
pakikipagtalastasan o pakikipag-
ugnayan sa anumang sitwasyon.
Maari natin itong gamitin
Sa paaralan, klasrum, tahanan,
Simbahan, pagpapakilala,
Pangangamusta, o sa kahit anumang
Sitwasyon.
Takdang Aralin #4:
Lumikha ng maikling pakikipagtalastasan gamit ang
pangngalan at panghalip. Bilugan ang pangngalan at
salungguhitan naman ang panghalip.

Mga Pagpipilian:
1. sa loob ng simbahan
2. pakikipag usap sa telepono
3. pangangamusta sa malalayong kamag-anak
Maraming
Salamat ! 

You might also like