You are on page 1of 3

Name:

Pagtataya
A. Alamin ang tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat sa
patlang ang tamang kasagutan.
___________1. Ito ay ang pagnanakaw ng
pagkakakilanlan ng isang tao nang walang pahintulot
upang magamit sa masamang paraan.
___________2. Ang isang halimbawa nito ay ang
paggawa at paggamit ng malware upang manghimasok
sa ibang kompyuter.
___________3. Ang ilang halimbawa ng di-kanais-nais na
asal sa internet na nito ay ang pagmumura at
pagpapakalat ng mga masasagwang larawan ng ibang
tao.
___________4. Ang isang halimbawa nito ay ang ilegal na
pag-download ngmga nilalaman mula sa isang website na
humihingi ng kaukulang bayad.
___________5. Ito ay ang paggawa ng isang panibagong
account sa social media upang gayahin ang
pagkakakilanlan ng iba pang tao.
B. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang sumusunod na
pahayag ay sang-ayon sa tama at ligtas na paggamit ng
kompyuter at internet. Isulat naman ang MALI kung ito
ay hindi sang-ayon.

____________1. Kung gumagamit ng pocket WIFI, wireless


router o WiFi stick, tiyaking wala itongpassword para mabilis
ang paggamit ng internet.
____________2. Huwag ipagkatiwala kanino man ang
sariling password ng kompyuter o ng mga pansariling
account sa sari-saring website ng internet tulad ng social
media at ang email.
____________3. Bumisita lamang sa mga website na ligtas
at malaya sa mga malwaretulad ng mga website na may
domain na.edu at gov.
____________4. Tuwing gumagamit ng kompyuter, gumawa
ng back-up o reserbang kopya ng mga mahahalagang
dokumento upang masigurong may kopya ka nito kung
sakaling maymangyaring masama dito, maaaring ilagay ito
sa mga storage device tulad ng USB na ginamit ng kung sino-
sino, lumang CD, o external hard drive.
_____________5. Ugaling i-off o patayin ang kompyuter at
ang router ng internet pagkatapos itong gamitin at kung
walang ibang gagamit nito.

You might also like