Professional Documents
Culture Documents
Ligtas At
Responsableng
Pamamaraan Ng
Pamamahagi
Ng Mga
Dokumento
At Media Files Jesusa A. Santos
Ang pamamahagi ng mga
dokumento at media files ay
pinakamadaling gawin gamit
ang removable device. Ngunit
may mga pagkakataong mas
mainam magpamahagi ng mga
dokumento gamit ang
iba’t-ibang application
sa internet.
Maglagay ng tsek (√) sa hanay ng thumbs up icon kung OO
ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI.
Kasanayan sa Ligtas at Responsableng Pamamaraan
sa pamamahagi ng dokumento at media files
1. Natitiyak na ligtas sa anumang virus na
napapaloob sa gagamiting removable device.
2. Ang virus na nasa loob ng removable device ay
hindi makaaapekto sa mga files.
3. Aalisin muna ang virus na nakapaloob sa
removable device.
4. Ang mga file na nakuha sa internet ay
nararapat na iscan muna bago buksan ang
document.
5. Sa pamamahagi ng mga files at dokumento
tiyaking hindi ito naglalaman ng anumang uri
ng detalye na makakasira o makapagpagalit sa
taong nakatangggap nito.
Ano- ano ang mga kagamitang
nakikita mo sa bahay, paaralan at
mga lugar pasyalan na produkto ng
makabagong teknolohiya?
Makatutulong ba ang
pagkakaroon ng mga kagamitang
ito? Bakit?
Paano mo ito gagamitin
upang maging
kapakipakinabang ito?
Information Technology
pamamaraan , kasangkapan at
teknolohiya na tumutulong sa mga
tao upang makakuha ng
impormasyon, maproseso ito,
maitago at maibahagi.
Kasiya-siyang gawin ang
pamamahagi ng dokumento at media
files gamit ang computer at internet.
Kasiya-siyang gawin ang
pamamahagi ng dokumento at
media files gamit ang computer at
internet.
Salik Sa Paggamit Ng
Computer, Internet At Email
Viruses, Adware, at Spyware o
Maaaring makakuha ng mga
virus sa paggamit ng Internet
na maaaring makapinsala sa
mga files at memory ng
computer at makasira sa
maayos nitong paggana.
Tamang Pamamaraan Sa
Pamamahagi
ng Dokumento
Tiyakin/itakda kung at Media
aling websiteFiles
ang
maaaring bisitahin at kung gaano katagal
maaaring gumamit ng kompyuter, internet
at email.
Gumamit ng mga application na
maaaring gamitin sa pamamahagi ng mga
dokumento tulad ng mga social media
sites gaya ng facebook at instagram.
Sa paggamit ng removable device,
siguraduhing i-scan muna ang device bago
ito gamitin. Kung nais makapag-pamahagi
gamit ang nasabing device, tiyakin na ang
gagamiting device ay ligtas sa anumang
virus na nakapaloob dito.
Ano mang uri ng dokumento o
media file na pagmamay-ari ng iba ay
dapat munang ipagpaalam bago
ipamahagi.
Talakayin ang responsableng
pamamaraan ng pamamahagi
ng media files at dokumento
at ang kaakibat na panganib
na dulot nito.
Pangkat 1 at 2
Pamamahagi ng mga dokumento at media files sa
ligtas at responsableng pamamaraan.
Pangkat 3 at 4
Pagsunod sa mga panuntunang dapat tandaan sa
ligtas na pamamaraan ng pamamahagi ng
dokumento at media files.
Isulat sa graphic organizer sa ibaba ang
mahahalagang alalahanin para sa ligtas at
responsableng pamamaraan sa
pamamahaging mga dokumento at media
files.
1 2 3 4 5
Gawin Natin….
Dapat Nating Sundin..
b. Pangkat 3 at 4:
Pamamaraan ng pamamahagi ng
dokumento at media files.
SUBUKIN MO
Isulat sa notebook ang T kung tama ang pahayag
at M naman kung mali.
___ 1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at
pagkuha ng impormasyon ang paggamit ng mga ICT
equipment at gadgets.
___ 2. Dapat gumamit ng internet sa paaralan
anumang oras at araw.
___ 3. Maaaring magbigay ng personal na
impormasyon sa taong nakilala mo sa internet.
___ 4. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakita mo sa
internet na hindi mo naiintindihan.
___ 5. Ibigay ang password sa kamag-aral upang
magawa ang output sa panahong liliban ka sa klase.
B. Piliin ang pinakamabuting sagot ayon sa mga dapat isaalang-alang sa
paggamit ng computer.
1. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay:
a. buksan ang computer, at maglaro ng online games
b. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin
c. kumain at uminom
2. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online message,” ano ang
dapat mong gawin?
a. Panatilihin itong isang lihim.
b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka na niyang padalhan ng
hindi naaangkop na mensahe.
c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service Provider.
3. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga ito ang dapat
gawin?
a. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras na naisin ko.
b. Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang instant messaging para
makipag-ugnayan sa aking mga kaibigan.
c. Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpunta sa aprobado o mga
pinayagang websites kung may pahintulot ng guro.
4. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad ng mga
numero ng telepono o address, dapat mong:
a. ibigay ang hinihinging impormasyon at magalang na gawin
ito.
b. i-post ang impormasyon sa anumang pampublikong
websites tulad ng Facebook, upang makita ninuman.
c. iwasang ibigay ang personal na impormasyon online,
dahil hindi mo batid kung kanino ka nakikipag-ugnayan.