You are on page 1of 2

4th QUARTER SUMMATIVE TEST

EPP 5

Name: ______________________________________________________ Grade & Section: ________


I. Panuto. Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang isinasaad ng bawat pahayag.
Pillin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

online chat internet log in


emoticons o smiley face ALL CAPS post
chat responsable
computer virus web camera

1. Ugaliing isaisip ang mga panuntunan sa responsableng paggamit ng _______________ upang maiwasan ang
pagkakaroon ng problema.
2. Gamitin ang _____________ sa wastong pamamaraan lalo na sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at bagong
kakilala.
3. Iwasang mag ______________ ng mga sensitibong impormasyon na maaaring maging sanhi ng pagkakaroon
ng problema.
4. Huwag gumamit ng ____________ sa pagsusulat ng mga impormasyon sa thread upang hindi
mapagkamalang naninigaw sa ka-chat.
5. Iwasan ang madalas na paggamit ng _____________________ sa mga mensahe upang mapagtuunan ang
nilalaman ng mensahe o impormasyon.
6. Mahalaga ang ______________ at ligtas na paggamit ng discussion forum o chat sa pakikipag-usap sa ibang
tao.
7. Ugaliing gumamit ng ______________ upang makita ng bawat isa ang hitsura ng kausap.
8. Ang mga taong may masasamang intensiyon sa kapwa ay lagging nakaabang sa kanilang mabibiktima sa
pamamagitan ng ________________.
9. Iwasan ang mga taong madalas na mag ______________ sa mga chat room na gumagamit ng ibang pangalan
upang kunin ang atensiyon ng mga batang gumagamit ng internet.
10. Huwag magpapadala ng mga files na hindi nababasa at maaaaring may nilalaman na _______________ na
pwedeng maging sanhi ng pagkasira ng mga files at computer units.

II. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag nito
at Mali kung hindi.
11. Ang paggamit ng ALL CAPS (malaking titik) ay nagpapakita ng tila paninigaw sa ka-chat o sa taong
pinadadalhan ng mensahe.
12. Mahalagang gamitin ang chat sa mga bagay na hindi makabuluhan.
13. Iwasan ang paggamit ng web camera o web cam sa pakikipagchat para hindi makita ang taong kausap.
14. Ang discussion forum ay nakatutulong para mapadali ang paghahanap ng mga mahalagang impormasyon sa
maraming paksa.
15. Ang pagsunod sa mga panuntunan sa paggamit ng discussion forum o chat ay isang responsibilidad ng mga
miyembro o nais mag-miyenbro.
16. Maging mahinahon sa pakikipagchat at iwasan ang paggamit ng mga sensitibong impormasyon na maaaring
makasakit sa mga miyembro nito.
17. Maaaring magpost ng kahit na anong mga dokumento kahit ito ay hindi mo pag-aari para mapakinabangan ng
iba.
18. Ang FB Messenger, Viber at Skype ay ilan lamang sa mga kilalang ginagamit ng mga tao sa pakikipag-chat. ‘
19. Ang paggamit ng mga emoticons o smiley ay nakatutulong para maipahayag ng malinaw ang nilalaman ng
mensahe.
20. Tiyaking hindi mapanira ang mga impormasyong ibabahagi sa discussion forum o chat.

You might also like