You are on page 1of 11

Panuntunan sa Pagsali sa

Discussion Forum at Chat

Lesson 4
Balik Aral
Tukuyin ang paraan ng pagtitinda ng maramihan ayon sa mga
sumusunod na natatanging Tama o Mali. Isulat sa patlang ang T kung
ang isinasaad sa pahayag ay tama at M kung ito naman ay mali.
Salungguhitan ang salitang hindi angkop. Ilagay ang sagot sa iyong
sagutang papel.
__________ 1. Pumili ng isang produkto na nais gawin at ibenta.
__________ 2. Magalit sa mga negatibong puna sa iyong produkto.
__________ 3. Gumawa ng sample o halimbawa ng naisip na
bagong produkto.
__________ 4. Magmasid sa mga pamilihan na kapareho ng iyong
produkto upang makakuha ng dagdag na ideya.
__________ 5. Kung ninanais na mamuhunan at magbenta nang
maramihan, maaaring magpatulong sa Bureau of Internal Revenue (BIR)
upang makakuha ng ideya.
Gamit ang iyong computer o cellphone, magsaliksik ng mga website na maaaring
gamitin sa paggawa ng discussion o makasali sa isang discussion forum o chat.
Magtala ng limang website na nasaliksik at ilagay ito sa mga kahon sa ibaba.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Discussion Forum

• Ang discussion forum ay


maihahalintulad sa isang
discussion board kung saan
maaaring mag-post ng iba’t ibang
paksa na nagnanais ng kasagutan
o opinyon mula sa iba.
Chat

• Ang chat ay isang real time na pag-


uusap sa pagitan ng dalawa o higit
pang mga tao na agad-agad ay
makasasagot sa mga tanong o
usapan.
Mga Panuntunan sa Pagsali sa Discussion Forum at Chat

• 1.Siguraduhing hindi makapaninira ang iyong sasabihin sa board o


forum.
• 2. Tiyakin ring nakapaloob sa thread o sa pinag-uusapan o topic ang
tanong. Kung ganun, dapat alamin ang tamang lugar ng bawat tanong.
Dahil bawat tanong ay may iba’t ibang thread.
• 3. Hindi maaaring magpost ng mga dokumento o anumang file na hindi
mo pagmamay-ari, kung sakaling mag-post man kailangan ilagay ang
kredito ng nagmamay-ari ng file.
• 4.Hindi dapat magpost ng mga impormasyong sensitibo o
impormasyong hindi para sa pampublikong gamit.
• 5. Hindi maaaring magpost ng anumang advertisement
o endorsement lalo na’t labas naman sa topic ng forum.
• 6. Basahin ang mga naunang tanong o post sa thread
bago magpost ng tanong o sagot upang maiwasan ang
pagdoble ng post, ganun din upang ipakitang
nagbabasa ng post bago magtanong.
• 7. Ang indibidwal na nagpost ng anumang mensahe o
pahayag ang siyang may resposibilidad dito.
Sagutin: Ano ang kahalagahan ng paggawa o
pagbuo ng mga panuntunan sa pagsali sa
isang discussion forum at chat?

Sagutin: Sa iyong palagay, ano ang


kabutihang dulot ng isang online group chat o
discussion forum sa mag-aaral na tulad mo?
Isaisip

Sa pagsali sa isang discussion forum at chat ay may iba’t


ibang panuntunan na dapat sundin. Ang mga panuntunan
na ito ay itinakda upang sundin ng bawat miyembrong
gustong sumali o kasali dito upang maging maayos at
organisado ang isang discussion forum at chat. Laging
isa-isip ang kagandahang asal sa tuwing sasali sa mga
forum at chat kilala man o hindi ang mga kasapi dito.

You might also like