You are on page 1of 11

5

Edukasyong
Pangtahanan at
Pangkabuhayan
Ika-apat na Markahan: Modyul 4
Mga Panuntunan sa Pagsali sa
Discussion Forum at Chat
Edukayong Pantahanan at Pangkabuhayan-Baitang Lima
Entrepreneurship at ICT
Ikalawang Markahan-Modyul 4: Mga Panuntunan sa Pagsali sa
Discussion Forum at Chat

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jocelyn R. Vergara


Editor: Juanita D. Geraldez and Mary Jane J. Gamba
Tagasuri: Marlene G. Padigos
Tagaguhit at Tagalapat: Jocelyn R. Vergara
Tagapamahala:
Rhea Mar A. Angtud, Schools Division Superintendent
Danilo G. Gudelosao, Asst. Schools Division Superintendent
Grecia F. Bataluna, CID Chief
Marlene G. Padigos, EPS-EPP/TLE/TVL
Vanessa L. Harayo, EPS-LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Cebu City Division, ROVII


Office Address: Imus Avenue, Cebu City
Telefax: (032) 255-1516 / (032) 253-9095
E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at nakasulat sa iyong isipan. Ito ay nabuo upang
makatulong sa inyong kahusayan ang katangian ng Edukayong Pangtahanan at
Pangkabuhayan 5 - Entreprenuership at ICT. Ang saklaw ng modyul na ito ay
nagtutulot na gamitin sa iba 't ibang sitwasyon sa pagkatuto. Ang wikang ginamit ay
kinikilala ang iba 't ibang antas ng bokabularyo ng mga estudyante. Ang mga lesson
ay nakaayos upang sundin ang standard sequence ng kurso.

Ang modyul ay tungkol sa mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat.

Layunin
Matapos gawin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakatutukoy ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat;


2. naipaliliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat; at
3. nakagagawa ng email account.

3
Mga Panuntunan sa Pagsali sa
Aralin
Discussion Forum at Chat

Sa araling ito, maipapaliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion


forum at chat. Ito ay mahalagang malaman upang maiwasan ang pagpopost o
pagsagot ng hindi tama o taliwas sa pinag-uusapan sa isang discussion forum
o chat.

Balikan

Panuto: Ayusin ang mga titik upang malaman ang hinahanap na salita. Isulat ang
inyong sagutan sa sagutang papel.

1. OOBFECKA - ang pinakatanyag na online social media website.


2. NLNIOE TCAH - isang real time na pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang
mga tao.
3. NRNTTIEE - isang sistema na ginagamit nang buong mundo
upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga
kompyuter na dumadaan sa iba't-ibang klase ng
telekomunikasyon.
4. EDAIM ILEF - tumutukoy sa file na audio, video o kaya ay mga
larawan.
5. UIVSR - ay mga masasamang aplikasyon na pwedeng madamay ang
kompyuter ng isang tagagamit .

4
Tuklasin

Panuto: Basahin ang comic strip na nagpapakita ng pag-uusap ng dalawang mag-


aaral.

Good morning, din Hindi mo tuloy


Good morning, Gumawa kasi
sayo Cath! Bakit nalaman ang
Tess. ako ng aking
hindi ka ng open ng pinag-usapan
takdang aralin.
Facebook mo kagabi? namin sa group
chat.

Sa susunod siguraduhin Naisip kasi nila na sumali sa


ko na makakasama ako isang discussion forum.
sa ating usapan. Tungkol Subalit hindi nila alam kung
saan ba ang inyong makasali sila kaagad.
napagusapan? Maaring
mo bang sabihin sa akin?

Hmmm. Siguro naman! Halika, masisiyasat Mabuti pa


Pero mas mainam kung alam tayo sa library. nga! May
nating ang lahat ng Magbasa tayo ng oras pa
inpormasyon tungkol dito. Lalo libro. naman tayo.
na ang mga panuntunan sa Let’s go!
pagsali dito.

Iyan din
ang
inisip ko
eh!

5
Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang pinag-uusapan ng mga mag-aaral?


2. Ano ang website na nabanggit ng mga mag-aaral kung saan sila ay may tinatawag
na group chat?

Suriin

• Ano ang suliranin na nabanggit sa kanilang pag-uusap?


• Ano ba ang discussion forum? Ano ang maitutulong nito?
• Ano ang mga dapat tandaan sa pagsali sa isang discussion forum at chat?

Ang Discussion Forum


Ang discussion forum ay klase ng isang board kung saan maaaring magpost
o mag-iwan ng anumang mensahe o tanong. Maraming mga website ang
nagbibigay ng ganitong klase ng serbisyo tulad ng Yahoo, Google, at Facebook.
Ang bentahe ng ganitong klaseng forum ay maaaring sumagot o magtanong ang
sinumang miyembro ng grupo saanman o kailanman. Sa isang discussion forum
ang moderator ay may kakayahang piliin o salain ang mga impormasyong
pumapasok sa forum. Samantalang mayroong mga chatbox na maaaring
pasukin ng sinuman kung kaya importante ring alamin ang mga dapat gawin.

Ang Chat
Ang chat ay isang real time na pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga
tao. Di gaya ng isang discussion forum, ang pagsagot sa chat ay agad-agad. Ito
ay sa kadahilanang ang mga taong kasali sa chat ay online o kasalukuyang nasa
harapan ng computer at konektado sa Internet. Karaniwan ding mas mabilis ang
palitan ng sagot sa diskusyon sa isang chat kumpara sa isang discussion forum.

Ang mga kabataan ay mahilig ditto para makausap nila ang kanilang mga
kaibigan. Nagagamit din nila ito para makakuha ng mga bagong kakilala. Maging
maingat lamang sa pagtanggap ng mga bagong kakilala at maging kaibigan .

Sa mga nasa larangan ng pagnegosyo ay gumagamit din ng chat upang makausap


ang kanilang mga tauhan o kapwa negosyante maging ang kanilang kostumer.
Ang ibang kompanya naman ay may help desk support staff para makausap ang
kanilang kostumer lalo na kung mayroon silang reklamo o problema tungkol sa
isang produkto o serbisyo.

6
Mga Panuntunan sa Pagsali sa Chat o Discussion Forum
✓ Siguraduhing hindi makapaninira ang iyong sasabihin sa board
forum.
✓ Hindi maaaring magpost ng mga dokumento o anumang file na
hindi mo pagmamay-ari, kung sakaling magpost man kailangan
ilagay ang kredito ng nagmamay-ari ng file.
✓ Hindi maaaring magpost ng anumang advertisement o
endorsement lalo na’t labas naman sa topic ng forum.
✓ Ang indibidwal na nagpost ng anumang mensahe o pahayag ang
siyang may resposibilidad dito.
✓ Basahin ang mga naunang tanong o post sa thread bago magpost
ng tanong o sagot upang maiwasan ang pagdoble ng post, ganun din
upang ipakitang nagbabasa ng post bago magtanong.
✓ Hindi dapat magpost ng mga impormasyong sensitibo o impormasyong
hindi para sa pampublikong gamit.
✓ Ang indibidwal na nagpost ng anumang mensahe o pahayag ang siyang
may resposibilidad dito.

http://www.pngall.com/monitor-png

7
Pagyamanin
Pangalan: _______________________________ Baitang & Seksyon:________________

Asignatura: ______________________________ Aralin: ___________________________

Gawain A.
Panuto: Gumuhit ng masayang mukha kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng tamang gawi at malungkot na mukha kung hindi.

_________1. Gumawa si Nestor ng isang mensahe na ibig niya ipost sa Facebook


tungkol sa kayang kaklase dahil sa kanyang pagkainis at sobrang
galit.
_________2. Nagkaroon ang grupo ng mag-aaral ng isang discussion forum. Isa
sa mga ito ang nagtanong na malayo sa pinag-uusapan.
_________3. Binasa muna ni Angie ang thread ng usapan bago sya muli
magpost upang maiwasan ang pagkadoble nito.

_________4.Nagpost ng isang advertisement si Lina sa isang chat na sinalihan


niya.

_________5. Sumasali si Carlo sa isang discussion forum kailanman hindi niya


ginawang magpost ng mga sensitibong o masamang mensahe.

Gawain B
Panuto: Basahin ang maiksi na sanaysay ni Lito at sagutin ang mga tanong niya.
Isulat sa sagotang papel ang mga sagot.

Ako ay si Lito, mag-aaral sa ikalimang baitang. Sinabihan


ako ng aking guro na sumali sa isang discussion forum
tungkol sa COVID-19. Ito ang unang pagkakataon na sasali
ako ng discussion forum. Maari ba ninyo isulat ang mga
panuntunan sa pagsali ng discussion forum? Para alam ko
ang aking gagawin. Salamat sa inyo.

Mga Panuntunan sa Pagsali ng Discussion Forum

8
Isaisip

Tandaan:

Ang discussion forum at chat ay malayang nasasalihan ng mga


taong gumagamit ng Internet upang magbigay o magpost ng
mensahe subalit kailangan itatak sa isipan na may mga
panuntunan na dapat sundin upang maging maayos ang pagsali.

• Iwasan ang paggamit ng mga salitang balbal (slang),


pagmumura, o cyberbullying.
• Sumunod sa mga panuntunan na nilikha ng mga
nangangasiwa ng chat o discussion forum.

Galing sa https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector

Isagawa

Panuto: Gamit ang Bubble map na graphic organizer, isulat ang mga panuntunan
sa pagsali ng discussion forum at chat sa kuwaderno.

9
Tayahin

Pangalan: ____________________________Baitang & Seksyon:________________


Asignatura:_____________________________Aralin: _________________________

Panuto: Basahin ang bawat aytem. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng tamang asal at Mali kung nagpapakita ng masamang asal. Isulat
ang sagot iyong sagot sa sagutang papel.

______________1. Unang pagsali pa lang ni Marko sa isang discussion forum.


Nagpadala kaagad siya ng larawan nila ng kanyang mga kaibigan.

______________2. Nakatanggap si Jose ng emoticons sa isa sa kanyang mga


mensahe. Ito ay kanyang sinagot din ng emoticon ang kanyang mga
kaibigan.

______________3. May asigntura si Katelyn at gusto niya pagtulong sa


kanyang mga kaibigan sa FB messenger kaya tinawagan niya ang
mga ito. Sila ay nagtulungan sa pagsagot ng asignatura gamit ang
messenger.

______________ 4. Sumali sina Cris at Kolleen sa isang discussion forum. Nagpadala


sila ng mga mensahe na naayon sa thread o pinag-uusapan sa
discussion forum at sila ay magiliw na nakisali sa talakayan.

______________ 5. Galit ang mga barkada ni Niko sa kanya dahil hindi siya
tumulong sa paggawa ng kanilang proyekto. Naisipan ng kanyang
mga barkada na magpost ng kanyang nakakatawang larawan na
walang pahintulot niya sa Messenger.

10
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat kung anong panuntunan ang naipapakita sa bawat sitwasyon ng


bawat pangungusap.
• Isang araw si Carlo ay sumali ng isang disussion forum tungkol sa mga paraan
ng paggawa ng organikong abono. Isa sa mga kasali roon ay nanghihingi ng
isang dokumento na gagamitin sa kanyang proyekto. Naisipan ni Carlo na
ibahagi ang kanyang dokumento ngunit hindi naman ito sa kanya dahil may
mga kasama siya sa paggawa nito. Ano kaya ang mabuti niyang gawin?

Tanong: Anong panuntunan ito naaayon?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Gawain B. Gumawa ka ng iyong sariling email account gamit ang Gmail.


Isulat dito ang iyong email account: ______________________________

Sanggunian
Aklat:

Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 pp. 12 – 18 ( Batayang Aklat)


EPP5.EntreICT_Q2.LM.pdf

Online sources:

http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/division-lrmds-team.html
https://www.onlineclassassist.com/how-to-participate-in-online-discussion-
forums-like-a-pro/
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector
http://www.pngall.com/monitor-png
www.bitmoji.com

11

You might also like