You are on page 1of 9

Kagawaran ng Edukasyon

EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN (EPP) 5
ICT/ENTREPRENEURSHIP
Ligtas at Responsableng Pamamaraan sa
Pagsali sa Discussion Forum at Chat

Ikalawang Markahan – Ikaapat na Linggo

Jennifer S. Geronimo
Manunulat

Raquel M. Montaňa / Maria Hazel B. Herrnandez


Tagasuri

Virginia Cagampang,
Dr. Jane May C. Valbuena at Dr. Antonio C. Gagala
Quality Assurance Team

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

ii
Sa Self Learning Module (SLeM) na ito, matututunan mo ang mga
dapat isaalang-alang para sa ligtas na paggamit ng discussion forum at
chat box, maging ang responsableng paggamit ng mga gadyet tulad ng
kompyuter, cellphone o tablet. EPP5IE-0c-8

PANUTO: Lagyan ng tsek ( / ) ang icon ng batang lalaki na nakataas


ang kamay kung may kaalaman o kasanayan ka na sa mga
sumusunod na tanong. Lagyan mo naman ng ( X )ang icon ng batang
lalaki na naka-cross ang kamay kung wala pang kaalaman.

1. Nakagagawa ng sariling account upang


makasali sa isang discussion forum or
group chat
2. Nakasusunod sa usapan sa isang
discussion forum at chat
3. Natutukoy ang mga website na
nagbibigay ng serbisyo tulad ng
discussion forum at chat
4. Nakasasali sa mga group chat
5. Nakapagpopost ng sariling mensahe
sa discussion forum at chat
6. Naisasaalang-alang ang tamang
pag-uugali sa paggamit ng internet o
pagsali sa isang discussion forum o chat
7. Nakapagbabahagi ng makabuluhang
impormasyon sa group chat

8. Nakapipili ng mga larawang


ibinabahagi sa discussion forum or group

3
chat

9. Bawal ang pagpopost ng mga


larawang sensitibo sa paningin
10. Nakapagbabahagi nang maayos na
mga pananalita at makabuluhang mga
usapan.

Sagutin:
A. Magbigay ng limang (5) application (apps) kung saan pwede kang
makapag-chat o makasali sa isang discussion forum.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
B. Magbigay ng tatlong (3) panuntunan sa pagsali sa discussion
forum o chat.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Suriin ang mga larawan sa ibaba.


1. Pamilyar ba kayo sa mga larawan na inyong nakikita? __________
2. Paano ninyo maisasagawa ng ligtas at responsable ang pagsali
sa usapan gamit ang mga website na ito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4
Mga Dapat Isaalang-alang sa Ligtas at Responsableng Pagsali sa
Discussion Forum at Chat.
1. Iwasan ang pagbibigay ng mga pribadong impormasyon lalo sa
mga taong nakilala mo lang sa chat.
2. Gamitin lamang ang mga ligtas na search engine sa internet.
Hal.: www.kidzui.com, www.kids.aol.com, www.surfnetkids.com
3. Ipinagbabawal ang pagpopost ng mga sensitibo o impormasyong
hindi para sa pampublikong gamit.
4. Gumawa ng alyas at ibigay mo lang ang tunay na pangalan sa
iyong mga kaibigan.
5. Huwag makikipagkita sa taong nakilala mo lang sa pakikipagchat.
6. Ipagbigay-alam agad sa magulang kung mayroong nagpapadala sa
iyo ng mga mensaheng hindi kaaya-ayang basahin o makita.
7. Tingnan ang friends list ng mga nagpapadala ng friend request,
kung hindi mo kilala ang mga tao sa friends list, huwag itong
tanggapin.
8. Alamin ang pagkakaiba ng pribado at publikong impormasyon.
9. Huwag ibigay ang password kaninuman maliban sa magulang.
Pumili ng password na mahirap mahulaan at palitan ito kung
kinakailangan.
10. Iwasan ang pagbibigay ng iyong litrato kahit sabihin pang
bibigyan ka din niya ng kanyang litrato.

Halimbawa ng Chat Box

5
Halimbawa ng Discussion Forum/Board

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng mga Gadyets


(Kompyuter, Cellphone, Tablet, atbp.)

1. Maayos ang pinaglalagyan ng kompyuter, cellphone o tablet.


2. Iwasan maglagay ng mga inumin at pagkain malapit sa iyong
gadyets.
3. Patayin ang wi-fi kung hindi mo ito ginagamit.
4. Huwag gamitin ang gadyet kung ito ay naka-charge.
5. Bago matulog siguraduhin na napatay ang lahat ng gadyets,
naka-off ang koneksyon ng internet at malayo ito sa iyong ulunan
o higaan upang maiwasan ang radiation.

GAWAIN A:
Panuto: Gumawa ng maikling skit o kwento kung saan nagtuturo ito
o nagsasaad ng ligtas na pamamaraan sa pagsali sa chat box. Isulat
ang sagot sa papel.
Halimbawa: May “friend request” pero walang picture ang profile ng
nagpadala ng request kaya tatanungin nya ang kaibigan nya kung ano
ang dapat nyang gawin para masiguradong ligtas siya.
GAWAIN B:
Panuto: Gumawa ng mga patakaran na pwede nating gamitin para sa
reponsableng paggamit ng kompyuter. Isulat ang sagot sa papel.
Halimbawa: Siguraduhin na nakapatay ang kompyuter at nakahugot
sa mga saksakan pagkatapos gamitin.

6
Ang pagsali sa mga discussion forum o chat ay isang nakalilibang
na gawain, bukod dito isang paraan ito upang madagdagan ang iyong
kaalaman sa iba’t ibang bagay. Subalit, dapat nating laging isaisip
ang kaligtasan natin bilang isang indibidwal. Hindi lahat ng ating
nakikita sa internet ay nakabubuti para sa atin katulad din ng hindi
lahat ng ating nakikilala ay pwede nating maging kaibigan. Kaugnay
nito, dapat din nating isaalang-alang ang ating mga kagamitan tulad
ng kompyuter o cellphone o tablet. Mahalaga na alam natin ang
responsableng paggamit at pag-iingat sa mga ito upang
mapakinabangan natin nang matagal.

Bakit kailangan na maging maingat tayo sa pakikipag-chat?


Ano ang kahalagahan kapag nasisinop natin ang ating mga gadyet
tulad ng kompyuter, cellphone o tablet?

PANUTO: Magdrawing ng puso ( ) kung TAMA at ligtas ang


pamamaraan sa pakikipag-chat o pagsali sa discussion forum; broken

heart naman ( ) kung MALI ang pamamaraan na sinusunod.

TANONG TAMA MALI


1. Tanggapin ang lahat ng
nagpapadala ng friend request.
2. Ipaalam sa magulang ang iyong
password.
3. Sumagot kaagad sa pakikipag-chat
dahil naghihintay ng agarang sagot
ang kausap.

7
4. Hindi na dapat magpaalam sa
kausap bago mag-offline.
5. Huwag makikipagkita sa taong
nakilala mo lang sa chat.
6. Iwasan ang pagbibigay ng litrato sa
ka-chat.
7. Ibigay ang lahat ng personal na
impormasyon sa iyong ka-chat.
8. Alamin ang pribado at publikong
impormasyon.
9. Hayaang naka-charge ang iyong
gadyet magdamag.
10. Ilayo ang mga inumin o pagkain
sa gadyet.

Sanggunian:
www. Google.com
Gloria A. Peralta,et.al. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa
Kaunlaran 5, K-12 Grade 5 p.14-15
SUSI SA PAGWAWASTO:
UNANG PAGSUBOK:
Malayang pagsagot

BALIK-TANAW:

A. 1. zoom 2. google meet 3. snapchat

4. messenger 5. skype atbp.

B.

1. Siguraduhing nasusunod ang netiquette o mga kagandahang-asal

sa internet.

2. Nasusunod ang itinakdang patakaran ng moderator.

3. Bawal ang pagpopost ng mga sensitibong mga litrato.

4. atbp.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN:

Malayang pagsasagot

PANG-WAKAS NA PAGSUSULIT:

8
1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

REFERENCES:
https://ipark.hud.ac.uk/content/discussionboards#:~:text=You%20sho
uld%20avoid%20being%20sharp,students%20responsible%20for%20thei
r%20thinking.

• You should know the person. ...


• Start with a short greeting. ...
• Be mindful of the receiver's preferred style of communication. ...
• Keep the conversation short. ...
• Be careful with abbreviations. ...
• Never send bad news via IM. ...
• Don't change meeting times or venues in an IM.

Useful Links to Websites or Resources for Brightspace

Written guide on how to create a Discussion Forum in Brightspace

Written guide on how to create a Discussion Topic in Brightspace

Written guide on how to create a Discussion Thread in Brightspace

Screencast on how to create a Discussion Forum in Brightspace

Screencast on how to create a Discussion Topic in Brightspace

Screencast on how to create a Discussion Thread in Brightspace

9
Promoting learning through asynchronous discussion:
http://cammybean.kineo.com/2010/02/edtechtalk-episode-5-promo
ting-learning.html

Discussion management tips for online educators


http://elearnmag.acm.org/featured.cfm?aid=1621155

Extending the Classroom into Cyberspace: The Discussion Board


http://www-usr.rider.edu/~suler/psycyber/extendclass.html

References to Scholarly Articles:

Dorothy J Della Noce, Scheffel, D. L., & Lowry, M. (2014). Questions


that get answered: The construction of instructional conversations on
online asynchronous discussion boards.Journal of Online Learning
and Teaching, 10(1), 80.

Hudson, K. A. (2014). Teaching nursing concepts through an online


discussion board. Journal of Nursing Education, 53(9), 531-536

Aloni, Maya; Harrington, Christine (2018). Research based practices


for improving the effectiveness of asynchronous online discussion
boards.

Osborne Debora M.Byrne Jacqui H. Massey Debbie L J ohnston Amy


N.B. (2018). Use of online asynchronous discussion boards to engage
students, enhance critical thinking, and foster
staff-student/student-student collaboration: A mixed method
study. Volume 70, Pages 40-46.

Deborah Delaney, Tyge‐F. Kummer, Kishore Singh (2018). Evaluating


the impact of online discussion boards on student engagement with
group work. Volume50, Issue2

10

You might also like