You are on page 1of 4

EPP 4 ICT - WEEK 2: MODULE 2

WORKSHEET # 2

PANGALAN: _____________________________________ SECTION: ______________

Ligtas at Responsableng Paggamit ng Computer, Internet at Email

I. Layunin
1. Naipapaliwanag ang mga kaalaman at panuntunan sa paggamit ng
computer, internet, at email bilang mapagkukunan ng iba’t ibang uri ng
impormasyon.
2. Nagagamit ang computer, internet, at email sa ligtas at responsableng
pamamaraan.
II. Sanggunian: Quarter 1 Week 2 Module 2

Dapat maging ligtas at kapaki-pakinabang ang lahat sa


paggamit ng kagamitan at pasilidad sa Information and
Communication Technology (ICT) katulad ng computer, email,
at internet. Kailangang mahusay na mapag-aralan at
maunawaan ang mga gabay sa ligtas at responsableng
paggamit ng computer, internet, at email.

A. Panuto: Isulat ang T sa patlang kung tama ang pangungusap at M


naman kung mali.

____T______1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha


ng impormasyon ang paggamit ng mga ICT
equipment at gadgets.

____M______2. Dapat gumamit ng internet sa paaralan


anumang oras at araw.
____M______3. Maaaring magbigay ng personal na
impormasyon sa taong nakilala mo gamit ang Internet.

____T______4. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakita mo sa internet


na hindi mo naiintindihan.

____M______5. Ibigay ang password sa kamag-aral upang


magawa ang output sa panahong liliban ka sa klase.

B. Panuto: Bilugan ang pinakamabuting sagot ayon sa mga dapat


isaalang- alang sa paggamit ng computer.

1. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong


gawin ay;
a. buksan ang computer at maglaro ng online games
b. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin
c. kumain at uminom
d. makipagkwentuhan sa kaklase

2. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online


message,” ano ang dapat mong gawin?
a. Panatilihin itong isang lihim.
b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag
ka na niyang padalhan ng hindi naaangkop na
mensahe.
c. Sabihin sa mga magulang upang magkaroon sila ng
mensahe sa Internet Service Provider.
d. Ipagkalat ito sa buong klase.

3. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa


mga ito ang dapat gawin?
a. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang
oras na naisin ko.
b. Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin
ang instant messaging para makipag-ugnayan sa
aking mga kaibigan.
c. Maaari ko lamang gamitin ang internet at
magpunta sa maaayos o mga pinayagang
websites kung may pahintulot ng guro.
d. Maaari akong magbukas ng kahit anong web sites.

4. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad


ng mga numero ng telepono o address ngunit hindi mo
siya kilala, ano ang dapat mong gawin?
a. Ibigay ang hinihinging impormasyon at magalang
na gawin ito.
b. I-post ang impormasyon sa anumang pampublikong
websites tulad ng Facebook, upang makita
ninuman.
c. Iwasang ibigay ang personal na impormasyon
online, dahil hindi mo batid kung kanino ka
nakikipag-ugnayan.
d. Ibigay ang iyong impormasyon ng walang pag-
aalinlangan.

5. Nakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer na


sa iyong palagay ay hindi naangkop, ano ang dapat
mong gawin?
a. Huwag pansinin. Balewalain.
b. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan.
c. Ipaalam agad sa nakatatanda.
d. I-share ang impormasyon sa kaklase.
C. Panuto: Isulat sa graphic organizer ang 5 halimbawa ng tamang
pamamaraan sa paggamit computer, internet o email

1. WAG MAGBIGAY NG PERSONAL NA IMPORMASYON.


2. GAMITIN LAMANG ITO NG MAY PAHINTULOT NG GURO O
NAKAKATANDA.
3. HUWAG MAGBABAD SA HARAPAN NG COMPUTER.
4. HUWAG MAG DOWNLOAD NG KAHIT NA ANO MALIBAN KAPAG
SINABI NG GURO.
5. HUWAG MAKIPAG USAP SA HINDI KILALANG TAO NA NAKITA SA
COMPUTER.

You might also like