You are on page 1of 7

SANTA CRUZ CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)


4
Quarter 1 – Module 9
Bahagi at Instrumento sa Aking Pagkakatuto

Alamin Natin
Nakapagninilay ng katotohanan batay sa mga nakalap na impormasyon
nababasa sa internet at mga social networking sites
EsP4PKP – Ie – g – 25

Subukin Natin
Panuto: Lagyan ng salitang Tama ang mga gawain na nagpapakita ng nakabubuti sa paggamit
ng internet. Mali naman kung ito ay nakasasama. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

__________1. Nakapagsasaliksik ng agham at teknolohiya para sa takdang aralin.

__________2. Nakapaglalaro ng online games.

__________3. Manoon ng mga sites na may malalaswang panoorin.

__________4. Nakagagawa ng blog site tungkol sa mga magagandang mapupuntahan sa Santa Cruz.

__________5. Nakakapag-upload ng marahas na palabas.

Aralin Natin
Panuto: Basahin ang nasa ibaba.

Bago natin simulan ang leksyon atin munang ayusin ang mga halo - letra na may kaugnay sa
internet at teknolohiya.

1. martagsin ________________
2. allgeyr___________________
3. koafboce ________________
4. oyuetub _________________
5.netertin___ _______________

1
Internet: For Better or For Worse (Nakabubuti o Nakasasama}

Ang pagtuklas ng katotohanan ay nagiging mas mabisa lalo na kung ito ay ginagamitan ng
pananaliksik. Sa tulong ng internet, isang pindot mo lang sa computer ay makikita mo na ang
gusto mong malaman. Gayunpaman, dapat tayong maging mapanuri sa ating mga pinapasok na
site o blogsite sa internet.

Upang magamit natin nang tama ang internet, kailangan nating malaman ang mga salitang dito
ay umuugnay.

Narito ang mga clue upang mas lalo kang magabayan sa iyong paglalaro.

1. Instagram - Karaniwang pinapanatili ng isang indibidwal na may regular na mga entry ng mga
komentaryo, ang paglalarawan ng mga pangyayari, o iba pang materyales tulad ng mga graphic o
video.

2. Gallery - Isang app sa mobile phone na nakapagstore ng mga larawan at video.

3. Facebook - maaaring magdagdag din ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila,


at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang
tungkol sa kanilang sarili.

4. Youtube - isang uri ng website na maaaring gamitin upang makapanood ng video o palabas.

5. Internet - Ang magpakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa
buong mundo.

Tunay na napakahalaga ng paggamit ng internet o teknolohiya sapagkat napapadali ang


mga gagawing pananaliksik lalong-lalo na sa mga mag-aaral na naghahanap ng kalutasan sa mga
naibigay na takdang aralin: Paggawa ng pagsasaliksik, ulat pasalaysay at marami pang iba. Sa
pamamagitan na lamang ng pag-browse sa internet, napagagaan ang kanilang gawain at natututo
rin ang mag-aaral na mapalawak ang kaalaman sa larangan ng anumang disiplina.

Gawin Natin
Itala sa loob ng iginuhit na computer ang iyong opinyon tungkol sa epekto ng paggamit ng
internet. Sa unang computer itala ang positibong epekto at sa pangalawa naming computer ang
negatibong epekto nito.

POSITIBONG EPEKTO NEGATIBONG EPEKTO

2
Sanayin Natin
Panuto: Lagyan ng salitang Tama ang mga gawain na nagpapakita ng nakabubuti sa
paggamit ng internet. Mali naman kung ito ay nakasasama. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

_____1. Nakapagbabasa ng mga e – mail na may katuturan sa buhay ng simpleng mag – aaral na Pilipino.
_____ 2. Nakapagpahayag ng mga masasamang salita sa Skype.
_____3. Nakakapag – Facebook nang mga mabubuting buong araw.
_____4. Nakapaglalagay ng mga mabubuting mensahe sa instagram na hindi nakakasira ng pagkatao ng
isang kaklase.
____5. Nabibigyan ng tamang impormasyon ang mga kaibigan tungkol sa COVID 19 sa aming lugar.

Tandaan Natin

Tunay na napakahalaga ng paggamit ng internet o teknolohiya sapagkat napapadali ang


mga gagawing pananaliksik lalong-lalo na sa mga mag-aaral na naghahanap ng kalutasan sa
mga naibigay na takdang aralin: Paggawa ng pagsasaliksik, ulat pasalaysay at marami pang
iba. Sa pamamagitan na lamang ng pag-browse sa internet, napagagaan ang kanilang gawain
at natututo rin ang mag-aaral na mapalawak ang kaalaman sa larangan ng anumang disiplina.
Malaki ang epekto sa atin ng internet. Subalit hindi lahat ng nababasa sa internet ay
totoo at tama. Kailangang maging mapanuri sa mga binabasa o pinupuntahang sites. Marami
ring sites na nagbibigay ng kalaswaan at karahasan.
Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang
aspekto ng kaalaman at edukasyon. Subalit kailangang nating tandaan na nararapat nating
gamitin ito nang wasto. Huwag nating hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang
teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masamang epekto kapag ito ay hindi ginamit
sa tamang paraan.

Suriin Natin
Sagutin ang mga tanong:

1. Tungkol saan ang mga nabuo mong salita?


A. Pamumuhay C. Pag-aalaga B. Internet D. Paglalakbay
2. Alin sa mga ito ang nakatulong sa iyo sa paghahanap ng kasagutan sa iyong mga
naiisip na opinyon?
A. Makikipagtsismisan sa kapitbahay
B. Sumangguni sa nakakatanda
C. Magsaliksik sa kahit na anong site sa internet
D. Maghanap ng nakakatulong at tamang site sa internet para makakahanap ng kasagutan sa
mga naiisip na opinyon.
3. Kung wala ang internet, paano ka kaya makahahanap ng kasagutan sa mga tanong mula
sa iba’t ibang asignatura?
A. Pupunta sa silid-aklatan at maghanap ng aklat na mayroong topiko tungkol sa aking asignatura.
B. Manood ng karton na palabas sa telebisyon sakaling may makukuha kang sagot sa asignatura.
C. Hayaan na lang ang asignatura at maglaro na lamang.

3
D. Makinig ng drama sa radyo.

4. Paano ba nakakaapekto ang teknolohiya sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?


A. Hindi dahil wala naman itong matutulong.
B. Siguro dahil naaaliw naman ako sa paggamit nito.
C. Oo dahil nakakatulong ito upang mapadali ang komunikasyon.
D. Minsan dahil nauubos ang oras ko sa panunood ng mga palabas sa YouTube.
5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng magandang epekto ng
teknolohiya?
A. Nakakatulong sa pagsasaliksik upang masasagot ang mga asignatura lalong lalo na sa
larangan ng siyensya.
B. Nagkaroon ng pagkakataon na maipahayag sa pamamagitan ng paglathala ng kanyang
nagawa na makakatulong sa kapwa.
C. Napapadali ang komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa malalayong kamag-anak a at kaibigan.
D. Lahat ng nabanggit

Payabungin Natin

Batay sa sumusunod na sitwasyon suriin ang sarili bilugan ang puntos kung nasa anong lebel mo
makakategorya ang iyong sarili sa pagtuklas ng katotohanan gamit ang internet.

PUNTOS KATEGORYA
1-2 Hindi Mahusay
3-4 Medyo Mahusay
5-6 Mahusay
7-8 Mahusay na mahusay

Batay sa iyong sagot masasabi mo ba na hindi ka umaabuso sa paggamit ng internet?

_______1. Napabilis ang pagkuha ng mga impormasyon na kailangan para sa aralin.


_______2. Nalalaman ko kung nanalo ang paborito kung kalahok sa isang paligsahan.
_______3. Nagagamit ang teknolohiya sa paggawa ng asignatura lalong lalo na sa Science.
_______4. Sa tamang paggamit ng internet nagkakaroon ng magandang karanasan sa pag-aaral.
_______5. Sinusuri kong mabuti kung makabuluhan ba ang impormasyon na aking nakukuha sa
internet.

Pagnilayan Natin

Masusing pag-aralan ang positibo at negatibong epekto na naitala mo sa loob ng computer. Alin
dito ang makakatulong at may kabuluhan?

Susi sa Pagwawasto
4
Subukin Natin Sanayin Natin Suriin Natin
1. Tama 1. Tama 1.Mahal magkasakit.
2. Mali 2. Mali 2. Ang COVID 19 ay isang virus.
3. Mali 3. Tama 3. Bawal lumabas ng walang
4. Tama mask.
4. Tama
5.Mali 4. Ang sikat ng araw ay
5. Tama nagbibigay ng bitamina D

5. Pangunahing pagkain ng mga


Pilipino ay bigas.

6. Mas marami ang gumaling sa


COVID kesa namatay.

5
Sanggunian
Abac, Felamer E; Amoyen, Gina A; Antiquiera,
Jesusa M; Bringas, Henrieta A; Catapang,
Rolan B; Gonzales, Isabel M, Ortega, Noel S,
Pandino, Reyes, Adelaida M; Soriano, Portia R;
Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikaapat na
Baitang Kagamitan ng Mag – aaral: Unang
Edisyon 2015

www.image.com
www.google.gif.com

6
7

You might also like