You are on page 1of 8

Panuntunan sa Paggamit

ng
Computer, Internet at Email
Panuntunan sa Paggamit ng
Computer, Internet at Email
• A. Magkaroon lamang ng takdang oras kung hanggang kailan
maaring gumamit ng computer at internet.
• B. Piliin lamang ang mga website na maaaring puntahan para
sa iyong edad.
• C. Mag-install ng internet content filter o magpatulong sa
nakatatanda upang masala ang mga kapaki-pakinabang na
impormasyon na maaaring ma download o mabasa
• D. Makipag-ugnayan o makipagchat lamang sa mga taong
lubos na kakilala.
Panuntunan sa Paggamit ng
Computer, Internet at Email
• E. Sundin ang wastong paggamit ng mga Social Networking
Sites, Email, at Instant Messaging.
• F. Huwag pupunta sa mga sites na mayroong malalaswang
impormasyon, grapiko o video.
• G. Gamitin ang computer at internet sa paaralan para sa
layuning pang-edukasyon lamang.
• H. Iwasan ang pagkain o pag-inom sa loob ng computer laboratory.
• I. Iwasang magbigay o maglathala ng mga personal na
impormasyon sa ibang tao tulad ng email address, contact
number, at tirahan gamit ang computer, internet, at email.
Panuntunan sa Paggamit ng
Computer, Internet at Email
• J. Gumamit lamang ng mga ligtas na search engine sa internet.
• K. Gumamt ng password na mahirap hulaan at di madaling ma access
ng iba.
• L. Huwag ipamimigay ang password kaninuman maliban sa mga
magulang.
• M. Siguradihing nka-log-out sa mga sites na iyong binuksan.
• N. I-shutdown ang computer kung tapos na itong gamitin.
ASSESSMENT
Isulat ang TAMA o MALI ayon sa ipinapahayag sa bawat bilang.
1. Maaring gumamit ng facebook at messenger kung hindi nakatingin
ang guro.
2. Ibigay ang password ng email sa katabing kaklase upang ma-access
nya ito kung ikaw ay liban.
3. Iwasan ang pakikipag chat sa mga taong di lubos na kakilala.
4. Ibigay sa magulang ang email address at password.
5. Magkaroon lamang ng takdang oras sa paggamit ng computer.
6. Ilagay ang pagkain at inumin malayo sa computer.
ASSESSMENT
7. Pumasok sa isang chat room at mkipagchat sa mga taong nkaonline.
8. Iwasang mag log out sa mga sites na inyong pinuntahan upang di ka
na mag log-in sa susunod na buksan mo ito.
9. Isapubliko ang iyong email address at contact number upang madali
kang matunton ng sino man.
10. Maaaring gamitin ang video chat para sa mga kamag-anak na
malayo na nais mong Makita.
ASSIGNMENT
• Ano ang magiging epekto sa iyo ng sobrang paggamit
ng computer at internet (facebook, messenger at
online games)?

You might also like