You are on page 1of 23

Dapat maging ligtas at kapakipakinabang sa lahat

ang paggamit ng kagamitan at pasilidad sa


Information and Communication Technology (ICT)
katulad ng computer, email, at internet. Kailangang
mahusay na mapag-aralan ang mga gabay sa ligtas
at responsableng paggamit ng computer, internet, at
email sa paaralan.
Bago simulan ang gawain, subukin mong gawin ang
sumusunod. Maglagay ng tsek () sa hanay ng
thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs
down icon kung HINDI.
Kasanayan sa Ligtas at Responsableng Paggamit ng Computer, Internet, at Email

1. Natitiyak na ligtas at maayos ang pinaglalagyan ng


computer.
2. Nakauupo nang tuwid at nakalapat ang mga paa
tuwing gumagamit ng computer.
3. Nakakasaliksik ng impormasyon sa mga sites sa
internet.
4. Natutukoy ang mga panganib na dulot ng paggamit ng
Internet at nakaiiwas dito.
5. Nakapagse-share o nagpapamahagi ng files sa mga
kamag-aral upang makatulong sa paggawa ng takdang-
1. Ano-ano ang mga kagamitang nakikita mo sa bahay,
paaralan, at mga lugar-pasyalan na produkto ng makabagong
teknolohiya?

2. Makatutulong ba ang pagkakaroon ng mga kagamitang


ito? Bakit?
Information Technology (IT)
pamamaraan
kasangkapan
teknolohiya

Tumutulong sa mga tao upang makakuha ng


impormasyon, maproseso ito, maitago, at maibahagi.
Itinuturing din itong Sining at
Agham:
• pagtatala (recording)
• pag-iingat (storage)
• pagsasaayos (organizing)
• pakikipagpalitan (exchange)
• pagpapalaganap ng impormasyon (information
dissemination).
Salik sa paggamit ng
Computer,Internet at email

Exposure o pagkalantad ng mga di-


naaangkop na materyales. o Maaari
kang makakita ng materyales na
tahasang seksuwal, marahas, at
ipinagbabawal o ilegal.
Salik sa paggamit ng
Computer,Internet at email

Viruses, Adware, at Spyware o Maaaring


makakuha ng mga virus sa paggamit ng
Internet na maaaring makapinsala sa
mga files at memory ng computer at
makasira sa maayos nitong paggana.
Salik sa paggamit ng
Computer,Internet at email

Paniligalig at Pananakot o
Harassment at Cyber bullying o
Maaari ka ring makaranas ng
cyber bullying o malagay sa
peligro dahil sa pakikipag-
ugnayan sa mga hindi kakilala.
Salik sa paggamit ng
Computer,Internet at email
Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan o
Identity Theft
o Ang naibahagi mong personal na
impormasyon ay gamitin ng ibang
tao sa paggawa ng krimen. Maaaring
ding makuha ang impormasyon na
hindi mo nalalaman o binibigyang
pahintulot. Ito ang tinatawag na
identity theft o fraud.
Ang ilan sa mga kasiya-siya at tamang pamamaraan sa paggamit ng
computer, internet, at email ay ang sumusunod:

• Tiyakin/itakda kung aling websites ang maaaring bisitahin at kung


gaano katagal maaaring gumamit ng kompyuter, internet at email.

• Magpa-install o magpalagay ng internet content filter. Magagamit ito


upang ang kapakipakinabang na nilalaman lamang ang mababasa at
maida-download gamit ang Internet.

• Makipag-ugnayan lamang sa mga kakilala o kaibigan tuwing online.


Sundin ang tamang gabay na itinakda sa paggamit ng mga social
networking, instant messaging, email, online gaming, at webcam.
ILANG DAPAT ISAALANG-ALANG PARA
SA LIGTAS NA PAGGAMIT NG INTERNET
• Magkaroon ng malinaw na patakaran ang paaralan sa paggamit ng kompyuter,
internet, at email.
• Ipagbawal ang pagdadala ng anumang pagkain o inumin sa loob ng computer
laboratory.
• Alamin ang pagkakaiba ng publiko at pribadong impormasyon.
• Ingatan lahat ng kagamitan sa loob ng computer laboratory. Sundin ang mga
direksiyon ng guro tungkol sa tamang paggamit ng anumang kagamitan.
• Ang pasilidad ng internet ay para sa layuning pang-edukasyon lamang. I-access o
buksan ang internet sa pahintulot ng guro. Bisitahin lamang ang mga aprobadong
sites sa internet.
• Huwag maglathala, magbigay, o mamahagi ng anumang personal na impormasyon
tungkol sa iyo o sa ibang tao (katulad ng tirahan, email address, telepono).
ILANG DAPAT ISAALANG-ALANG PARA
SA LIGTAS NA PAGGAMIT NG INTERNET
• Ipinagbabawal ang paggamit ng chat rooms na maaaring magdulot ng
kapahamakan para sa mag-aaral.
• Gamitin lamang ang mga ligtas na search engine sa internet.
Halimbawa: www.kidzui.com www.kids.aol.com www.surfnetkids.com
• Pumili ng password na mahirap mahulaan, at palitan ito kung
kinakailangan.
• Huwag ibigay ang password kaninuman (maliban sa mga magulang)
at siguraduhing naka-log-out ka bago patayin o i-off ang kompyuter.
• I-shut-down ang kompyuter at i-off ang koneksiyon ng internet kung
tapos nang gamitin ang mga ito. Huwag hayaang nakabukas ang mga
ito kapag hindi ginagamit.
Gawain A: Tseklist sa Tamang
Posisyon sa Paggamit ng
Computer
PAMANTAYAN SA TAMANG PAGGAMIT NG COMPUTER
Isagawa ang mga sumusunod. Lagyan ng tsek () ang hanay ng icon na
napili.

1. May sandalan ang upuan at maaaring i-adjust


ang taas nito.
2. Habang nagta-type,mas mababa nang kaunti ang keyboard
sa kamay.
3. Bahagyang nakaangat ang kabilang dulo ng
keyboard.
4. Nakaupo nang tuwid at nakalapat ang mga paa.
5. Tama lang at hindi masyadong mahigpit ang
pagkakahawak sa mouse at naiki-click ito nang mabilis.
6. Walang liwanag na nakatapat sa screen ng
monitor. Tinaasan o binabaan ang liwanag o brightness
ng monitor hanggang sa maging komportable na ito sa iyong
paningin.
Gawain B: Mag-Skit Tayo…
1. Bumuo ng anim na grupo.
2. Ang bawat grupo ay tatalakay tungkol sa responsableng
paggamit ng computer, internet, email, at ang mga kaakibat na
panganib na dulot nito. Tingnan ang pagkakaayos ng grupo
batay sa paksang tatalakayin sa ibaba:
a. Pangkat 1 at 2: Responsableng Paggamit ng Computer
b. Pangkat 3 at 4: Repsonsableng Paggamit ng internet
c. Pangkat 5 at 6: Responsableng Paggamit ng Email
3. Gumawa ng skit o anumang uri ng presentasyon na
tumatalakay sa responsableng paggamit ng computer,
internet, at email. Ipakita ito sa klase.
Gawain C: Mga Gabay para sa Kasiya-siya at Responsableng
Paggamit ng Internet
Makibahagi sa talakayan tungkol sa mga gabay para sa ligtas at responsableng
paggamit ng internet.
Isulat sa graphic organizer sa ibaba ang mahahalagang alalahanin para sa ligtas
at responsableng paggamit ng internet.
Gawain D: Patakaran: Gawin Natin . . . Dapat Nating Sundin . .
Gamit ang dating grupo sa Gawain D, gumawa ng tigtatlong patakaran para sa sumusunod: a. Pangkat 1 at 2:
Patakaran sa Paggamit ng Computer
b. Pangkat 3 at 4: Patakaran sa Paggamit ng internet
c. Pangkat 5 at 6: Patakaran sa Paggamit ng Email

Isulat sa strips ng kartolina ang bawat patakarang mabubuo at idikit ang mga ito sa pader ng computer room.

Patakaran sa
Paggamit ng
Computer
Patakaran sa
Paggamit ng
Internet
Patakaran sa
Paggamit ng
Email
SUBUKIN MO!

A. Isulat sa notbuk ang T kung tama ang pahayag at M naman kung mali.
______1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng impormasyon
ang paggamit ng mga ICT equipment at gadgets.
______2. Dapat gumamit ng internet sa paaralan anumang oras at araw.
______3. Maaaring magbigay ng personal na impormasyon sa taong nakilala mo
gamit ang Internet.
______4. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakita mo sa internet na hindi mo
naiintindihan.
______5. Ibigay ang password sa kamag-aral upang magawa ang output sa
panahong liliban ka sa klase.
B. Piliin ang pinakamabuting sagot ayon sa mga dapat isaalang-alang sa paggamit ng computer.
1. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay:
a. buksan ang computer, at maglaro ng online games
b. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin
c. kumain at uminom

2. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online message,” ano ang dapat mong gawin?
a. Panatilihin itong isang lihim.
b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka na niyang padalhan ng hindi naaangkop na
mensahe.
c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service Provider.

3. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga ito ang dapat gawin?
a. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras na naisin ko.
b.Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang instant messaging para makipag-ugnayan sa
aking mga kaibigan.
c. Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpunta
sa aprobado o mga pinayagang websites kung may
pahintulot ng guro.
4. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad
ng mga numero ng telepono o address, dapat mong:
a. ibigay ang hinihinging impormasyon at magalang na
gawin ito.
b. i-post ang impormasyon sa anumang pampublikong
websites tulad ng Facebook, upang makita ninuman.
c. iwasang ibigay ang personal na impormasyon online,
dahil hindi mo batid kung kanino ka nakikipag-ugnayan.
5. Nakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer na
sa iyong palagay ay hindi naangkop, ano ang dapat
mong gawin?
a. Huwag pansinin. Balewalain.
b. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan.
c. Ipaalam agad sa nakatatanda.
Maglagay ng tsek () sa hanay ng thumbs up icon kung OO
ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI.
Kasanayan sa Ligtas at Responsableng Paggamit ng
Computer, Internet, at Email

• Natitiyak na ligtas at maayos ang pinaglalagyan ng computer.

• Nakauupo nang tuwid at nakalapat ang mga paa tuwing


gumagamit ng computer.

• Nakahahanap ng impormasyon sa mga safe at recommended


sites sa internet.

• Natutukoy ang mga panganib na dulot ng paggamit ng internet


at nakaiiwas dito.

• Nakapagse-share ng files sa mga kamag-aral upang


makatulong sa paggawa ng takdang-aralin.
MARAMING SALAMAT!!!!!

You might also like