You are on page 1of 9

ARALIN 7

LIGTAS AT RESPONSABLENG
PAGGAMIT NG KOMPYUTER, INTERNET,
AT EMAIL
ALAMIN
Maraming popular na social networking sites ang lubhang
kinahihiligan ng maraming tao sa buong mundo. Bata man o
matanda ay nahuhumaling sa iba't ibang sites na ito. Alam
mo ba kung ano-ano ang mga ito?
LINANGIN
Mahalaga ang masusing pag-aaral sa mga bagay
na masusumpungan sa patuloy na paggamit ng
kompyuter, Internet, at email upang makasiguro
sa iyong kaligtasan.
TEAM EMAIL TEAM CHANNEL
hello@reallygreatsite.com #reallygreatsite
Ang email ay ang maikling tawag sa electronic mail. Ito ay katulad
din ng isang ordinaryong liham subalit natatanggap gamit ang
Internet. Ang email ay nakararating din sa patutunguhan sa loob ng
ilang segundo lamang. Katulad din ito ng karaniwang liham na
nangangailangan ng eksaktong lugar o ng address upang
makarating sa kinauukulan, sa paggamit ng iyong email ay
kailangan mo rin ng email address. Kailangan mong lumikha ng
email account upang makapagpadala at makatanggap ng email
Ang pakikipag-chat online, sa pamamagitan ng video o sa pamamagitan ng
teksto ay isa sa napakapopular na paraan ng pagkonekta sa kamag anak,
kaibigan, katrabaho, at kakila saan mang sulok ng mundo. Maraming serbisyo sa
web ang nag-aalok ng chat tulad ng Google Hangout. Upang makipag chat
kailangan munang mag-sign in at imbitahin ang sinumang kaibigan o kakilala
upang magsimula ng chat.

Sa dahilang ang Internet ay ginagamit na ng napakaraming bilang ng tao sa


buong mundo, ang bawat sandali na ikaw ay nakaupo sa harap ng iyong
kompyuter at nakakonekta sa Internet ay kasama at kahalubilo mo na ang
maraming mga taong nakakonekta rin sa Internet.
May mga tamang asal na dapat tandaan sa bawat oras na ikaw ay
nakakonekta sa Internet, maging ikaw man ay nagsasaliksik o
nakikihalubilo sa pamamagitan ng social networking sites. Narito
ang ilan:

1. Isiping mabuti bago magpost ng anuman sa Internet Tandaan


na hindi lahat ng bagay na iniisip, nararamdaman, o ginagawa ay
dapat ipost. May mga pagkakataong magagamit ito upang
makasira sa iyo o sa ibang tao.
2. Maging magalang

Maraming mga bagay o pangyayari ang makikita at malalaman mo sa


Internet, lalo na sa social networking sites. Mag-isip na mabuti bago
makilahok sa anumang gulo o di-pagkakaunawaan na nakikita online.

3. Huwag payagang maging biktima ng cyberbullying


Ipagbigay alam sa mga magulang o nakatatanda kung nakakikita o
nakararanas ng cyberbullying.
4. Maging mapili sa mga kaibigan online

Huwag basta basta makikipagkaibigan o makikipagmabutihan sa isang


taong hindi mo pa gaanong kakilala. Ugaliing ilagay sa private ang
mahahalagang impormasyon ukol sa iyo. Gumamit ng privacy settings.

5. Igalang ang mga impormasyong nais kunin sa Internet

Kung ito man ay gagamitin o kokopyahin, siguruhing kinilala mo kung


sino at saan ito nagmula.
6. Huwag magpadala at sumagot sa mga hindi kaaya-
ayang mensahe na nakikita online

7. Maging tapat sa paggawa ng account at pagsali sa


social networking sites.

Sagutan nang tama ang mga impormasyong hinihingi.


Mahalaga ito upang maprotektahan ka sa paggamit ng
Internet.

You might also like