You are on page 1of 10

Imelda Elementary School

Netiquette
Prepared by:

MR. JUAN PAOLO S. MEJIA


ICT Coordinator
Ano ang ibig sabihin ng “NETIQUETTE”?

Ang netiquette ay hango sa


dalawang salitang ingles na "net" at "etiquette"
na ang ibig sabihin at tamang pag uugali na
maaring gawin ng isang tao habang siya ay
gumagamit sa mundo ng online o internet.
Gaya sa ating pangkaraniwang buhay,
mayroon ding tamang pag uugali na dapat
ginagawa ng mga tao kapag sila ay nakikipag
usap sa ibang tao at gumagamit ng internet
At sa pamamaraan ng
pag-aaral ngayon, nararapat na
matutunan ng mga bata ang
ilan sa mga Netiquette habang
nag-aaral Online
Ano ano nga ba ang mga Netiquette na
dapat sundin ng mga mag-aaral?
1. Tulungan, huwag tuyain, ang mga
baguhan (newbie) sa Internet.

Lahat tayo dumaan sa pagiging “bagito”. Kung


ikaw ay may kaalaman na sa paggamit ng internet
at iba’t ibang application ditto, tulungan ang mga
baguhan o nangangapan mo pa lamang na
kaklase.
2. Iwasan ang pakikipagusap sa
chat na gamit ang mga
malalaking letra sa keyboard.

Ito ay sumisimbolo na ikaw ay sumisigaw.


Hindi ito kaaya aya para sa iba lalo na kung
ang iyong kausap ay mas matanda na sa iyo.
Maging Magalang.
3. Matutong rumespeto sa opinyon ng iba.

Iwasang makipagtalo o makipag away lalo na sa social media.


Hindi lahat ng iyong makakausap ay sasang ayon sa iyo at
papanigan ka. Hindi magandang ugali ang nakikipagtalo sa
internet dahil marami ang nakakabasa ng iyong mensahe lalo
na kung ito ay nasa social media. Maging sensitibo para sa mga
paksang hindi dapat ginagawang biro.
4. Iwasang magpadala ng mensahe ng paulit ulit.

Ito ay maaaring mapagkamalang "spam" ng ibang system o tao.


At kung ikaw ay baguhan, iwasang mang-abala ng iba. Bago mag-
e-mail ng tanong, i-research muna ang ang tanong o mag
backread, maaring ito ay naka post na o napag usapan na.
5. Higit sa lahat, kung papaano ka makitungo
sa personal at totoong buhay, ganoon ka rin
dapat sa online o sa internet.

Kapag ikaw ay may problema, reklamo


o may kaaway, hindi mo ito kailangang
padaanin sa internet o sa social media dahil
hindi lahat ay kaya kang maintindihan.

You might also like