You are on page 1of 13

Panuntunan sa Paggamit ng

Computer, Internet at Email


Unang Markahan: Modyul 3
Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan

EPP4IE-0c-5

Inihanda ni:
CAROLYN L. MACABASAG
Unang Araw

Alamin 

Tatalakayin sa araling ito, ang kahulugan at kahalagahan ng Information and


Communication Technology (ICT). Dito, ipaliliwanag ang mga dapat isaalang-
alang para sa ligtas at responsabling paggamit ng computer, internet, at email.
Kaugnay nito, ang mga mag-aaral ay gagabayang makabuo ng mga patakaran sa
paggamit nito. Gayundin, ang mga pakinabang dulot nito gaya ng mas malawak na
komunikasyon at mas epektibong pangangalap ng impormasyon gamit ang
computer at Internet. 

Matapos gawin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:  


1. naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit ng computer, Internet, at email;
2. Naintindihan ang mga pakinabangan ng ICT;
3. at nabibigyang kahulugan ang ICT at ang kahalagahan nito.
Subukin 
Kopyahin at isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
Pangalan: ___________________________________ Petsa: ___________
Baitang/Seksyon: _____________________________ Iskor: ___________
Bago simulan ang gawain, subukin mong gawin ang sumusunod. Maglagay ng tsek
() sa hanay ng kung NAKASANAYAN ang sagot at ekis () kung HINDI
NAKASANAYAN ang mga sumusunod na pangungusap. 
Kasanayan - Ligtas at Responsableng Paggamit
ng Computer, Internet, at Email
_____1. Natitiyak na ligtas at maayos ang pinaglalagyan ng computer.
_____ 2. Nakasusunod sa mga gabay na pinagkasunduan sa responsableng
paggamit ng computer, Internet, at email.
_____3. Naipapaliwanag ang konsepto ng computer, Internet, at ICT.
_____ 4. Nakakasaliksik ng impormasyon sa mga sites sa 
Internet.
_____5. Nakikilala ang iba't ibang kapakinabangan ng ICT.
_____6. Natutukoy ang mga paraan ng pagkolekta sa ibat 
ibang uri ng impormasyon.
Ikalawang Araw

Tuklasin 
Naranasan mo na bang magsaliksik o mangolekta ng impromasyon? Bukod
sa mga libro, magasin, diksiyonaryo, at iba pa, maaari din tayong gumamit ICT
para rito. Malaking tulong ang Internet sa pagsaliksik tungkol sa iba't-ibang paksa. 

1. Ano-ano ang mga kagamitang nakikita mo sa bahay, paaralan, 


at mga lugar-pasyalan na produkto ng makabagong teknolohiya? 
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Makatutulong ba ang pagkakaroon ng mga kagamitang ito? 
Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ikatlong Araw
Pag-aralan Natin
Dapat maging ligtas at kapakipakinabang sa lahat ang paggamit ng
kagamitan at pasilidad sa ICT katulad ng computer, email, at Internet. Kailangang
mahusay na mapag-aralan ang mga gabay sa ligtas at responsableng paggamit ng
mga ito sa paaralan. 
Ano ang computer, Intermet # ICT Ang computer ay isang kagamitang
tumutulong sa atin sa pagproseso ng datos o impormasyon. Maaari itong gamitin
bilang imbakan ng mahahalagang dokumento na nasa anyong elektroniko o soft
copy. May maliliit na kompyuter gaya ng personal computers, laptops, toblets, at
mayroon .Damans mainframe computers na ginagamit ng malalaking kompanya. 
Ang mga computer sa inyong paaralan, maging sa ibang organisasyon, kompanya o
ahensiya ng gobyerno, ay maaaring naka-network. 
Ang mga computer networks na ito ay maaaring magkakaugnay at bumubuo
ng isang pandaigdigang computer network. Ito ang 
tinatawag nating Internet. 
Ang Internet ay malawakang ugnayan ng mga computer network sa buong
mundo. Binubuo ang Internet ng maraming networks na pampribado, pampubliko,
pangkomersiyo, pampaaralan, O pangpamahalaan. 
Ang ICT ay tumutukoy sa iba't ibang uri ng teknolohiya na ginagamit sa
komunikasyon upang magproseso, mag-imbak, lumikha, at magbahagi ng mga
impormasyon. Ilan sa halimbawa ng ICT ang radyo, telebisyon, smart phones,
computer, at Internet. 
Mga search engine sites naman tulad ng Google o Yahoo ang binabasa natin
upang mas mapadali ang pangangalap ng impormasyon. Kailangan lamang i-type
ang mga salita o keywords na tumutukoy sa paksang nais nating saliksikin at
ibibigay na sa atin ng search engine ang mga kawing o links sa mga website na
maaaring may kinalaman sa ating sinasaliksik. Napakaraming uri ng
impormasyong maaaring makuha sa Internet, gaya ng teksto, musika, video, at
animation.
 
MGA KAPAKINABANGAN NG ICT
1. Mas mabilis na komunikasyon -Ang mga mobile phone, webcam, at 
instant messaging applications ay ilan lamang sa 
produktong ICT na tumutulong para sa mas mabilis at mas 
malawak na komunikasyon.
2. Maraming trabaho - Nagbukas din ang ICT ng maraming 
oportunidad para sa tao upang magkaroon ng hanapbuhay tulad ng pagiging
computer programmer, web designer, graphic artist, 
encoder, at technician.
3. Maunlad na komersiyo - Malaki rin ang ginagampanan ng ICT 
upang mas mapaunlad ang pangangalakal. Tinatawag na e commerce ang
pagbebenta at pagbili ng kalakal sa tulong ng Internet. 
4. Pangangalap, peg-imbak, at pagbabahagi ng impormasyon 
-Ngayong tayo ay nasa Information Age, isang mahalagang kasanayan ang
matalinong pagsusuri at pangangalap ng makabuluhang impormasyon gamit ang
makabagong teknolohiya. 
Huwag ibigay ang password kaninuman (maliban sa mga magulang) at
siguraduhing nakalog-out ka bago patayin o i-off ang computer. 
I-shut down ang koneksiyon ng Internet kung tapos nang gamitin ang mga
ito. Huwag hayaang nakabukas ang mga ito kapag hindi ginagamit. 
Ang ilan sa mga kasiya-siya at tamang pamamaraan sa paggamit ng
computer, Internet, at email ay ang sumusunod: 
 Tiyakin/Itakda kung aling websites ang maaaring bisitahin 
at kung gaano katagal maaaring gumamit ng computer, Internet, at email. 
 Magpa-install o magpalagay ng internet content filter. Magagamit ito upang ang
mga kapaki-pakinabang na nilalaman lamang ang matitingnan at maida-download
gamit ang Internet. 
 Makipag-ugnayan lamang sa mga kakilala o kaibagan sa online. 
 Sundin ang tamang panuntunang itinakda sa paggamit ng mga social networking,
instant messaging, email, online gaming, at webcam.
Ika-Apat na Araw

PAGYAMANIN NATIN 
Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. 

Pangalan: ___________________________________ Petsa: ___________


Baitang/Seksyon: _____________________________ Iskor: ___________

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 


1. Bakit may panganib na dala ang paggamit ng Internet? Magbigay ng apat ng
halimbawa. 
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Anu-ano ang kasiya-siya at tamang pamamaraan sa paggamit ng kompyuter,
Internet, at email? 
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Sa tingin mo ba, mahalagang matutuhan ang paggamit sa  makabagong
teknolohiya? Bakit? 
__________________________________________________________________

4. Sa palagay mo ba maiiwasan pa natin ang paggamit ng ICT tools sa


kasalukuyang panahon? 
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ika-Limang Araw
Isagawa A
Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. 

Pangalan: ___________________________________ Petsa: ___________


Baitang/Seksyon: _____________________________ Iskor: ___________
Panuto: Isulat ang I kung tama ang pahayag at M naman kung mali. 
_____1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng impormasyon ang
paggamit ng mga ICT equipment at gadgets.
_____ 2. Dapat gumamit ng Internet sa paaralan anumang oras at araw. 
_____3. Maaaring magbigay ng personal na impormasyon sa taong nakilala mo gamit
ang Internet.
_____4. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakita mo sa Internet na hindi mo naiintindihan.
_____5. Ibigay ang password sa kamag-aral upang magawa ang output sa panahong
liliban ka sa klase. 

Isagawa B
Piliin ang wastong sagot sa loob ng kahon.
A.INTERNET B. COMPUTER C.SMARTPHONE D. ICT
E.KOMUNIKASYON F. NETWORK
_______________ 1. Electronic device na ginagamit upang mas mabilis na
maka pagproseso ng datos o impormasyon.
_______________ 2. Isang malawak na ugnayan ng mga computer network na
maaring gamitin ng publiko sa buong mundo.
_______________ 3. Tumutukoy sa ibat ibang uri ng teknolohiya, gaya ng radio,
tekebisyon, telepono, smartphones, computer at internet.
_______________ 4. Halimbawa ng produkto ng ICT na kaiba sa simpleng mobile
phone na maari ding maka tulong sa iyo sa pangalap at pagproseso ng
impormasyon.
_______________ 5. Napabilis ito sa tulong ng ICT

Isagawa C
Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. 
Pangalan: ___________________________________ Petsa: ___________
Baitang/Seksyon: _____________________________ Iskor: ___________

Panuto: Piliin ang pinakamabuting sagot ayon sa mga dapat isaalang-alang sa


paggamit ng computer. Isulat ang titik lamang. 
1. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay: 
a. buksan ang computer at maglaro ng online games
b. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin
c. kumain at uminom 
2. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na "online 
message," ano ang dapat mong gawin? 
a. Panatilihin itong isang lihim.
b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka na 
niyang padalhan ng hindi naaangkop na mensahe.
c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service Provider. 
3.Sa paggamit ng Internet sa computer laboratory, alin sa mga ito ang dapat
gawin? 
a. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras na 
naisin ko.
b. Maaari ko lamang gamitin ang Internet at magpunta sa 
aprobado o mga pinayagang websites kung may pahintulot ng guro.
c. Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang instant 
messaging para makipag-ugnayan sa aking mga kaibigan. 
4. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad ng mga 
numero ng telepono o address, dapat mong: 
a. iwasang ibigay ang personal na impormasyon Online, dahil 
hindi mo batid kung kanino ka nakikipag-ugnayan.
b. ibigay ang hinihinging impormasyon at magalang na 
gawin ito.
c. i-post ang impormasyon sa anumang pampublikong 
websites, tulad ng Facebook, upang makita ninuman. 
5. Nakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer na sa 
iyong palagay ay hindi naangkop, ano ang dapat mong gawin? 
a. Huwag pansinin. Balewalain.
b. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan.
c. Ipaalam agad sa nakatatanda. 
6. Ano ang kahulugan ng ICT? 
a. International Convention Technology
b. Information Communication Technology
c. Information Center Training
d. Information Convention Technology 
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasiya siyang paggamit ng 
computer? 
a. Nakakatulong upang makakuha ng impormasyon.
b. Nakakatulong ito sa pakikipagbalitaan sa mga kamag 
anak sa ibang lugar.
c. Nakakatulong ito upang makuha at magamit ang files sa 
paraan ng ibang tao.
d. Nakakatulong sa pagsasaliksik ng mahahalagang aralin. 
8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI magandang kapakinaba 
ngan ng ICT? 
a. Mas nagiging maunlad ang komersyo.
b. Mas madali ang pangangalap, pag iimbak at pagbabahagi 
ng impormasyon.
c. Mas madali ng makapanood ng mga malalaswang palabas.
d. Mas pinabilis ang komunikasyon 
9. Sa anong dahilan na mabilis na ang pagpapadala at 
pagtatanggap ng mensahe sa ibang tao? 
a. Dahil sa computer.
b. Dahil mayroong email.
c. Dahil sa tulong ng mailbox.
d. Dahil mayroong Internet koneksyon. 

https://images.app.goo.gl/idmi6iLJKDgieeep6

https://io.wp.com/creditfast.com/wpcontent/uploads/2012/10/victim-of-identify-
theft.png?fit=1514%c693&ssl=1
htpps://wo.pngwave.com/png/212/404/identity-thft-data-breach-laptop-theft-crime-
staff-member-png-clip-art-png

You might also like