You are on page 1of 3

Summative Test

Modules 5-8
4th Quarter
EPP (ICT) 5

Pangalan: __________________________________ Score: _____

Lagyan na (✔) kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama at (✘) naman kung mali.
_____ 1. Ang discussion forum ay nakatutulong sa mga taong nangangailangan ng kasagutan?
_____ 2. Gumamit ng ALL CAPS sa pagsagot sa mga tanong.
_____ 3. Sumali si Alucard sa isang group chat kahit hindi niya kakilala ang kanyang mga kasama.
_____ 4. Nagmura si Eudora sa chat dahil tinatanong siya ng kanyang kaklase.
_____ 5. Gusto ni Ana na lagyan ng emoticons ang email na kanyang ipapadala sa kanyang guro.
_____6. Ang search engine ay isang program na naghahanap at tumutunton sa mga impormasyon.
_____7. Maari ding mag- insert ng picture, clip art at chart mula sa iyong computer na magagamit mo sa paggawa ng
flyer at brochure.
_____8. Hindi na pwede nating baguhin ang font size, font style at font color sa text sa gagawing flyers o brochure.
_____9. Ang Microsoft excel ang dapat gamitin sa paggawa ng flyer at brochure.
_____10 . Dapat nag-uumpisa sa equal sign (=) ang paggawa ng formula sa isang cell.

Piliin ang tamang sagot sa ibaba at isulat ang sagot sa patlang.


__________ 11. Ito ay isang live o real time na pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao sa pamamagitan
ng internet.
__________ 12. Ito ay isang klaseng forum na maaaring sumagot o magtanong ang sinumang miyembro ng grupo saan
man o kailanman.
__________ 13. Isang board kung saan maaaring magpost o mag-iwan ng anumang mensahe o tanong.
__________ 14. Mabilis ang palitan ng sagot sa diskusyon.
__________ 15. Ito ay may moderator na may kakayahang piliin o salain ang mga impormasyong pumapasok sa forum.
Chat Discussion Forum

Piliin ang pinaka-angkop na sagot ayon sa mga dapat sundin tungkol sa ligtas at responsableng paraan ng pagsali sa
discussion forum o chat.
16. Ang pag-type ng isang mensaheng email na lahat ng nasa malaking titik ay nangangahulugang _________.
a. ikaw ay naninigaw
b. ang mensaheng ito ay napakahalaga
c. okay na ipasa ang mensaheng ito sa iba
17. Sa tuwing magpopost ng paksa sa dicussion forum, siguraduhin na _____________________ ?
a. gumamit lamang ng linggwaheng Ingles
b. maging malinaw para sa lahat ng kasali
c. laging mauna sa pagpopost kaysa sa iba
18. Kung sasagot naman sa isang paksa, ano ang dapat tandaan?
a. Huwag sasagot ng walang kinalaman sa pinag-uusapan.
b. Laging mag pasimula ng panibagong usapin kahit may nag– po-post pa.
c. Sagutin ng taliwas ang post na hindi kaaya-aya.
19. Kung sasali sa discussion forum, ano ang dapat sundin sa paggamit ng internet?
a. Etiquette b. Netiquette c. wala sa nabanggit
20. Alin sa mga sumusunod ang dapat ugaliin o sundin upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan ng iyong kausap
sa chat o discussion forum?
a. Sumagot ng mabilis at huwag pag-intayin ang kausap.
b. Huwag magreply kung hindi kanai-nais para sa iyo ang sagot ng kausap mo at mag-offline kaagad.
c. Hayaan ang kausap na magpost ng magpost hanggang sa magsawa.
Hanapin sa ibaba ang tamang sagot na isinasaad sa pangungusap. Kopyahin at sagutin ito sa iyong kuwaderno.
___________21. Ito ay isang program na naghahanap at tumutunton sa mga mahahalagang impormasyon, balita at iba
pang bagay.
___________22. Ito ang itinuturing na pinakakilalang search engine.
___________23. Nakatutulong ang mga ito sa paghahanap ng tumpak na impormasyon upang maiwasan ang
pangangalap sa libo-libong resulta na hindi naman magagamit lahat.
___________24. Nakatutulong ito sa pagsusuri ng impormasyon, paggawa ng mga talungguhit (graph at chart), sa
paggawasa ng mga formula para sa pagtutuos, at pag-aayos ng mga impormasyon.
___________25. Isa sa pinakakilalang lumilikha ng software na may electronic spreadsheet.

Spreadsheet Google Microsoft Search engine Advance Feature


Key:
1./
2.X
3.X
4.X
5./
6./
7./
8.X
9.X
10./
11.C
12.D
13.D
14.C
15.D
16.A
17.B
18.A
19.B
20.A
21. search Engine
22. Google
23. Advance Feature
24. spreadsheet
25. Microsoft

You might also like