You are on page 1of 5

Schools Division Office- Quezon City

Justice Cecilia Munoz Palma High School


Molave St., Payatas, Quezon City

___________________________________________________________________________________
Gawaing Pampagkatuto
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan ng Mag-aaral: _____________________________ Petsa: ________________


Seksyon: ___________________________

Mga Kontemporaryong Isyu


I. Paunang kaalaman ng Mag-aaral
Globalisasyon

Sa modyul na ito ay susuriin ang mga isyung pang-ekonomiya implikasyon nito sa


pamumuhay ng mga Pilipino. Hangarin sa pag-aaral ng mga aralin na nakapaloob sa modyul
na ito na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga hamon at tugon sa mga isyung nabanggit
tungo sa pagpapabuti ng ng kalidad ng pamumuhay. Makatutulong ang pagunawang ito sa
pagpapanatili ng dignidad ng buhay ng isang indibiduwal. Kasama sa modyul na ito ang paksa
tungkol sa epektong dulot ng pandaigdigang pandemya na Covid 19 sa mga manggagawang
Pilipino at sa kanilang mga pamilya.
Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang masagot ng mga mag-aaral ang
tanong na “Paano nakaapekto ang mga isyung pang-ekonomiya sa pamumuhay
ng mga Pilipino?”

II. Layunin:
• Naiisa-isa ang mabuti at masamang epekto ng globalisasyon. (Pag-aaral ng Kaso:
Cybercrime)
• Nasusuri ang implikasyon ng paggamit ng internet (social media) bilang bahagi ng
globalisasyon.
• Napahahalagahan ang ibat ibang hakbang o pagtugon sa pagharap sa epekto ng
globalisasyon.

ARALIN 1: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo

Paksa: PAG-AARAL NG KASO - CYBERCRIMES

Ang Cybercrime o krimen na nakatuon sa computer, ay isang krimen na nagsasangkot


sa isang computer at isang network. Ang computer ay maaaring ginamit sa paggawa ng isang
krimen, o maaaring ito ang target. Ang Cybercrimes ay maaaring tinukoy bilang: "Mga
pagkakasala na ginawa laban sa mga indibidwal o grupo ng mga indibidwal na may kriminal
na motibo upang sinasadyang makapinsala sa reputasyon ng biktima o maging sanhi ng
pisikal o mental na pinsala, o pagkawala, sa biktima nang direkta o hindi direkta, gamit ang
modernong mga telekomunikasyon tulad ng Internet (mga network na kabilang ngunit hindi
limitado sa mga kuwarto sa chat, mga email, mga notice board at mga grupo) at mga mobile
phone (Bluetooth / SMS / MMS) ".Isang uri ng net crime o high- tech crime.
MGA URI NG CYBERCRIMES:

1. PHISHING O SPOOFING – pagpapadala ng mga unauthorized sending of multiple


emails (usernames, password or credit card details)
2. ONLINE HACKING –walang pahintulot na pagpasok sa computer or network.
3. CYBER BULLYING–ang paggamit ng electronic communication para mambully ng isang
tao, kadalasang sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mensahe sa computer o
cellphone para takutin o sindakin (intimidate)
4. COMPUTER VIRUSES –isang uri ng mga malicious softwarena kapag binuksan ay
maaring makasira ng mga files o dokumento sa computer. (Halimbawa: Melaware –
trojan, spyware)
5. CYBER PORNOGRAPHY – mga gawain o bidyo kung saan makakapanuod ng mga sex
scandal gamit ang internet sites.
6. CYBER IDENTITY THEFT - sinasadyang paggamit, pagnanakawng mga larawan o
impormasyon ng isang tao upang makakuha ng pera o financial aid o credit gamit ang
pangalan ng ibang tao.
7. SOFTWARE PIRACY - tumutukoy sa illegal na pangongopya ng mga software
(Halimbawa: mga cd, dvd gamit sa mga OS ng computer, mga pelikula na riceord sa
loob ng sinehan gamit ang cellphone).
8. CYBER STALKING O CYBER HARASSMENT (paniniktik)- ang paniniktik o pagsunod
ng isang tao gamit ang internet, chat, messaging para sundan o matyagan ang gawain
ng isang tao, pangkat o organisasyon na ang intension ay para manggipit o mamakot.
9. CYBER TERRORISM–paggamit ng social media, internet na nagreresulta sa
paghahasik ng takot (terror), o banta sa kaligtasan ng mga mamamayan.
10. CYBERLIBEL – mga pahayag (statement) gamit ang social media (FB post, comments,
messaging) na direktang nakakasira ng personal na katayuan ng isang tao,
organisasyon o institusyon.

III. Panuto/Tagubilin: Pangkalahatang Panuto:

Gumamit ng isang buong papel o notebook sa pagsagot sa iba’t ibang pagsasanay na itinalaga sa
materyal na gawaing pampagkatuto na ito. Kopyahin ang mga gawain at isulat ang mga sagot mo
nang malinaw at wasto.

IV. Mga Gawain:

Gawain #1: Nabiktima ka na ba?


Panuto: Suriin ang mga larawan at tukuyin ang uri ng cybercrime (mamili ng sagot sa kahon
sa ibaba), isulat sa patlang ang sagot sa AP notebook.

1. _______________ 2. _______________ 3. _______________ 4. _______________ 5. _______________


Computer virus Cyber Identity theft Phishing o spoofing
Cyber bullying Software Piracy Cyber Pornography

Gawain #2: Pasulat na Pagsusulit. (15 Aytem)


Panuto: Basahin ang bawat bilang at piliin ang tamang sagot. Isulat sa unang hanay ang iyong
sagot.

A. Panuto: Pagtatapat-tapat: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

Sagot Hanay A Hanay B

1. Ang paggamit ng electronic communication para mambully ng A. Globalisasyon


isang tao, kadalasang sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga
mensahe sa computer o cellphone na ang intension ay para takutin
o sindakin (intimidate) ang biktima. B. Offshoring
2. Isang krimen na nagsasangkot sa isang computer at isang
network. Ang computer ay maaaring ginamit sa paggawa ng isang
krimen, o maaaring ito ang target. C. Netizen
3. Pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga
namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga
D. Multinational
produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa
Company
pangangailangang lokal ng pamilihan
4. Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibangdireksiyon na nararanasan E. Cybercrime
sa iba’t ibang panig ng daigdig. (George Ritzer, 2011)

F. Cyberbullying
5. Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na
naniningil ng mas mababang bayad. Kabilang ang Pilipinas sa
ganitong uri ng outsourcing.

B. Panuto: Isulat ang titik MNC (Multinational Company) o titik TNC (Transnational Company)
ang bawat halimbawa ng kompanya.
_________ 6. Shell Petroleum Corp.
_________ 7. Pfizer
_________ 8. Seven Eleven
_________ 9. Jollibee Foods Corp.
_________10. Mc Donalds

C. Panuto: Isulat ang simbolong + (positibo) o simbolong - (negatibo) dulot ng globalisasyon.


_____11. Napapabilis ang transaksyon sa mga ahensiya ng gobyerno.
_____12. Maaring pagmulan ng mga krimen gamit ang social media.
_____13. Nawawala ang respeto sa pribadong buhay (privacy) ng ibang tao.
_____14. Mas napapadali ang komunikasyon sa bawat isa.
_____15. Nagiging tamad ang mga kabataan dahil sa babad sa paggamit ng mga gadyet.
V. Paglilimi o Pagnilayan
Gawain: Pagsulat ng tula (Hugot Lines Ko)
Panuto: Sumulat ng isang malayang taludturang tula tungkol sa temang “Ang Social Media at
Ako” (damdamin, emosyon at ekspresyon ko bilang batang Gen Z) Para sa susulat ng tula,
dapat ay may tugma at may 4 na saknong. Isulat sa isang short bond paper.

RUBRIK para paggawa ng tula:

Nilalaman/Kaugnayan sa tema ---15


Malikhain/ orihinalidad -------- 10
Linis ng gawa -------------------------- 5
Kabuuan-------- 30

Inihanda nina:

GERALD L. BERNARDO
LUIS G. CORIA
ROSANA J. GARBO Ed.,D
DIANA LIZETTE E. GOLLAYAN
JOEL C. TARLIT
MA. JOSEPHINE G. VILLAREAL

You might also like