You are on page 1of 8

10 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION

Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/
Tel. No. (045) 470 – 8180

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 4: Week 3
Learning Activity Sheets

1
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN-IKATLONG LINGGO

Pangalan: _______________________________________________________________
Taon at Pangkat: ________________________ Petsa: __________________________

Mga Isyung Moral Tungkol sa Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan

Susing Konsepto
“Ang katotohanan kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon”
(aralingpilipino.com). Base sa salawikain na ito, anomang gawing pagtatago ng isang tao, lalabas
din kung ano ang totoo dahil walang sikreto ang hindi nabubunyag.
Sa tulong ng Learning Activity Sheet na ito ay mababatid mo ang iba’t ibang isyung moral
tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan. Gayun na rin, sa pamamagitan nito ay bibigyan
ka ng pagkakataon na maging bukas, mapanindigan at hayag sa iyong saloobin na mahalin at
igalang ang katotohanan.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng katotohanan? Gaano ito kahalaga? Ano ba ang misyong
ginagampanan nito sa buhay ng tao?

Ang Misyon ng Katotohanan

Ang katotohanan ay sinasabing susi at daan ng kapayapaan at kaligtasan. Dahilan ito upang
magkaroon ng katarungan at kapayapaan ang kalooban ng tao. Kung kaya’t mahalaga ang
pagsasabi ng katotohanan dahil isa itong paraan upang magkaroon ng tiwala ang tao sa kanyang
kapwa. Sa pamamagitan din nito nagkakaroon ng kapayapaan ang tao sapagkat walang dahilan
upang bulabugin siya ng kanyang konsensya.
Datapwat ang pagsasabi ng totoo ay mahalagang kasangkapan sa paninindigan sa
katotohanan, marapat lamang na mapag-isa at magkaroon ng matatag na ugnayan ang wika at
kaalaman. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagsisinungaling o ang hindi pagkiling sa
katotohanan.

Ang Imoralidad ng Pagsisinungaling

Habang lumalawak ang kaalaman ng tao sa halaga ng katotohanan at sa mga kaakibat na

pananagutan nito, hindi pa rin maitatanggi na ang tao ay may kakayahang makagawa ng isang
kasinungalingan lalo pa’t malaki ang pagnanais nitong mapagtakpan ang kanyang mga
pagkakamali at maging malinis ang imahe sa mata ng iba. Ikaw, nagawa mo na ba ito? Ilang beses
na? Kung maraming beses na, paano ang gagawin mong pag-amin dito at paano mo ito
pananagutan?

2
Noong ikaw ay nasa Baitang 8, nagkaroon ka ng kaliwanagan tungkol sa katapatan sa salita
at sa gawa sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kabutihang dulot nito. Ngayong ikaw ay nasa
Baitang 10, masusubok naman ang iyong paninindigan sa pagsasabi ng totoo laban sa
pagsisinungaling. Ang pagsisinungaling, ayon kay Sambajon Jr. et al (2011), ay ang hindi pagkiling
at pagsang-ayon sa katotohanan.

Tatlong Uri ng Kasinungalingan

1. Jocose Lies – isang uri na kung saan sinasabi o sinasambit lamang upang maghatid kasiyahan
at hindi sadya ang pagsisinungaling. Halimbawa, pagkukuwento ng nanay tungkol sa Santa Klaus
na nagbigay ng regalo sa isang bata dahil sa pagiging mabait nito.
2. Officious Lie - tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kanyang sarili o di kaya
ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling. Gaano man kabigat ang ibinigay na
dahilan, isa pa rin itong tunay na pagsisinungaling. Halimbawa, ang isang mag-aaral na idinahilan
ang kanyang pagliban sa klase nang nakaraang araw dahil sa pag-aalaga sa maysakit niyang lolo,
na ang totoo’y malakas naman at abala sa pag-aalaga sa kanyang mga pananim.
3. Pernicious Lie – nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor sa
interes o kapakanan ng iba. Halimbawa, pagkakalat ng maling bintang kay Juan ng pangongodigo
habang may pagsusulit na hindi naman nya ginawa bagkus siya pa ang kinopyahan.

Sa ating lipunan na kung saan naipapamalas ang kawalan ng pagpapahalaga sa

katotohanan, may paraan pa ba upang ito ay maituwid? Ano-ano ang mga isyu sa ating kapaligiran
na nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa katotohanan? Simulan natin sa isyu ng plagiarism.
Ang Plagiarism ay isang paglabag sa Intellectual Honesty (Artikulo, A. et.al 2003). Ito ay ang
pagkopya o pag angkin sa gawa o ideya ng iba ng walang pahintulot o hindi kinilala ang tunay na
may-akda. Maituturing itong pagnanakaw dahil inaangkin mo ang hindi mo pag-aari. Nagpapatunay
ang pag angkin sa di mo gawa ng pagkakaroroon ng mababang uri ng kaalaman at kakayahan.
Upang maiwasan ito, kailangang bigyan ng pagkilala ang may-akda sa lahat ng orihinal na ideya, at
mga datos na gagamitin.

Ang ikalawang isyu ay ang Pagnanakaw ng Pag-aaring Intelektuwal (Intellectual Piracy).

Ang pagpaparami ng likhang-isipan ng ibang tao pagkatapos ay ipagbibili ito ay nangangahulugang
nalalabag ang karapatan ng may-ari ng bagay na kinopya. Tinatawag na piracy ang ganitong uri ng
kalakalan. Kapag ang isang tao ay bumibili ng pirated na produkto, nalalabag ang karapatan ng
may ari ng produkto. Ayon kay Arrogante, 2013, ang karapatan ng limikha na ginamitan ng
kaniyang pagkamalikhain sa pamamagitan ng kaniyang intelektuwal na kakayahan ay tinatawag na
Intellectual Property Rights (IPR). Ano nga ba ang nasasakop ng IPR? Narito ang ilan mula sa
Intellectual Property Code o Republic Act No. 8293:

3
Mga Panulat o Makasining na mga Gawa tulad ng:

a. aklat, polyeto, artikulo at iba pang panulat e. dramatiko-musikal,

b. dyaryo f. komposisyong musikal

c. lektyur, sermon, talumpati g. mga iginuhit o ipininta

d. sulat h. computer program

Pinoproteksyunan ng batas ang lahat ng nagsipaglikha sa pamamagitan ng tinatawag na copyright.

Ayon pa rin sa batas, ang copyright ay karapatan ng pagmamay-ari na ibinibigay sa may-akda o
sumulat, maging indibidwal, grupo, at oraganisasyong may intelektuwal na pagmamay-ari sa
kanilang nilkha (Arrogante, 2013). Narito ang mga halimbawa ng Paglabag sa Karapatang-ari
(Copyright):

1. Pangongopya sa orihinal na gawa

2. Paglilimbag ng buong likha nang walang permiso
3. Pagpaparami at pagpapakalat ng sound o video recording na walang pahintulot ng artista o
mang-aawit at ng lumikha nito
4. Pabebenta ng painting na may huwad na lagda ng isang tanyag na pintor
5. Paggamit ng pangalan ng tanyag na may-akda na walang kinalaman sa bagong aklat ng di-
kilalang manunulat

Ang susunod na isyu ay ang whistleblowing. Ito ay ang isang akto o hayagang kilos ng
pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisayon
(Brizuela, et al, 2015). Ang taong naging daan naman sa pagsisiwalat ng maling gawa ay tinatawag
namang whistleblower. Karaniwang nangyayari ito dahil sa hindi patas na pamamalakad at iba pang
illegal na gawain na hindi umaayon sa batas.

Ang Gampanin ng Social Media

Sa panahon natin ngayon, hindi natin maitatanggi na malaki ang impluwensya ng social
media sa tao. Maraming impormasyon ang nakapaloob dito na makapagbibigay ng kaalaman sa tao
na magagamit niya sa kanyang pag-araw-araw na buhay sa larangan ng edukasyon, kabuhayan at
maging sa kanyang pagpapasiya. Kaakibat nito ay ang pagiging mapanuri at mapanagutan sa
bawat pag-alam ng tao sa katotohanan, pagpasiya at maging sa kanyang mga ginagawa gamit ang
social media. Malaki rin ang gampanin ng magulang sa paggabay sa anak sa wastong paggamit
nito upang maiwasang maging biktima ng maling impormasyon. Higit sa lahat upang
maproteksyunan sila laban sa mga masasamang-loob na ginagamit ang social media upang
makapambiktima.

4
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa katotohanan.
EsP10PI-IVc-14.1
2. Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa katotohanan EsP10PI-
IVc-14.2

Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin at isulat sa patlang ang hinihingi ng bawat bilang.

___________________1. Nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na

pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
___________________2. Ang pagkopya o pag-angkin sa gawa o ideya ng iba ng walang
pahintulot o hindi kinilala ang tunay na may-akda.
___________________3. Tumutukoy ito sa karapatan ng pagmamay-ari na ibinibigay sa may-akda
o sumulat, na may intelektuwal na pagmamay-ari sa nilkha.
___________________4. Ang taong naging daan sa pagsisiwalat ng maling gawa
___________________5. Tinuturing ito na may malaking impluwensya sa tao sa larangan ng
edukasyon, kabuhayan at pagpapasiya.

Pagsasanay 2
Panuto: Gamit ang Concept Map, isulat ang iyong kaisipan tungkol sa “katotohanan”. Sagutin ang
kasunod na mga tanong.

KATOTOHANAN

1. Ano ang iyong natuklasan tungkol sa katotohanan? Ipaliwanag.

_______________________________________________________________________________

_________________________________________________

5
2. Bakit kailangang mahalin at pahalagahan ang katotohanan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_________________________________________________

Pagsasanay 3:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga sitwasyon. Pagkatapos ay sagutin
ang tanong na “ Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay mahaharap sa sumusunod na mga
sitwasyon?”

1. Hinihikayat ka ng iyong barkada na huwag ng pumasok sa inyong klase at mag ensayo na

lamang para sa nalalapit na kampiyonato sa Mobile Legends. Kapag hindi ka pumayag ay
tatanggalin ka sa grupo. Nangako ka sa iyong magulang na pagbubutihin mo ang iyong pag-aaral at
hindi liliban sa klase kapalit ng pagpayag nila na maging bahagi ka ng team na lalahok sa naturang
tournament. Malaki ang pagnanais mong lumaban para sa kampiyonato. Ano ang iyong gagawin?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_________________________________________________

2. Gustong-gusto mong bilhin ang pinakabagong yunit ng cellphone subalit kulang ang iyong pera.
Nag-isip ka ng paraan para mapunuan ang kulang na halaga. Maaari mong idahilang nawala ang
pera dahil ikaw ang ingat-yaman ng klase. Gagamitin mo ba ang pera ng klase?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_________________________________________________

3. Ginabi kayo sa pamamasyal sa mall kasama ang iyong mga kaibigan. Tinuruan ka nila ng
maaaring idahilan sa iyong mga magulang upang hindi makagalitan. Ano ang iyong gagawin?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_________________________________________________

4. Tinanghali ka ng gising dahil napuyat ka sa paglalaro ng online/offline games sa iyong cellphone.

Alam mong makakagalitan ka. Naisip mo ang ginawa ng isa sa iyong barkada, ang magsakit-
sakitan. Tutularan mo ba ang ginawa ng iyong barkada? Bakit?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_________________________________________________

6
5. Tinanong ka ng iyong mga magulang kung totoo ang balitang ikaw ay may kasintahan.
Pinanindigan mo ang hindi pagsasabi ng totoo dahil sa takot. Magagawa mo bang maglihim nang
matagal sa iyong mga magulang? Bakit?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_________________________________________________

Pagsasanay 4. Pagsasabuhay ng Katotohanan

Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na mga sitwasyon. Sagutin ang mga kasunod na tanong.
.

Dahil
. sa pangambang makaramdam ng pagkabigo ang ina, ang isang mag-aaral sa
kolehiyo na kabilang sa scholarship program ng syudad ay nakakuha ng bagsak na
marka sa isang asignatura. Upang mapagtakpan ito, lingid sa kaalaman ng ina ay
namasukan siya bilang isang service crew sa isang sikat na fast food chain.

Gabay na Tanong

A. Makatwiran ba ang paglilihim ng mag-aaral sa sa kaniyang ina? Ipaliwanag.

_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

B. Kung ikaw ay maharap sa parehong sitwasyon, ano ang iyong gagawin? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Proyekto ninyo sa asignaturang Filipino ang paggwa ng tula. Sa kagustuhan mong

makauha ng mataas na marka, naghanap ka ng tula mula sa internet at kinopya mo
ito. Sinabi mong ikaw mismo ang gumawa nito.

Gabay na Tanong

A. Ano ang paglabag sa katotohanan ang isinasaad ng sitwasyon? Ipaliwanag.

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

7
B. May posibilidad bang gawin mo rin ito? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

Pangwakas: Sagutin ang kasunod na tanong upang makabuo ng iyong repleksyon hinggil sa
araling ito.

Sa paanong paraan ka makatutulong sa pagpapanatili ng kasagraduhan ng katototohanan bilang

bahagi ka ng lipunan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________

Mga Sanggunian:
Brizuella, Mary Jean B, et al.2015.Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral.

Arrogante, Constantina S.2013.Edukasyon sa Pagpapakatao 10.

Pagsasanay 4: Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mag-aaral.

Pagsasanay 3: Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mag-aaral.
Pagsasanay 2: Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mag-aaral.
5. Social Media
4. Whistleblower
3. Copyright
2. Plagiarism
1. Pernicious Lie
Pagsasanay 1:
Susi Sa Pagwawasto:

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet

Manunulat : Concepcion D. Aquino

Tagasuri ng Nilalaman: Amor A. Galicia
Tagasuri ng Wika: Tristine Peach R. Navarro
Tagalapat: Joan A. Bugtong
Pangkalahatang Tagasuri:
Anita P. Domingo
EPSvr-Edukasyon sa Pagpapakatao

Lily Beth B. Mallari

LR Supervisor

Robert E. Osongco, EdD

Chief-CID 8

You might also like