You are on page 1of 14

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

IKAAPAT NA MARKAHAN

MODYUL 2:

Paggalang at Paninindigan para sa


katotohanan
Misyon ng
Katotohanan

Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao


sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya
sa buhay. Masusumpungan lamang ang
katotohanan kung ito ay maninindigan at
walang pag-aalinlangan na sundin, ingatan at
pagyamanin.
Misyon ng
Katotohanan

Ang katotohanan din ay ang kalagayan o


kondisyon ng pagiging totoo.
Pagbabalik-aral

3 uri ng Kasinungalingan

1. Jocose 2. Officious 3.Pernicious


Lie Lie Lie

tawag sa isang
kasinungalingan na kasinungalingan na
isang uri ng
nagpapahayag upang nagaganap kapag ito ay
kasinungalingan na kung
maipagtanggol ang sumisira ng reputasyon
saan sinasabi o
kaniyang sarili o di kaya ng isang tao na
sinasambit para
ay paglikha ng isang pumapabor sa interes o
maghatid ng kasiyahan
usaping kahiya-hiya kapakanan ng iba.
lamang.
upang dito maibaling ang
usapan.
ihim
L

Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon


na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat. Ito ay
pag-angkin ng tao sa tunay na pangyayari o
kuwentong kaniyang nalalaman at hindi
kailanman maaaring ihayag sa maraming
pagkakataon nang walang pahintulot ng
taong may-alam dito.
Ito ay mga sikreto na nakaugat mula sa Likas
na Batas Moral. Ang mga katotohanan na
1. Natural
nakasulat dito ay magdudulot sa tao ng
matinding hinagpis at sakit sa isa’t isa.

Ito ay mga lihim na ipinangako ng taong


3 uri pinagkatiwalaan nito. Nangyari ang pangako 2.Promised
ng pagkatapos na ang mga lihim ay nabunyag
Lihim na.

3. Ito ay naging lihim bago ang mga


Committed/ impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay
Entrusted nabunyag. Ang mga kasunduan upang ito ay
mailihim ay maaaring hayag or di hayag
Sa prinsipyo ng Confidentiality, ang pagsasabi ng
totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang ayon sa
nasa isip, ito rin ay maipapahayag sa mas malalim na
pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong
nagpapahalaga sa katotohanan.
Plagiarism
Ang plagiarism ay isang paglabag sa Intellectual Honesty
(Artikulo, A. et al, 2003).
Ito ay
isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng
katotohanan at katapatan sa mga
datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng
isang akda, programa, himig, at
iba pa ngunit hindi kinilala ang pinagmulan bagkus, nabuo
lamang dahil sa ilegal na pangongopya.
Intellectual piracy
Ang paglabag sa karapatang-ari
(copyright infri-ngement) ay
naipakikita sa paggamit
nang walang pahintulot sa mga
orihinal na gawa ng isang taong
pinoprotektahan ng Law on
Copyright mula sa Intellectual
Property Code of the Philippines
1987.
Ang piracy ayon sa Dictionary.com
website ay isang uri ng pagnanakaw.
Ang theft ay hindi lamang literal na
pagnanakaw o pagkuha nang walang
pakun-
dangan kundi lubusang pag-angkin sa
pag-aari nang iba na walang paggalang sa
karapatang nakapaloob dito.
Karapatang-ari at ang Prinsipyo ng Fair Use

Kinikilala ng ating batas ang prinsipyo ng Fair Use na magkaroon


ng limitasyon sa
pagkuha ng anumang bahagi ng likha o kabuuang gawa ng awtor
o manunulat sa kaniyang pag-aari upang mapanatili ang
kaniyang karapatan at tamasahin ito.
Ang whistleblowing ay
isang akto o hayagang kilos
ng pagsisiwalat mula sa tao
na karaniwan ay empleyado
ng gobyerno o pribadong
organisasyon/korporasyon.
Prinsipyo ng Confidentiality Plagiarism Whistle blowing Piracy Mental Reservation

1. Ito ay literal na pagnanakaw o pagkuha nang walang pakundangan kundi


lubusang pag-angkin sa pag-aari nang iba at pagpaparami ng kopya na walang
paggalang sa karapatang nakapaloob dito.
2. Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay
empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon.
3. Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay
walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan
nga ito.
4. Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan at
katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang
akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi kinilala ang pinagmulan bagkus,
nabuo lamang dahil sa ilegal na pangongopya.
5. Ito ay ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang ayon sa nasa
isip, ito rin ay maipapahayag sa mas malalim na pag-iisip, pananalita, at pagkilos
bilang isang taong nagpapahalaga sa katotohanan.
Gawain 2:
Basahin at sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Ipasa ang sagot sa inyong google
classroom.

1. Ano ang tatlong uri ng kasinungalingan? Magbigay ng halimbawa


sa bawat isa.
2. Ano ang pagkakaiba ng piracy at theft?
3. Ano ang ibig sabihin ng plagiarism? Magbigay ng halimbawa.
4. Bakit kailangan malaman ang mga isyu tungkol sa paglabag sa
katotohanan?
5. Gaano kahalaga ang pagsasabuhay ng mga katotohanan sa buhay
ng isang tao?

You might also like