You are on page 1of 5

MODYUL 11 MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA PAGLALARAWAN ANG PAGLALARAWAN 1. 2. 3. 4. May tiyak at kawili-wiling paksa.

Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita. Isinaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa paglalarawan.

Ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarawan, gaya ng pang-uri at pang-abay. Malinaw na naipapakita ang katangian ng tao,bagay,lugar o pangyayari na ating nakikita,naririnig o nadarama. Ang paglalarawan ay pagpapahayag ng ating nakikita,naririnig at nadarama. Ang pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig ang pangunahing layunin ng paglalarawan.Ang sumusulat ng isang paglalarawan ay maihahambing sa isang pintor na gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan. Ang tanging kaibahan lamang ay pinsel at pintura ang ginagamit ng pintor samantalang mga salita ang ginagamit ng isang manunulat o nagpapahayag nang pagsalita.

IBAT-IBANG PANANAW NA MAGAGAMIT Distansya sa bagay na inilalarawan gaya ng agwat o layo nito. Kung nasa loob o labas. Ayon sa sariling palagay o damdamin ng naglalarawan bunga ng kanyang karanasan o ng karanasan ng ibang tao. Ayon sa sariling palagay batay sa kanyang narinig o nabasa. Pumupukaw sa higit na padamdam, paningin, pandinig, pangamoy, panlasa at panalat. May kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang inlalarawan. May tiyak na layunin sa paglalarawan.

MGA TIYAK NA LAYUNIN: Inaasahang pagkatapos ng modyul 11, magagawa mo nang: 1. Matukoy ang pagkakataon at paraan ng paggamit ng deskripsyon; 2. Maunawaan ang aralin sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga halimbawa at pagsulat ayon sa mga modelong sinuri; at 3. Makalahok sa mga gawaing talakayan at pagsasanay.

Ano ang nagagawa ng paglalarawan? Kailan at paano ginagamit ang paglalarawan? Halaw pa rin sa mga mungkahi nina Winkler at McCuen , narito ang kanilang paliwagan kung anuo ang paglalarawan at kung kalian t paano ginagamit ito. ANG NAGAGAWA NG PAGLALARAWAN Nagagawa ng paglalarawan ang gumamit ng mga salitang nagpapahiwatig ng nakikita, naamoy, nalalasahan, naririnig, nararamdaman at nadarama ng kaisipang iniuugnay sa mga karanasan. Narito ang halimbawa ng isdang talatang naglalarawan ng isang malaking bahay na may kasungitan ng panahon. Sa manaka-nakang liwanag na idinudulot ng matatalim na kidlat na tila malalaking ahas na tumatawid sa madilim na langit ay lumalantad ang idang bahay na malaki; waring isang higanteng gagambang nakaabang sa kadiliman. Ang bahay ay nakabuod sa mga kalapitbahay na sa ganitong oras ng gabi at sunigt ng panahon ay walang mga ilaw. Mapanglaw at ulilang-ulila sa kanyang paligid; may isang malaking puno ng duhat sa may likuran ng bahay, nakaukit sa kadiliman, ang malalabay na sanga ay walang iniwan sa malalaking galamay ng isang dambuhalang nakayakap sa bubungan. Sa isang bukas na bintana ay naglalagos ang madilaw na liwanag na nagmumula sa kalooban ng bahay. Sa labas, ang liwanag na ito ay pinapanlalabo ng masinsing patak ng ulan. Alfredo S. Enriquez

-Bahay

na

Dilim,

Buhay na buhay na naangkin ng talata ang mga nakikita at ang mga pandamang nakaugnay sa pagsusungit ng panahon sa knaroroonan ng isang malaking bahay. Sa pinakabuod ng paglalarawan naroon ang nag-iisang impresyon ng. . . isang bahay na malaking na waring isang higanteng gagambang nakaabang sa dilim. Ang detalye ng talata ay sumusuporta sa nangingibabaw na impresyong ito. ANG PAGGAMIT NG PAGLALARAWAN Napakahalaga ng paglalarawan sa sumusulat. Nagagawa nitong maipakita sa mambabasa ang daigdig sa pamamagitan ng paningin at pandama. Kung magiging sanay sa paggamit ng mga salitang panlarawan, magagawang maging konkreto ang mga bagay na abstrak at ang masaklaw ay maging tiyak. Halimbawa: Sa unang malas, ang malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa kalagitnaan ng Luzon. Ang panimulang ito ng isang talata mula sa kwentong Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes ay hindi magiging maliwanag at tiyak kung hindi niya idinagdag ang mga pangungusap na magpapatunay na, walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa kalagitnaan ng Luzon ang nayong Malawig.

Narito ang panimulang pahayag na inuri nating masaklaw, at ang mga kasunod na pangungusap na babanggit sa mga detalye para maging konkreto o tiyak ang mga abstrak at masalkaw na pangungusap.

Kaugnay nito, hindi laging biswal ang dapat maging dominanteng impresyon kundi madali ring ibatay sa alinmsang sa mga pandama. Kung ibig mong ilarawan ang isang tanawing sinasalanta ng bagyo, hindi lamang ang tanawin ang mabibigyan ng deskripsyon. Maaring ang ingay at tunog ng paligid ang mapag-uukulan mo ng paglalarawan.

Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa kalagitnaan na Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, natatalakupan ng makapal at manila-nilaw na alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong.

MGA URI NG PAGLALARAWAN Sa kathambuhay, maoobserbahan ang mga magkaibang paggamit ng paglalarawan. Sa pagsulat ng nobela, nakaka ubos ang nobelista ng maraming sandali ng palalarawang walang galaw. Sa kanilang dako, walang gayong kalayaan ang isang kwentista. Bawat eksena sa isang maikling kuwento ay hindi dapat masayang sa pagtutuon ng paningin sa tagpuan o sa tauhan; kailangang Makita ang tauhan sa kanyang ginagalawang kapaligiran na patuloy na kumikilos para sa paglutas ng kanyang suliranin. PAGLALARAWAN WALANG KILOS O GALAW 1. Matanda na nang mabilanggo si Mang Selo. Mahigit na siyang animnapu, uban na ang malaking bahagi ng kanyang ulo, malalim na ang gitla sa kanyang noo subalit malakas pa si Mang Selo; nakukuha pa niyang sakahin ang kapirasong lupang pinamana pa ng kanyang mga ninuno.. -Bilanggo, Wilfredo P. Virtusio 2. Kung makikita mo si Boy Nicolas noon, hindi mo iisiping siya uri ng lalaking maaaring panganinuhan o gumawa ng masama.

ANG MAHUSAY NA PAGLALARAWAN 1. Ang mahusay na paglalarawan ay nagsisimula sa matipuno at tiyak na nangingibabaw na impresyon. Hindi tinatangka ng mahusay na paglalarawang magpakita o magsabi ng lahat-lahat sa halip ang pukos ay nasa piniling nangingibabaw na pangunahing katangian ng isang bagay o tanawin. 2. Ang mahusay na paglalarawan ay gumagamit ng mga larawang-diwa at ng mga salitang makahulugan at matalinhaga. 3. Ang mahusay na paglalarawan ay nananawagan sa lahat ng mga pandama; hindi limitado ang mahusay na deskripsyon sa nakikita lamang ng manunulat.

Babay faced siya kahit galit siya ang kanyang mga mata ay para sa isang inosenteng batang hindi kakikitaan ng poot KARANIWAN O KONKRETONG PAGLALARAWAN

Layunin nitong magbigay ng kaalaman hinngil sa isang bagay ayon sa pangkalahatang pangmalas ng manunulat. Sa pamamagitan ng tiyak na paglalarawan, naipapakita ang pisikal o konkretong katangian. Higit na binibigyang diin sa paglalarawang ito kung anu ang nakikita at hindi ang nilalaman ng damdamin o kuro-kuro ng manunulat.

-. . . punong-puno ng nakatatakot na larawan ang kanyang ulo. (O Pagsintang labis- (Tumangan) 3. Paglalarawan sa bagay -. . .ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihan nalalamon. . . ( Makina Marisa ) 4. Paglalarawan sa tanawin o lugar -. . .sa sinag ng bukang liwayway ay tila nga naman nag-aanyaya kung paano ang bahay na malaki. Tisang balot sa kumot sa bubong ay tila nagliliwanag pati ang kurtinang gagalaw-galaw sa marahang simoy ng hangin ay tila kumakaway. . .( Kasalanan sa Malaking Bayan )

MASINING O ABSTRAKTONG PAGLALARAWAN Naglalayong pukawin ang guni-guni at damdamin ng mambabasa. Higit na binibigyang diin dito hindi ang tiyak na larawan g nakikita kundi ang makulay na larawang nilikha ng imahinasyon. Gumagamit ito ng mga salitang nagpapaganda rito gaya ng mga tayutay at iba pang mga salitang patalinhaga

HALIMBAWA: 1. Paglalarawan sa tao -. . . sapagkat si Susanay mukhang anghel ng kagandahan sa kanya.. (Tatulot sa Pagas na Lupa- Landicho) 2. Paglalarawan sa damdamin

You might also like