You are on page 1of 12

Group 2

 Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na


naglalayong bumuo ng isang malinaw
na larawan sa isip ng mga mambabasa
o nakikinig.
 sapamamagitan ng paggamit ng
tiyak na salitang naglalarwan,
gaya ng pang-uri at pang-abay,
malinaw na naipakikita ang
katangian ng tao, bagay, lugar o
pangyayari na ating nakikita,
naririnig o nadarama.
 napapagalaw at napakikislot din
ng paglalarawan ang ating mga
guni-guni, imahinasyon at
nakatatawag ng paningin at
pansin ng mga mambabasa.
1. May tiyak at kawili-wiling paksa
2. Gumagamit ng wasto at angkop na
pananalita.
3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais
ipakita.
4. Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling
pananaw sa paglalarawan.
 batay sa pandama - nakita, naamoy,
nalasahan, nahawakan, at narinig.

 batay sa nararamdaman - bugso ng


damdamin.

 batay sa observasyon - batay sa observasyon


ng mga nagyayari.

1. Karaniwan o konkretong Paglalarawan

 Layunin nito ang magbigay ng kaalaman hinggil sa


isang bagay ayon sa pangkalahatang pangmalas ng
manunulat.

 Sa pamamagitan ng tiyak na salitang naglalarawan,


naipakikita ang fisikal o konkretong katangian.
 maganda
 maayos
 malinis
2. Masining o obstraktong Paglalarawan
 Naglalayung pukawin ang guni-guni at damdamin
ng mambabasa.

 Higit na nabibigyang diin dito hindi ang tiyak na


larawang nakikita kundi ang makulay na larawang
nililikha ng imahinasyon.

 Gumagamit ito ng mga salitang nagpapaganda rito


gaya ng mga tayutay at iba pang mga salitang
patalinhaga.

1. Paglalarawan sa Tao

... sapagkat si Susana'y mukhang
angel ng kagandahan sa kanya...

 (Talulot sa pagas na Lupa - Landicho)



2. Paglalarawan sa Damdamin

 ...punung-puno ng nakatatakot na
larawan ang kanyang ulo.

 (O Pangsintang labis - Tumangan)


 3. Paglalarawan sa Bagay

 ... ang dambuhalang makinang iyon ay


waring isang kapangyarihang
nalalamon...

 (Makina - Marisa)

4. Paglalarawan ng tanawin o Lugar

- sa sinag ng bukang - liwayway ay tila nga
naman nag-aanyayang kung paano ang
bahay na malaki. Tisang balot ng lumot sa
bubong ay tila nagliliwanag. pati ang
kurtinang gagalaw-galaw sa marahang
simoy ng hangin ay tila kumakaway.

(Kasalan sa Malakaing bayan - Pineda)

You might also like