You are on page 1of 3

KARANASAN SA PAGPAPASULAT AT PAGWAWASTO NG SULATING

PANANALIKSIK NG MGA GURO SA MGA MAG-AARAL NG

BAITANG 11

Disertasyon na Iniharap sa

Institute of Graduate and Professional Studies

LYCEUM-NORTHWESTERN UNIVERSITY

Dagupan City, Pangasinan

Bilang Pagtupad sa mga Pangangailangan para sa Digring

DOKTOR SA PILOSOPIYA Major in Filipino Language

Emily J. Macaltao

2023
ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Rasyonale

Isa sa mga gawaing akademiko ng mga mag-aaral pati na ang mga guro

ay ang pagsulat ng isang pananaliksik. Kaakibat ng gawaing ito ay ang

pagwawasto ng mga guro. Ano nga ba ang nararanasan ng mga guro sa tuwing

sila ay nagpapasulat at nagwawasto ng sulating pananaliksik ng kanilang mga

mag-aaral?

Sa pag-aaral na ito, ating malalaman ang iba’t ibang karanasan ng mga

guro sa pagpapasulat at pagwawasto ng sulating pananaliksik ng kanilang

mga mag-aaral. Ayon sa pananaliksik, may mga guro na nakararanas ng

pananakit ng ulo sa gawaing ito. Sa kabilang banda naman, mas lalong

lumalawak ang kaalaman ng isang guro sapagkat mas marami siyang

napupulot na impormasyon hinggil sa isang paksa o suliraning nasaliksik ng

kanyang mag-aaral. Sa pagpapasulat ng pananaliksik, maraming mga

natutuklasan ang mga guro, nariyan ang mga paggamit ng maling gramatika,

paggawa ng plagyarismo at marami pang iba.

Ang pagpapasulat at pagwawasto ng pananaliksik ay isang gawaing

maaring kapulutan ng iba’t ibang impormasyon. Dito mas lalong lalawak ang

kaalaman ng isang gurong nagpapasulat at nagwawasto nito.


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa Karanasan ng mga Guro sa


Pagpapasulat at Pagwawasto ng Pananaliksik at ito ay naglalayong masagot
ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ano ang mga nararanasang suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng


pananaliksik
2. Ano ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa sulating
pananaliksik ng mga mag-aaral batay sa
2.a Pagpapasulat
2.b Pagwawasto
3. Ano ang mga estratehiyang mabubuo batay sa pagpapasulat at
pagwawasto ng mga sulating pananaliksik ng mga mag-aaral

You might also like