Pananaliksik NG Ika-Tatlong Grupo

You might also like

You are on page 1of 27

Korelasyon ng Note-Taking sa Akademikong Marka ng mga Piling

Mag-aaral sa Ikalabing-Isang Baitang Afternoon Shift (AS) ng Our Lady of


Perpetual Succor College

Isang pananaliksik na iniharap sa kaguruan ng Filipino ng


Our Lady of Perpetual Succor College

Bilang pagtupad sa kahingian ng Kursong


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik

Iniharap nina:

Chavez, Desiree Anne D.P

Enciso, Andrei A.

Gigantone, Princess Ramelou L.

Lagramada, John Fel P.

Lapuz, Coleen Angelique J.

Lim, Gracelyn O.

Pagulon, Terrence James B.

Palatulon, Jyryll Gabrielle G.

Salivio, Prince Arwin B.

Villanueva, Jerimiah B.

Iniharap kay:
Gn. Gideon B. Canlas, LPT

2024
KABANATA I

Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-Aaral

Panimula

Isa ang pag-aaral sa mahalagang bahagi ng buhay ng bawat mag-aaral. Ang

pagkatuto ay hindi lamang sa pakikinig, isa sa mabisang paraan ng pagtatagumpay sa

akademiko ay ang pagtatala at pagsasaayos ng mga impormasyon. Ang iba’t ibang uri ng

estratehiya sa pagtatala ng mga impormasyon o note taking strategies ay may malaking

ambag sa pag unawa at pagtatala ng mga aralin. Ang note taking ay isang sistematikong

pangangalap ng mga datos para sa pag-aaral (Guanizo, 2023).

Layon ng pananaliksik na ito na alamin ang korelasyon ng note-taking sa

akademikong marka ng mga piling mag-aaral ng Ikalabing-Isang Baitang, partikular na sa

Afternoon Shift (AS) ng Our Lady of Perpetual Succor College (OLOPSC).

Ang afternoon shift (AS) ay sektor ng mga mag-aaral na pangalawang shift. May

kanya-kanyang hamon sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga mananaliksik ay malalaman

ang korelasyon ng note-taking sa kanilang akademikong marka.

Ayon sa literatura ng Teachmint (2022), ang pagkuha ng tala lalong lalo na sa

loob ng klase ay isang nakakatulong na estratehiya upang mapagtagumpayan ng

estudyante ang buhay


pang-akademiko. Hindi madali ang pagsasaulo ng mga makabuluhang detalye na

naibabahagi sa klase kung kaya’t mahalaga na ang isang mag-aaral ay may kakayahang

kumuha ng mga tala sa pinakamabisang paraan.

Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng mga datos mula sa mga respondente,

ay malilinaw at matutukoy ang dami ng mga mag-aaral na ngsasagawa ng note-taking.

Ang matutuklasan sa pag-aaral na ito ay maaaring maging pundasyon para sa

pagpapaunlad ng mga gabay at suhestiyon sa pag-aaral para sa mga mag-aaral ng

Afternoon Shift (AS) sa Our Lady of Perpetual Succor College upang mapabuti ang

kanilang akademikong kahandaan at marka.

Mula sa pag-aaral nila Lalchandani & Healy (2022) sinasabi nila na ang

summarization at sustained attention ay pangunahing cognitive processes na nagsusulong

sa epekto sa pagkuha ng mga tala.

Base sa isinagawang pag-aaral nila Salame & Thompson (2022) ang pagkuha ng

mga tala ay nagpapabuti sa pag-aalala ng mga mag-aaral sa materyal, nagpapataas ng

pag-unawa ng mga mag-aaral sa nilalaman, tumutulong sa paghahanda para sa mga

pagsusulit, at nagpapabuti sa kanilang kabuuang mga marka.

Ayon kay Fungay et al (2023), may patuloy na pagtulak na masali ang mga

mag-aaral sa pagsasama-sama sa pagkuha ng mga tala upang mapataas ang kanilang

pakikilahok sa mga nilalaman at upang magbigay-inspirasyon sa mas malalim at


makabuluhang pag-aaral. Gayunpaman, may kakulangan ng kaliwanagan kung ang

pagsasama-sama sa pagkuha ng mga tala ay may positibong epekto sa pagganap ng mga

mag-aaral. Nakita ng pag-aaral na mas mahusay ang pagganap ng mga mag-aaral mula sa

pangkat ng pagsasama-sama sa pagkuha ng mga tala pagdating sa pagpapanatili o

pag-alaala, samantalang mas mahusay naman ang pagganap ng pangkat ng indibidwal na

pagkuha ng mga tala pagdating sa mga akademikong pagsusulat.

Sandigan ng Pag-aaral

Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, layunin nito ang masusing suriin ang

ugnayan o korelasyon sa Note Taking at ang pangkalahatang akademikong grado ng mga

mag-aaral. Inaasahan din sa pag-aaral na ito na malaman kung ang pag Note taking ba ay

nakakatulong sa akedemikong grado ng mag-aaral sa ikalabing-isa AS sa Our Lady of

Perpetual Succor College.

Sa pagtatapos ng pagsusuri, inaasahan na magsusulong ng mga rekomendasyon na

maaaring magbigay ng impormasyon sa mga guro, at mismo sa mga mag-aaral upang

mapabuti ang kanilang mga paraan ng pag-aaral at mapalakas ang koneksyon sa pagitan

ng pagtatala ng tala at tagumpay sa akademiko.

Paglalahad ng Suliranin

Ang mga sumusunod na katanungan ay sasagutin ng mga mananaliksik upang

malaman ang Korelasyon ng Note-taking sa Akademikong Marka ng mga Piling

Mag-aaral sa Ikalabing-isang Baitang Afternoon Shift ng Our Lady of Perpetual Succor

College.
1. Gaano kadalas ang note-taking ng mga respondente?

2. Ano ang pangkalahatang marka noong unang semestre ng mga respondente?

3. Mayroon bang signipikanteng korelasyon ang note-taking sa akademikong marka

ng mga piling mag-aaral sa Ikalabing-Isang Baitang Afternoon Shift (AS) ng Our

Lady of Perpetual Succor College?

Haypotesis

Ho (Null Hypothesis): Walang makabuluhang Korelasyon ng Note-Taking Strategies sa

Akademikong Marka ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing-Isang Baitang Afternoon

Shift (AS) ng Our Lady of Perpetual Succor College.

Ha (Alternative Hypothesis): Mayroong makabuluhang Korelasyon ng Note-Taking

Strategies sa Akademikong Marka ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing-Isang Baitang

Afternoon Shift (AS) ng Our Lady of Perpetual Succor College.

Balangkas Konseptwal

Ang pananaliksik na ito ay may pamagat-pampananaliksik na Korelasyon ng

Note-Taking sa Akademikong Marka ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing-Isang

Baitang Afternoon Shift (AS) ng Our Lady of Perpetual Succor College.


Makikita sa Balangkas Konseptual ang Paghahanda, Pamamaraan at Inaasahang

Kakalabasan. Matatagpuan sa paghahanda ang pamagat pampananaliksik at ang mga

suliranin na gagamiting bilang gabay para sa proseso ng pagkuha ng resulta. At makikita

sa kinalabasan ang inaasahang resulta ng pag-aaral.


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay malaman ang kahalagahan ng note-taking

sa akademikong marka ng mga piling mag-aaral sa ikalabing-isang baitang afternoon

shift ng Our Lady of Perpetual Succor College. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang

pag aaral na ito ay magiging kapaki pakinabang sa mga sumusunod na mamamayan.

Mag-aaral

Makatutulong ito sa mga mag-aaral na malaman ang maaaring paraan

upang magkaroon ng mas mataas na grado at upang malaman kung ano ang maaaring

makatulong sakanila.

Guro

Dahil sa pag-aaral na ito matutulungan ng mga guro ang mga mag - aaral

na malaman ang mga maaaring paraan upang mapataas ang grado ng kanilang mag-aaral.

Mananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga mananaliksik dahil ito ay

makakatulong sa kanila na matukoy ang Korelasyon ng Note-taking sa Akademikong

Marka ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing-isang Baitang Afternoon Shift ng Our Lady

of Perpetual Succor College.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa akademikong taong 2023-2024.

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay suriin ang korelasyon ng note-taking sa

akademikong marka ng mga piling mag-aaral sa Ikalabing-Isang Baitang Afternoon Shift

(AS) .
Ang mga partisipante sa pag-aaral ay binubuo ng mga mag-aaral sa

Ikalabing-Isang Baitang Afternoon Shift (AS) ng Our Lady of Perpetual Succor College .

Ang mga partisipante ay kilala sa pamamagitan ng random sampling upang

maging representatibo ang datos na kinokolekta.

Inaasahan na matutukoy sa pag-aaral ang kahalagahan ng tamang paggamit ng

note-taking sa pagpapabuti ng akademikong marka ng mga mag-aaral. Ang mga resulta

ng pag-aaral ay magiging basehan para sa mga rekomendasyon upang mapaunlad ang

mga paraan ng pagtuturo at pagkatuto sa larangan ng pagkuha ng mga tala sa klase.

Terminolohiya

● Note taking - Ang note-taking (minsan ay isinulat bilang notetaking o note


taking) ay ang pagsasanay ng pagtatala ng impormasyon mula sa iba't ibang mga
mapagkukunan at platform.

● Literatura - temang ginagamit upang ilarawan ang nasusulat o sinasalitang

materyal.

● Simple Random Sampling - ay ang pinakapangunahing pamamaraan sa pagpili.

Ito ay isang probabilidad na paraan ng pagpili kung saan lahat ng mga maaaring

maging subset na binubuo ng 'n' na elemento na nakuha mula sa 'N' na element sa

populasyon ay may pantay-pantay na pagkakataon na mapili.

● Summarization - Pagtanda sa pinakamahalagang impormasyon upang lumikha ng

isang makabuluhang buod.

● Sustained Attention - nangangahulugang mapanatili ang konsetrasyon sa mga

bagong impormasyon habang hindi pinapansin ang hindi kailangang distraksyon.

● Cognitive processes - Kilos na tumutukoy sa pagkatuto. Pagkuha, pagproseso at

pagpapanataili ng mga natutunan.


KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Panimula

Ang kabanatang ito ay maglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura

patungkol sa napiling paksa ng mga mananaliksik na pinamagatang ‘’Korelasyon ng

Note-taking sa Akademikong Marka ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing-isang Baitang

Afternoon Shift ng Our Lady of Perpetual Succor College”. Ang mga nakalap na kaugnay

na literatura at kaalaman ay magiging pundasyon ng mga mananaliksik upang

mapagtibay ang isinagawang pag-aaral.

Nakapaloob sa kabanatang ito ang mga impormasyon at kaalaman ukol sa

importansya ng pag-aaral ng literatura di lamang ng bansang Pilipinas kundi pati na rin

ng buong mundo, at kung bakit ito kinakailanganing aralin ng mga kasalukuyang

mag-aaral sa labing-isa.

Mga Kaugnay na Literaturang Global

Ang pag-note taking ay may malaking epekto sa akademikong pagganap dahil

karaniwan itong nagsisilbi sa mga function na nauugnay sa proseso at produkto (Luo et

al., 2018). Natukoy ng mga mananaliksik ang pag-promote ng atensyon at pag-encode ng

ipinakita na materyal bilang mga function na nauugnay sa proseso, pati na rin ang mga

tungkulin ng kumplikadong cognitive demands sa memorya at pagganap (Voyer et al.,

2022).
Ayon kanila Brethauer and Dix Richardson (2022), ang pagkuha ng tala ay

tumutulong sa kanila sa pag-iimbak ng impormasyon at matulungan mapabuti ang

kanilang mga grado.

Sa pag-aaral nina Wirwet Eva Savitri, Asrori, at Nur Chakim (2019), ang

Note-Taking ay isang mahalagang kasanayan na dapat matutunan ng mga mag-aaral sa

unibersidad. Gayunpaman, ito ay hindi madali gawin. Ang pag-aaral na ito ay

nagtangkang ilantad ang persepsyon ng mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan sa

Note-Taking pati na rin ang paglalarawan kung paano nakikita ng mga mag-aaral ang

kanilang sariling kakayahan sa paggawa ng tala. Ginamit ng pananaliksik ang

talatanungan at Talakayang Pangkat (FGD) upang makalikom ng datos mula sa mga

tumugon. Ang talatanungan ay ipinamahagi sa mga mag-aaral ng departamento ng Ingles

na natuto na kung paano gumawa ng tala sa kanilang mga klase sa pagbabasa. Ang

resulta ng talatanungan ay nagpapakita na karamihan sa mga mag-aaral ay naniniwala na

ang Note-Taking ay isa sa mahalagang impormasyon mula sa mga materyales na kanilang

nabasa ay mahalaga para suportahan ang kanilang pag-aaral. Sumasang-ayon dito ang

91% ng mga kalahok.

Sintesis

Ang pag-aaral ay nagpapakita na ang diskarte sa pagkuha ng tala mula sa aralin ay

isang mahalagang paktor sa akademikong marka ng mga mag-aaral. Ayon kay Salame at

Thompson (2020), ang ganitong kasanayan ay kritikal sa kolehiyo, kung saan

kinakailangan ang aktibong pakikinig, pagproseso ng impormasyon, at pagsulat. Idinidiin


din ng British Journal of Educational Psychology (2024) na ang pagkuha ng mga tala ay

nagpapabuti sa kalidad ng pag-aaral.

Batay sa pag-aaral nina Wirwet Eva Savitri, Asrori, at Nur Chakim (2019),

mahalaga ang Note-Taking bilang kasanayan sa unibersidad. Gamit ang talatanungan at

Talakayang Pangkat (FGD), nakuha ang opinyon ng mga mag-aaral, kung saan 91% sa

kanila ay naniniwala na ang pagkuha ng tala mula sa binasang materyal ay makakatulong

sa kanilang pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literaturang Lokal

Ayon sa artikulo ang pagkuha ng tala ay positibong nakakaimpluwensya sa

pagganap ng mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay inihambing sa kanilang pagpapanatili ng

impormasyon at kanilang pagganap sa akademikong pagsulat. Ang mga mag-aaral mula

sa collaborative note-taking group ay mas mahusay na gumanap sa mga sukat ng

pagpapanatili, habang ang indibidwal na note-taking group ay mas mahusay na gumanap

sa mga sukat ng akademikong pagsulat (Costley, J., & Fanguy, M. 2021).

Ang pagiging kapaki-pakinabang ng paggamit ng diskarte sa pagkuha ng tala sa

silid-aralan sa pakikinig ng wikang banyaga, at upang tulungan ang mga guro ng wikang

banyaga na interesado sa pagbuo ng mga kasanayan sa pakikinig sa kanilang sariling mga

nag-aaral. Iminungkahi ng mga natuklasan na ang mga benepisyo ng pag-aaral ng

paggamit ng pagkuha ng tala ay kasama ang pagtaas ng konsentrasyon at pag-unawa sa

mga talata sa pakikinig sa Ingles bilang karagdagang sa kakayahang gumawa ng mga


hinuha. (Örsdemir, E. 2019).

Ayon kay Calamlam (2023), ang online learning ay isang medyo bagong ngunit

lumalagong pamamaraan sa edukasyon sa Pilipinas. Ang pagtaas ng popularidad ng

pamamaraan ay nagbibigay-diin sa self-regulated learning (SRL). Kaya, ang

kasalukuyang pag-aaral ay naglalayong magmungkahi at mag-assess ng isang

interbensyon gamit ang isang digital note-taking application bilang isang SRL tool para

sa Business Math. Ginamit ng pag-aaral ang isang pre-test at post-test design upang

masuri ang aktibidad ng interbensyon, na may mga datos na nakolekta bago at

pagkatapos ng implementasyon ng digital note-taking application. Natuklasan ng

pag-aaral na ang paggamit ng isang digital note-taking application bilang isang

self-regulation tool ay maaaring maging epektibo sa pagtaas ng academic achievement sa

isang business mathematics online learning course.

Ayon kay Literature, E. (2023) Ang pagiging talagang mahusay sa pagkuha ng

mga tala ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng isang mahusay na tool na higit pa sa

silid-aralan. Nakakatulong ito sa kanila na mas maunawaan ang mga bagay, mag-isip

nang mas kritikal, at matandaan ang mga bagay-bagay sa mahabang panahon. Kailangang

tumuon ng mga mag-aaral sa pag-aaral kung paano kumuha ng magagandang tala upang

maunawaan nila nang malinaw ang kanilang mga paksa at magkaroon ng kumpiyansa

tungkol dito. Ito ay lalong mahalaga para sa mga mag-aaral na nag-aaral ng panitikan.

Ang mastering note-taking ay isang napakahalagang kasanayan na nagbibigay

kapangyarihan sa mga mag-aaral at tagapagturo na aktibong makipag-ugnayan sa


impormasyon, palalimin ang pag-unawa, at pahusayin ang pagpapanatili ng kaalaman

(Sarah, 2024)

Sintesis

Ang mga pag-aaral ukol sa pagkuha ng tala ay nagpapakita ng positibong epekto

nito sa pagganap ng mga mag-aaral. Sa isang pagsusuri ni Costley at Fanguy (2021), mas

mahusay ang mga mag-aaral sa collaborative note-taking group sa pagpapanatili ng

impormasyon, habang ang indibidwal na note-taking group naman ay mas magaling sa

akademikong pagsulat.

Sa pananaliksik ni Örsdemir (2019), ipinapakita na ang paggamit ng diskarte sa

pagkuha ng tala sa silid-aralan ay makatutulong sa pakikinig ng wikang banyaga at

magbibigay ng benepisyo tulad ng pagtaas ng konsentrasyon at pag-unawa sa Ingles. Si

Calamlam (2023) ay nagpapakita rin na ang digital note-taking application ay maaaring

epektibong self-regulation tool sa online learning.

Huli, ang pagsusuri ni Literature (2023) ay nagmumungkahi na ang pagiging

mahusay sa pagkuha ng tala ay nagbibigay ng mahalagang kasangkapan sa mga

mag-aaral sa labas ng silid-aralan, lalo na para sa mga nag-aaral ng panitikan.

Mga Kaugnay na Pag-aaral na Global

Ang madiskarteng pagkuha ng tala ay isang mahalagang kasanayan sa mga setting

ng kolehiyo, na kinasasangkutan ng aktibong pakikinig, pagproseso ng impormasyon, at


pagsusulat. Sinuri ng pananaliksik na pag-aaral na ito ang epekto nito sa pagganap,

tagumpay, at pagkatuto ng mga mag-aaral sa agham, engineering, at matematika. Ang

datos mula sa 160 City College of New York na mga mag-aaral ay nagpakita na ang

madiskarteng pagkuha ng tala ay nagpapabuti sa paggunita, pag-unawa, paghahanda para

sa mga pagsusulit, at pangkalahatang mga marka. Nagpakita rin ito ng ugnayan sa

pagitan ng pagkuha ng tala at mas mataas na GPA, na nagpapahiwatig ng kahalagahan

nito sa pagkakaroon ng kaalaman at tagumpay sa mga kurso.(Salame, I. & Thompson,

A.,2020). Ayon sa isang kamakailang pag-aaral nina Salame at Thompson (2020) na

bahagi ng paraan upang maisakatuparan ang iyong mga pangarap ay maaaring depende sa

kung paano ka kumuha ng mga tala sa panahon ng klase. Sa pag-aaral, natagpuan ng mga

may-akda ang isang ugnayan sa pagitan ng mas mahusay na pagkuha ng tala at isang mas

mataas na average ng grade point. Ang mga matagumpay na estudyanteng tinanong sa

pag-aaral ay nadama din na ang pagkuha ng tala ay nagpabuti sa kanilang paggunita sa

materyal ng kurso. Kapag kumuha ka ng mga tala, nakikibahagi ka sa aktibong pag-aaral

sa halip na pasibong pakikinig sa iyong tagapagturo. Makakatulong sa iyo ang aktibong

pag-aaral na mas matandaan ang impormasyong maririnig mo nang pangmatagalan.

Ang isang kaugnay na pag-aaral ni Junghyun (2019) ay tinalakay ang mga epekto

ng pagsasanay sa pag Note-Taking training ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa Korea

habang naglalakad ng mga pagsusulit sa pakikinig sa akademikong Ingles. Sinisiyasat ng

pag-aaral ang epekto ng pagsasanay sa estratehiya ng pagkuha ng tala sa mga ugali ng

mga mag-aaral sa kolehiyo sa Korea sa pagkuha ng tala habang naglalakad ng mga

pagsusulit sa pakikinig sa Ingles. Ang kasalukuyang pag-aaral na ito ay gumamit ng


dalawang uri ng mga instrumento: mga pagsusulit at mga materyales sa pagsasanay.

Tatlong pagsusulit sa pakikinig ang isinagawa upang

masuri ang pang-unawa sa pakikinig ng mga kalahok bago (Pretest at Test I) at

pagkatapos ng eksperimento (Test II). Kasama sa mga materyales sa pagsasanay ang mga

handout at mga slide in PowerPoint. Nagpakita ang pagsasanay ng positibong mga

epekto, na may mga mag-aaral na gumawa ng higit na mga tala at nakakakilala ng

impormasyon ang mas epektibo pagkatapos ng pagsasanay.

Sintesis

Ang madiskarteng pagkuha ng tala ay kritikal sa mga setting ng kolehiyo, na

naglalaman ng aktibong pakikinig, pagproseso ng impormasyon, at pagsusulat. Isinagawa

ang isang pananaliksik na sumuri sa epekto nito sa pagganap at tagumpay ng mga

mag-aaral sa agham, engineering, at matematika sa City College of New York. Ayon sa

Salame at Thompson (2020), natagpuan ang ugnayan sa pagitan ng mas mahusay na

pagkuha ng tala at mas mataas na GPA, nagpapahiwatig ng kahalagahan nito sa

pagkakaroon ng kaalaman at tagumpay sa mga kurso.

Sa isang kaugnay na pag-aaral ni Junghyun (2019) sa mga mag-aaral sa kolehiyo

sa Korea, naisip na ang pagsasanay sa pagkuha ng tala ay nakakatulong sa mas mabuting

pag-unawa sa pakikinig sa Ingles. Gumamit ang pag-aaral ng mga pagsusulit at

materyales sa pagsasanay, at nagpapakita ng positibong epekto ng pagsasanay sa mga

mag-aaral na mas aktibo sa pagkuha ng tala at mas epektibo sa pagkilala ng impormasyon

pagkatapos ng pagsasanay.
Mga Kaugnay na Pag-aaral na Lokal

Ang pagkuha ng mga tala sa panahon ng pag-aaral ay may mga benepisyo kapwa

sa panahon ng klase (sa pamamagitan ng pagsulat ng mga bagay upang i-encode ang

impormasyon) at pagkatapos ng klase (sa pamamagitan ng paggamit ng mga nakasulat na

tala bilang panlabas na imbakan para sa rebisyon). Pangunahing ipinakita ng mga

paghahambing ng mga paraan ng pagkuha ng tala (ibig sabihin, paggamit ng papel o

computer) na ang papel ay humahantong sa mas mahusay na pag-aaral. Gayunpaman, ang

mga nakaraang pag-aaral ay kadalasang isinagawa sa mga konteksto ng laboratoryo

(British Journal of Educational Psychology, 2024). Isa sa paraang nagbibigay apekto sa

akademikong marka ng mga mag-aaral ay ang kanilang pagkuha ng tala mula sa mga

aralin. Ayon sa pag-aaral nila Salame, I. & Thompson, A. (2020) Ang madiskarteng

pagkuha ng tala ay isang mahalagang kasanayan sa mga setting ng kolehiyo, na

kinasasangkutan ng aktibong pakikinig, pagproseso ng impormasyon, at pagsulat.

Ang epekto ng pagkuha ng tala habang nakikinig sa isang katutubong wika o

materyal na pang-akademiko ay nagpapahiwatig na ang pagkakaroon ng mga tala na

magagamit habang sumasagot sa mga pagsusulit ay ang pinaka-kapaki-pakinabang na

aspeto ng pagkuha ng tala hindi ang pagkilos ng pagkuha ng mga tala lamang. (Castillo,

M.,2019)

Ayon Kay Calderon (2022) ang mga mag-aaral na kumukuha ng tala ay hindi

lamang mas nakapokus sa kanilang mga gawain ngunit mas handa rin sa mga pagsusulit.
Ito, samakatuwid, ay itinuturo na ang Note-Taking ay isang epektibong diskarte o

kasangkapan sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto.

Ayon kay Gorospe at Abad (2023), ang kanilang pananaliksik ay sumisiyasat sa

mga ugali ng mga estudyante sa pagkuha ng tala batay sa dami at kalidad ng mga tala na

nagawa pati na rin ang pagganap sa mga pagsusulit na pangwakas at pangbuod. Ang mga

ugali sa pagkuha ng tala ay kasama ang paggamit ng papel at pluma, pagkuha ng tala na

may tulong ng tablet PC, at hindi pagkuha ng tala. Ginamit ang Analysis of Variance

(ANOVA) upang ihambing ang mga pagganap sa pagsusulit ng mga mag-aaral sa mataas

na paaralan mula sa tatlong opsyon ng pagkuha ng tala. Ang mga resulta ay

nagpapahiwatig na ang mga estudyanteng nag-e-encode ng mga tala sa papel at pluma ay

nakakasakop ng mas maraming item sa aralin kaysa sa mga gumagamit ng tablet PC. Ang

kanilang pag-aaral ay nagpapahiwatig na may positibo sa pagkakaroon ng mataas na

marka sa pamamagitan ng pagkuha ng tala.

Nakasaad sa isang pag-aaral ni Goodwin (2018) na ang pagtatala ay nagpapataas

ng retensyon sa pag-aaral at nag-oorganisa ng impormasyon. Nakakatulong ito sa

kanilang pagpapabuti ng aktibong pakikinig at tumutulong sa kanila na baguhin ang

impormasyon sa paraang nagreresulta sa mas malalim na pang-unawa.

Escudero (2023) Ang mga mag-aaral ay na nagsasagawa ng mga kasanayang

pagtatala, ginamit ang mga epektibong aplikasyon ng edukasyon, at mahusay na


nagpaplano ng kanilang oras sa panahon ng pandemya upang makamit ang kanilang

pag-aaral.

Sintesis

Ang pagkuha ng tala sa panahon ng pag-aaral ay may mga benepisyo sa klase at

pagkatapos nito, kung saan ang paggamit ng papel ay mas epektibo kaysa sa computer.

Ang madiskarteng pagkuha ng tala ay mahalaga sa kolehiyo, ayon kay Salame at

Thompson (2020). Ang epekto ng pagkuha ng tala habang nakikinig sa katutubong wika

ay mahalaga para sa paghahanda sa pagsusulit, ayon kay Castillo (2019). Ayon kay

Calderon (2022), nakapokus at handa ang mga mag-aaral na kumukuha ng tala. Ang

pananaliksik nina Gorospe at Abad (2023) ay nagpapakita na mas mabisa ang pagkuha ng

tala sa papel at pluma kaysa sa tablet PC. Dagdag pa, sinabi ni Goodwin (2018) na ang

pagtatala ay nagpapataas ng retensyon sa pag-aaral at nag-oorganisa ng impormasyon,

nagpapabuti ng aktibong pakikinig at nagreresulta sa mas malalim na pang-unawa.


KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Panimula

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng disenyo ng pag-aaral na sinusundan ng mga

mananaliksik. Ito ay nagbibigay din ng mga hakbang na isinagawa upang matupad ang

layunin ng pag-aaral na ito. Ang mga bahagi ng kabanatang ito ay ang mga sumusunod:

Disenyo ng Pananaliksik, Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik, Paraan ng

Pangangalap ng Impormasyon at Datos, Respondente ng Pag-aaral at Paraan ng Pagpili

ng mga Respondente, at Tritment ng mga Datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang ginamit na pamamaraan sa pananaliksik ay korelasyon ito ay upang malaman

ang koneksyon ng Note-Taking sa Akademikong Marka. Ito ay isang uri ng pananaliksik

na kung saan ay ginagamit upang malaman kung ano ang relasyon ng dalawang o higit

pang mga bagay sa isa't isa. Ito ay isang uri ng pag-aaral sa kung saan pag-aaralan ng

mga mananaliksik ang relasyon kasangkot ng dalawa o higit pang mga bagay na walang

pangangailangan na malaman ang dahilan at epekto. Ang korelasyonal na disenyo ng

pananaliksik ay nagmula sa konsepto ng mga mananaliksik na maaaring magkaroon ng

isang kaugnayan sa pagitan ng dalawang mga bagay sa isa't isa (Alfaro et al.,2019). Ang

korelasyon ay tumutukoy sa anumang malawak na klase ng relasyong estadistikal na

kinasasangkutan ng dependiyensiya. Ang mga pamilyar na halimbawa ng dependiyenteng


phenomena ay kinabibilangan ng korelasyon sa pagitan ng mga taas ng mga magulang sa

mga anak nito at ang korelasyon sa pagitan ng pangangailangan para

isang isang produkto at presyo nito. Ang mga korelasyon ay magagamit dahil ito ay

maaaring magpakita ng isang mahuhula ang relasyon na magagamit sa pagsasanay

(Pebrero, 2024).

Respondente, Populasyon at Teknik sa Pagpili ng mga Respondente

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga napiling mag-aaral na nasa

ika-labing-isang baitang afternoon shift (AS) sa Our Lady of Perpetual Succor College.

Upang matukoy ang eksaktong bilang ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang ng OLOPSC,

humingi ng impormasyon ang mga mananaliksik mula sa kanilang mga guro tungkol sa

kabuuang populasyon ng mga mag-aaral, na umaabot sa 699. Sa pagtukoy ng tamang

bilang ng mga respondente, ginamit ng mga mananaliksik ang Slovin’s formula. Ang

Slovin’s formula ay ginagamit upang makuha ang laki ng sample batay sa ibinigay na

dami ng populasyon (Sciencing, 2020). Mula sa kompyutasyon, 88 ang nakuhang laki ng

Sample Size. Nakuha ang Sample Size sa pamamagitan ng kabuong populasyon sa

ikalabing-isa AS Student sa Our Lady of Perpetual Succor at ang 10% Margin of Error.

Ang bilang na ito ng mga mag-aaral ang magiging representasyon ng kabuuang

populasyon sa pananaliksik na ito.

Slovin’s Formula

𝑁
Formula: 𝑛= 1+𝑁𝑒²
Where:

n = Sample Size

N = Total Population

e = Margin of error

Ginamit ng mga mananaliksik ang Simple Random Sampling para piliin ang mga

indibidwal mula sa bawat isa sa 18 seksyon na nagbigay ng kinakailangang data para sa

pag-aaral. Sa Simple Random Sampling, ang lahat ng mga miyembro ng target na

populasyon ay may pantay na tsansa na maging bahagi ng Sample Space (Thomas, 2023).

Tinitiyak ng teknik na ito na ang pagpili ng mga respondente ay walang kinikilingan.

Bukod dito, sa halip na mangolekta ng masterlist ng klase ng bawat seksyon, tinukoy

lamang ng mga mananaliksik ang bilang ng mga batang babae at lalaki mula sa bawat

seksyon. Pagkatapos, ginamit nila ang mga numero ng klase para sa gulong ng mga

pangalan upang pumili ng mga respondente. Sa estratehiyang ito, malaki ang nabawas na

kailangang effort para sa pre-data gathering phase ng pananaliksik. Ang mga

mananaliksik ay gumamit ng Equal allocation batay sa bilang ng mga mag-aaral sa bawat

buklod ng ika-11 baitang, kabilang ang ABM, HUMSS, STEM, at TVL, upang matukoy

kung ilan ang kukunin na respondent mula sa bawat pangkat. Ang Equal Allocation ay

ang pagbahagi ng Sample Size upang kumuha nang patas o pantay-pantay sa mga

respondente (Osier, 2021). Nakita sa pagkuha ng sample na dapat mayroong 22

mag-aaral mula sa STEM, 22 mula sa HUMSS, 22 mula sa ABM, at 22 mula sa TVL.

Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik


Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng talatanungan upang makakalap ng datos.

Ipamamahagi ito sa mga piling mag-aaral ng ika-labing-isang baitang Afternoon Shift sa

OLOPSC. Nahahati sa dalawangparte ang talatanungan, sarbey tungkol sa kadalasan ng

note-taking at pagkalap ng grado ng mga piling mag-aaral noong unang semestre. Ang

talatanungan na gagamitin ay 4-point likert scale (hindi kailanman hanggang palagi)

upang

makuha ang ng Note-taking . Upang malaman ang Akademikong Marka ng piling

mag-aaral, hihingiin ng mga mananaliksik ang kopya ng kanilang grado o card.

Ang mga sumusunod ay ang mga katanungan na sasagutin ng mga respondente.

Ito ay mula sa pag aaral ni White (2012), sa pag aaral ni Tus (2020) at sa pag aaral ni

Witherby (2019);

Panuto: Lagyan lamang ng tsek ang naaayon sa iyong kasagutan.

Pangalan: (optional) Strand:

Petsa: Seksyon:

1- 2- 3- 4-
Hindi Minsan Kadalasan Palagi
Kailanman

1. Palagi akong nagtatala


(note-take) habang nag kaklase.

2. Nagtatala (note-take) ako


habang nagbabasa.

3. Importante para sa akin ang


pagtatala (note-take) upang
matagumpay ang aking
pagkatuto.

4. Nakatutulong ang pagtatala


(note-take) para sa akin upang
maging aktibo sa klase.

5. Mas natuto ako kapag ako ay


nagtatala (note-take).

6. Ginagamit ko ang aking mga


tala (notes) kapag may
pagsusulit o aktibidad.

7. Pag-uwi, ikinukumpara ko ang


aking mga tala (notes) ko sa
klase sa mga tala mula sa mga
libro.

8. Nagsisikap ako sa paggawa ng


aking mga tala (notes).

9. Kumukuha ako ng larawan ng


PowerPoint Slides/mga sulat sa
pisara at sinusulat ulit sa aking
akda.

10. Nagtatala (note-taking) ako


habang nanonood ng
lectures/video tutorials.

Mga Hakbang sa Paglikom ng mga Impormasyon at Datos

Isa sa pangunahing paraan ng pangangalap ng datos ay ang paggamit ng mga

talatanungan upang mabisang makakuha ng datos mula sa mga piling respondente.

Isinasagawa ang sarbey na panayam upang makakuha ng impormasyon mula sa mga

respondente. Kakailanganin ng pananaliksik na ito ang pangangalap ng mga literaturang


dayuhan at lokal na may sapat na pagkakatulad sa paksang tinatalakay. Sumunod nito ay

ang paggawa ng sarbey na may mga katanungan na sasagutin ng mga napiling

respondente upang matukoy ang kanilang ng note-taking at akademikong marka. Ito ang

magiging instrumento upang magkaroon ng mas matibay na datos para sa gagawing

pananaliksik.

Tritment ng mga Datos

Upang malaman ang kadalasan ng Note-Taking ng bawat piling mag-aaral,

gagamitin ng mga mananaliksik ang Mean Percentage. Ang Korelasyon ng Note- Taking

sa Akademikong Marka ng mga piling mag-aaral ay gagamitan ng Pearson Correlation

Coefficient o Pearson’s R ang mga mananaliksik upang makuha ang Korelasyon ng Note

- Taking sa Akademikong Marka ng mga piling mag-aaral. Ang mga mananaliksik ay

gagamit rin ng T-test upang matukoy ang significant difference sa pagitan ng dalawang

baryabol na Note-Taking at Akademikong Marka.

1. Mean Percentage

Ang Mean Percentage ay isang istatistikong sukat na ginagamit upang mabilang

ang average na pagganap o antas ng tagumpay ng isang pangkat ng mga kalahok.

(Özçakmak, H. 2019).

𝑥1𝑤1+𝑥2𝑤2+. . .+𝑥𝑛𝑤𝑛
Formula: 𝑥𝑤 = 𝑤1+𝑤2+. . .+𝑤𝑛

Where:
𝑥𝑤 = weighted mean

𝑥𝑖 = set of data values

𝑤1 = weight of each value

2. Pearson Correlation Coefficient (r)

Ayon sa Statistics Solutions (2021), ang ugnayan ng Pearson ay angkop kapag

ang parehong mga variable na inihahambing ay may tuloy-tuloy na antas ng pagsukat

(interval o ratio).

Σ(𝑥𝑖−𝑥)(𝑦𝑖−𝑦)
Formula: r=
Σ(𝑥𝑖−𝑥)²Σ(𝑦𝑖−𝑦)²

Where:

r = Pearson Correlation Coefficient

𝑥𝑖= values of the x-variable in a sample

𝑥 = mean of the values of the x-variable

𝑦𝑖= values of the y-variable in a sample

𝑦 = mean of the values of the y-variable

Ang talahanayan sa ibaba ay nagbibigay ng malawak na mga alituntunin:

Table of Interpretation ( Pearson Correlation Coefficient r )

Pearson Correlation Coefficient (r) Value Strength Direction

r > 0.5 Malakas Positibo


0.3 ≤ r ≤ 0.5 Katamtaman Positibo

0 ≤ r < 0.3 Mahina Positibo

0 Wala Wala

0 > r > -0.3 Mahina Negatibo

-0.3 ≥ r ≥ -0.5 Katamtaman Negatibo

r < –0.5 Malakas Negatibo


Tandaan. Ang talahanayan na ito ay nagmula sa "Pearson Correlation Coefficient (r) | Guide & Examples"

ni S. Turney, 2022, Scibbr. (https://www.scribbr.com/statistics/pearson-correlation-coefficient/). Copyright

2022 ng Course Hero, Inc.

3. T-test

Ayon sa isang artikulo ng Investopedia (2023), ang t-test ay isang inferential

statistic na tumutukoy kung may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng paraan ng

dalawang grupo at kung paano sila nauugnay. Ginagamit ang mga T-test kapag ang mga

set ng data ay sumusunod sa isang normal na distribusyon ngunit may mga hindi kilalang

pagkakaiba-iba, tulad ng set ng data na nakuha sa pamamagitan ng pag-flip ng barya

nang isang-daang beses.

Ang t-test ay isang statistical hypothesis test na tumutukoy sa statistical

significance sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng t-statistic, t-distribution values, at

degrees ng kalayaan.

𝑛−2
Formula: t=𝑟 2
1−𝑟

Where:
r = correlation coefficient

n = sample size

You might also like