You are on page 1of 21

PAGBASA AT Pagsusuri ng Iba’t ibang

teksto tungo sa pananaliksik


IBA’T IBANG URI NG TEKSTO

CLOYD T. MANGULABNAN
Asignaturang Guro
Panalangin
Magandang Araw
Bilang ng Dumalo
PAGSUSURI
SA
NAKALIPAS
NA ARALIN
Pag-uugnay
PAG-UUGNAY
Panuto: A. Tukuyin ang tamang uri ng tekstong aakma sa bawat talata sa ibaba.
Sabihin kung anong uri ng teksto ang sa bawat bilang.

i bo
1. Puno ng pag-aalala ang akingN ra t
a mata ng makita kong hindi na naman
mga
nakakuha ng modyul sa paaralan ang magulang ng aking mag-aaral kaya ng
matapos ang oras ng aking pamimigay kaagad akong nag-ayos ng aking mga
gamit at kasabay na binitbit ang mga modyul na dapat makarating sa mga bata.
Ihahatid ko ito sa kanilang tahanan.
PAG-UUGNAY

2. Sino ang higit na magaling babae ba o lalaki?


t ibo
nta
me
g u
Ar
PAG-UUGNAY

3. Sino ang mag-aakala na ang kagandahang mayroon ako ngayon


ay hindi bunga ng isang himala? Isang pahid lamang ng Miracle
Buti Cream ay gaganda ka na. Mura sa presyong abot kaya,
magiging kamukha mo pa si Marian Rivera

Persweysibo
PAG-UUGNAY
4. Napakaganda ng kanyang malalantik na pilikmata,
ang kanyang malarosas na mga pisngi ay napakakinis
at ang kanyang mga manipis na labi ay mapupula.

Deskr
iptibo
PAG-UUGNAY

5. Hindi mapigilan ni Rebecca ang mapaiyak habang binibigyan


ng bulaklak ang kanyang paboritong guro, Ito ang hiling sa
kanya ni Mam Tapia, na sa 3 pagdalaw niya rito ay bigyan
niya ito ng puting bulaklak. Ang puting bulaklak ay inilagay
niya sa ibabaw ng kinahihigaan nitong malaking kahon,
habang inaawit ang kantang "Sino Ako?"

Naratibo
Kasanayan sa Pagkatuto

Matapos ang modyul na ito inaasahang;


1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
(F11PSIIIb-91);

2. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto (F11PU-


IIIb-89).
PAGTALAKAY

Ang teksto ay mga sulatin na magpapatingkad ng mga isinulat na


akdang pampanitikang. Ito ay anumang uri ng babasahin na nakalimbag
gamit ang kalipunan ng mga letra o simbolo na makatutulong sa tao upang
ibigay ang kanyang sariling pagpapakahulugan gamit ang kanyang
kaalaman at sariling ebalwasyon mula rito.
Ito ay isa sa pinaka-epektibong paraan upang masaklaw ang mga
koordinasyon ng mga salitang ginamit sa teksto. Makatutugon din ito sa
sariling pangangailangan batay sa kung paano natin iuugnay ang akda sa
sarili nating pananaw, ideya at karanasan.
Mayroon tayong anim na uri ng teksto at alamin natin ito batay sa
katangian at kalikasan.
1. Tekstong Impormatibo
Ang tekstong impormatibo ay naglalaman ng mga impormasyon batay sa mga tiyak na datos
o tumpak na katotohanan.
Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang mababasa sa mga sangguniang hanguan ng
mga impormasyon gaya ng mga aklat, encyclopedia, atlas, at marami pang iba.
Layunin ng mga tekstong ito ang maghatid ng mga impormasyon na maaaring magamit ng
sinomang nagnanais makabatid ng kinakailangang impormasyon.
Ang mga impormasyong ito ay magagamit sa iba’t ibang paraan ng mga mambabasa, kaya
naman kinakailangang tinitiyak ng sinomang mambabasa ang katumpakan ng mga
impormasyong kanyang pinipili. Sa pagkakataong ito, higit na kinakailangan ng mambabasa ang
lubos na pagsusuri sa mga impormasyon.
2. Tekstong Naratibo
Pinakakaraniwan at masasabing pinakagamitin sa pagpapahayag ang tekstong nagsasalaysay
(naratibo), dahil likas sa ating mga Pilipino ang pagiging mahiligin sa pagsasalaysay.
Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na ang layunin ay magkuwento. Ito rin ay naghahayag
ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na maaaring totoo o likhang isip lamang. Itinuturing
itong pinakamatandang anyo ng pagpapahayag.
Ang Katangian ng Mabuting Tekstong Naratibo ay ang mga sumusunod:
1. Mabuting Pamagat
2. Mahalagang Paksa
3. Wastong Pagkakasunod-sunod
4. Mabuting Simula
5. May Mabuting Wakas
3. Tekstong Deskriptibo

Ito ay tekstong naglalarawan at nagbibigay ng katangian sa isang tao, bagay, pook o


pangyayari. Ang isang tekstong naglalarawan ay gumagamit ng iba’t ibang pandama. Taglay din
nito ang pagkakaroon ng tono o damdaming nangingibabaw sa isang akda. Sa pagkuha ng
atensiyon ng mambabasa napakalaking bagay ng paglalarawan na gigising sa diwa at
imahinasyon ng mga bumabasa ng akda. Mga pang-uri at pangabay ang karaniwang ginagamit ng
manunulat.
Ang tekstong deskriptibo ay napakabisang itambal sa lahat ng uri ng teksto.
4. Tekstong Argumentatibo
Likas na sa tao ang mangatuwiran sa anopamang usapin na gusto niyang
patotohanan, sa maraming pagkakataon ang bawat tao ay humahabi ng sarili niyang
katuwiran batay sa ideya, karanasan at konsepto niya hinggil sa paksang pinag-
uusapan.
Obhetibo ang tono ng tekstong argumentatibo sapagkat kumukumbinsi ito ayon
sa mga patunay o datos ng impormasyon na inilalatag sa isang usapin.
Dahil sa kagustuhang maging matibay ang mga binibitiwang argumento ng iba
naglalatag sila ng mga ebidensya o impormasyon na detalyado at tumpak na
makatutulong sa kanila sa pagbibigay ng mahusay na argumento.
Sa pagbibigay ng argumento lumalabas ang paninindigan at prinsipyo ng
nakikipagpalitan ng pahayag.
5. Tekstong Persweysibo

Ito ay isang uri ng tekstong mapanghikayat na gumagamit ng mga


mapangumbinsing salita upang mapukaw ang emosyon at damdamin ng mambabasa.

Ang tekstong ito ay subhetibo sapagkat malayang nailalahad ng manunulat ang


kanyang opinyon at paniniwala sa akda.

Ang tekstong ito ay ginagamit sa paggawa ng patalastas, propaganda sa eleksyon,


pagkuha ng mga miyembro sa sanga-sangang bilang ng miyembro sa antas ng
pagnenegosyo o pamumuhunan at mga artikulo na nanghihikayat.
6. Tekstong Prosidyural

Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na inilalahad ang mga


hakbang o proseso sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang
inaasahan.
Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay. Layunin
din nitong maipabatid ang wastong hakbang na dapat isagawa.
Kailangan lamang sundin ang direksyon o tamang patnubay sa
paggawa ng isang tekstong prosidyural upang maiwasan ang
kumplikasyon sa pagbibigay ng impormasyon at instruksyon.
“Ang hulwaran o istilo sa pagsulat ay isang
sistema o kaparaanan kung paano binubuo at
inilalahad ng awtor ang mga impormasyon o
ideya sa mga teksto o babasahin”
(BADAYOS 2000)

You might also like