You are on page 1of 2

SAYA NG BAWAT SANDALI

By: CHAN ANGELES


Napakasaya nang bawat sandali na kasama mo sila, kaagapay ang mga kaibigang nabibigay
alaala, sa anumang kwento ay ikaw ay naalala
Yung tipong pinipilt ka nilang manood ng paborito nilang mga kartun kahit alam nilang hindi ito
ang iyong hilig, Yung tipong yayain kang manood ng paborito nilang sine bonus pa kung libre
Yung tipong isasalaysay nila ang mga iba't ibang nagawa nilang plano para sa barkada sa'yo
tulad ng sama-samang pagtulog sa tirahan ng isa, pakikipagsapalaran sa natatagong ganda ng
kalikasan, o kaya naman, road trip, ayun mas masaya.
Yung tipong sosopresahin ka sa araw ng iyong kaarawan, o kaya naman, gugulatin ka dahil wala
lang, trip lang nila, korny at distorbo pero gusto ka lang nila mapasaya Yung tipo ring kusa kang
sasamahan sa mga pansariling gala mo sa buhay
Napakasaya rin yung mga panahong gagawan ka ng proyekto, aalukin ka ng papel, pluma, pera o
kahit ano pamang bagay na alam na alam niyang wala ka at ito'y iyong agad na kinakailangan
Yung tipong uunahin ka pa kahit mayroon pa siyang kinakailangan agad na tapusin dahil sa isip
niya'y ika'y mas mahalaga.
Yung tipong bibigyan ka ng biskwit dahil alam niyang gutom ka na, o kaya naman, tatanungin
kung saan mong gustong kumain ng tanghalian
Yung tipong tuturuan kang maglaro ng paborito nilang laro, mapakompyuter man, cellphone o
isports, saka, tuturuan kang magpatakbo ng motor dahil alam nilang gusto mong matuto kahit
wala ka naman talagang alam kung papaano
Yung mga panahon na boluntaryo siyang tatayo para sa iyong pangngailangan, tulad na lamang
ng simpleng pagbili ng iyong ulam o meryenda, o kaya naman, sasamahan ka sa iyong gurong
ika'y pinapatawag. Sila rin yung handang ikutin ang buong eskwelahan o malawak na paliguan
mahanap lang ang nawala mong kagamitan
Yung tipong magrereply agad sila sa Messenger dahil kailangan mo ng tulong, o kaya sa mga
pagmention mo sa kanila sa Facebook, at ginagawa rin nila ito sa'yo, bay, napakasaya sa
pakiramdam.
Napakasaya ng bawat sandali na ipagdadasal ka ng iyong kaibigan, hihilingin sa Poong Maykapal,
na siya na lamang ang masaktan, indain ang sakit na iyong nararamdaman, dahil sa matinding
pagmamahal niya para sa'yo bilang kaibigan
Yung tipong nariyan sila sa lahat ng oras na kailangan mo sila, sa panahon na bagsak ka, nag-iisa,
at tatanungin "Okay ka lang?" kahit alam naman nila na ika'y hindi. Ang sarap pakinggan na
sila'y makikipagkwentuhan sa'yo ng kanilang mga malalalim na problema, dahil sa kanila’y ikay
mapagkakatiwalaan, kwekwentuhan ka ng buhay-pag-ibig o kaya kung gaano kaganda ang
kanilang napupusuan (Yieee), minsan pa nga ma walang patutunguhang usapan pero ang saya,
ang saya ng bawat sandali na nariyan sila para sayo.
Matapos ang mga araw na ito, lilipas ang mga segundo, titingin na lamang ako sa mga paborito
kong tala sa itaas, iisipin sila at biglang maiisip na baliktad pala ang mundo.
Napagtanto ko na “Parang may mali, Oo nga no, ako pala ang nagpapasaya”,
Napakasaya ng bawat sandali na gawin ang lahat ng masaya at tamang gawain, para sa kanilang
kapakanan, dahil gusto at tungkulin mo silang pasayahin at lumigaya.
Ako nga pala ang nagpapasaya
Pero, minsan kapg alam kong sila ay masaya na, kahit malungkot at sobrang sakit na, mas pipiliin
ko pang alalahanin ang kwento nila, upang sa ganitong paraan ako'y kanilang maalala.

-END-

You might also like